CHAPTER 12 *You're My Medicine*

14 0 0
                                    


(Biboy's Pov)

Nabalitaan ko na may sakit si Jenny. Paano ko nabalitaan? Sa friend niya. Basta yung mataray na friend niya.


Hiningi ko ang address nina Jenny.
Good thing malapit lang yun sa Subdivision namin. Agad akong pumunta dun.


Nakatayo na ako sa pinto ng Condo ni Jenny. Oo sa condo daw nakatira si Jenny sabi nung kaibigan niya since daw nasa ibang bansa yung parehong parents ni Jenny.


*ding-dong*


Nag doorbell ako. Ilang minuto na pero wala pa din nagbubukas, pinihit ko ang doorknob, di naman pala nakalock. -_-


Pumasok na ako. Ang ganda ng Condo niya. Halatang babae ang nakatira, maayos at malinis.


"Jenny. Si Biboy to." tawag ko.
Walang sumagot. Tumungo nalang ako sa kwarto ni Jenny.


Nakita ko siyang nakahiga. Lumapit ako, natutulog siya. Hinipo ko ang noo niya.


"Ang taas ng lagnat mo jenny." hindi na ako nagtaka kasi mag isa lang siya dito kaya walang mag aalaga sa kanya.


Lumabas muna ako ng kwarto niya.
Nagpunta ako sa kusina niya at nagluto. Tiningnan ko ang meron sa ref niya at niluto ang pwedeng maluto.



Pagkatapos ko magluto ng pagkain niya sumaglit ako sa butika. Nag jacket ako dahil makikilala ako. Mahirap na.


Pagbalik ko ay tulog pa din si Jenny. Ginising ko siya at iniupo.

"Kain ka jenny. Para bumaba ang lagnat mo." sabi ko. Tumango naman siya. Alam kong hindi niya kaya kumain mag isa kaya nag prisinta na akong subuan siya.


"Salamat bibs ah? Nag abala ka pa" sabi ni Jenny. Sinabi niya yun ng may maliit na ngiti sa labi.


"Wala yun. Di ka naman abala Jen e. Magkaibigan tayo diba?" sabi ko at pinagpatuloy ang pagsusubo ng pagkain sa kanya.


Ngumiti lang siya. Kahit anong anggulo ng ngiti niya naaalala ko si Jen. Parehong pareho e. Kaya hindi nyo ako masisisi kung inakala kong siya si Jen.


Pagkatapos niyang kumain ay pinainom ko siya ng gamot at pinahiga na. Punagmamasdan ko lang siya habang natutulog siya. Ang mahaba niyang pilik mata, ang matangos niyang ilong, ang labi niya na kahit maputla ay kissable pa din.



I miss My bestfriend.


"Bibs." sabi niya bigla. Nananaginip ata siya. Napangiti ako ng palihim. Ako ang nasa paniginip niya.
Bakit ako masaya? Ahh ewan ko.


Di ko namalayan na napaidlip na din ako sa tabi ng kama niya.

Naalimpungatan ako kaya nagising agad ako. Tiningnan ko ang sarili ko. May kumot na nakapatong sa likod ko. Si Jenny. Tumingin ako sa kama.


"Gising ka na pala bibs. Salamat sa pag aalaga saakin ha? Maayos ayos na ako. ^_^" Nakangiting sabi ni Jen.
Why do i feel a sudden relief? Siguro dahil magaling na siya. Tama. Magaling na kasi siya.


~~
(Jen's Pov)

Nagising ako. Mejo maayos na naman ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa tabi ko.


Natutulog si Bibs. Tumingin ako sa wrist watch niya. Parang.......parang familiar?


Biglang sumakit ang ulo ko. A sudden flashback came to my mind.

Binigyan ng batang babae angg batang lalaki ng regalong relo nung birthday niya.


Napamulat ako. Ala-ala ko ba yun? Nitong mga nakaraang araw napapanaginipan ko ang isang batang lalaki na parang sobrang malapit sa puso ko.



Blurr ang mukha ng batang lalaki pero nung nakita ko yung relo ni Biboy mejo luminaw yung muka ng bata. Pero ba't ganun?



Di ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Si biboy. Si biboy ang batang lalaki sa panaginip ko.



Siya ang batang lalaki. Siya ang missing piece sa ala ala ko. Should i tell him? Akala niya siguro patay na ako.



Ipinatong ko sakanya ang kumot ko.
"Akala ko hindi na kita maaalala pa biboy. I miss you. Imiss you bestfriend." Hinaplos ko ang buhok niya.



Siguro nga, nawala ka sa memory ko. Pero nakilala ka ng puso ko.
You're my medicine.



The first guy that i loved. And still be love. My bestfriend, bibs.

~~
Yay! Nakaka alala na si Jen guys.
Good news. ^_^
Vote kayo guys. :)

PERFECT TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon