*Insert Title Here*
Alam kong sawang-sawa na kayo sa mga nababasa niong, master-slave love story. At ang kwento ko ay hindi naiiba.. Well, kinda? Coz ours is the abnormal version of a master-slave love story, if there is any.
Pero siguro sasabihin nio, 'Wala na bang bago?'
O kaya naman, 'Tss, nakakasawa na ang ganan.'
Pero.. Pakelam ko naman?!
Hindi naman ako nagkukwento para sa mga whiny readers.
At mas lalong hindi ako nagkukwento para sa mga taong walang alam gawin kundi magreklamo sa mga authors.
(A/N: Di lang kayo reader namin. =_________=)
Oh well.
Enough with that crap.
I'm AC Soriano. Kung anong ibig sabihin ng AC? Wag nio na itanong. Bukod sa pamilya ko, wala ng iba pang nakakaalam ng ibig sabihin ng AC. At saka.. Malalaman nio din naman =_________=
Oo nga pala. Ikukwento ko pa nga pala kung pano ko naging slave ng monster na yun.
Ganito kase..
1--
Ang dami-dami namang pwedeng magkasakit ng ganito..
Bakit ako pa?
Anjan yung mga criminal.
Yung mga masasama ang loob.
Yung mga magnanakaw.
Yung mga kidnappers.
Yung mga carnappers.
Yung mga murderers.
Yung mga drug lords.
Anjan din yung mga siraulong lalaki ka na walang ibang ginawa kundi magpaiyak ng babae
Bakit ako pa?
Lord naman.
Ano ba to? Isang malaking joke?
Asan yung punchline?
Aish.
From: Cuz AJ
Hey! Bili mo muna ko ice cream. Yung malaki ha? Thanks :*
Buti na lang nasa tapat pa lang ako ng MiniStop ng mga oras na yun. Hindi na ko nagtagal sa pagpili. Basta na ko kumuha nung 1.5 gallon tas nagpunta na sa cashier.
'I received 500 pesos'
Ni-punch na nung cashier yung mga binili ko (Kasi bukod dun sa 1.5, bumili pa ko nung sundae na nasa cone.) Kinukuha ko yung phone ko sa bag ko, habang nakataas yung right hand ko kase hawak ko yung ice cream in cone dun kaya di ko na napansin na may mababangga na pala ako. The next thing I knew, wala ng ice cream yung cone, at may isang malaking tao na nasa harapan ko.
Nung iangat ko yung tingin ko, I came face to face to my school's most famous hearththrob, and number one snob, Sigfreid George del Mundo.
'Yung ice cream ko..'
Nakatingin lang ako nun sa polo nia. Eh kasi nalipat dun yung ice cream ko! Tss. 15 pesos din yun! >___<
'Wala ka bang mata?!'
Tumingin ako sa kania tapos balik dun sa ice cream. Aish. Yung ice cream ko.. Kelangan ko yun ngayon. I need to calm my nerves T^T
'Excuse me? Ako ba tinatanong mo?'