Crystel's POV
First day of school, grade 11 na ako. Nakakakaba pero at the same time nakakaexcite. Kung alam niyo lang hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Imagine! New friends, new teachers, new classmates, new school etc.
Pag pasok ko sa gate, namangha na agad ako sa laki ng eskwelahang ito. Ibang iba sa pinanggalingan ko. Buti nalang at naisipan akong pag-aralin ni Itay dito sa Maynila, kaya nakikitira ako ngayon sa bahay nila kasama ang tatlong anak niya at ang bagong asawa niya. Namatay kasi si Inay nung ipinanganak niya ako. Bago pa man ako natutong maglakad ay lumuwas na si Itay dito sa Maynila para makipagsapalaran. Lumaki ako sa piling ni Anti Beth, ni Lolo at ni Lola. Buwan-buwan lang bumibisita si Itay sa Sagada kaya buwan-buwan ko lang din siya nakikita.
Nung ika-12 kaarawan ko tiyaka ko nalaman na may bagong pamilya na pala ang tatay ko. Una masakit kasi pagkapanganak ko palang pala ay may iba na si Itay. Nung una di ko natanggap pero nung lumipas na ang mga panahon ay natutunan ko nang tanggapin ang katotohanan.
Pagkatapos ko ng grade 10 ay dinala na ako ni Itay dito sa Maynila. Nung una naiilang palang akong manirahan sa bahay nila pero tulad nang nakasanayan, habang tumatagal ay nagiging komportable narin ako.
Buong buhay ko ngayon lang ako nakapag-aral sa isang private school. Kaya sobrang excited na ako. Bago ako pag-aralin ni itay, nangako na akong pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Sana maging maganda ang buhay ko dito.
"Ayoko na Danny, suko na ko. So please naman oh, tantanan mo na ko" napahinto ako ng biglang may lumitaw na magjowa sa harapan ko, naglalakad kasi ako ngayon sa hallway at saktong lumabas sa isang classroom tong dalawa.
"Please Izelle, bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon" nagulat ako kasi halos lumuhod yung lalake sa babae. Naku naman, ganun ba ka desperado tong lalakeng to sa babaeng yan?
"I gave you enough chances Danny, pero lahat yun sinayang mo. Ayoko na, suko nako" pagkatapos sabihin nung babae yun, umalis siya at naiwan yung lalakeng naka yuko na halatang pinagmamasdan yung bouquet na hawak niya. Sa pangalawang pagkakataon, nagulat uli ako nung bumaling sakin yung tingin nung lalake tapos naglakad siya papalapit sakin. Lumingon lingon ako sa paligid para malaman kung may sasalubungin ba siya sa likod ko pero wala eh, kami lang dalawa dito sa hallway.
"Sayo na" biglang binigay nung lalake yung bulaklak saaken na nasalo ko dahil muntikan nang mahulog at pagkatapos nun ay linagpasan niya lang ako. Tiyaka sayang din no? Bouquet kaya to, BOUQUET!!
Lumingon ako pero wala na siya. Kaya dumeretso nalang ako sa assigned locker ko (884). Bago ko ilinagay sa locker ko yung bulaklak, pinagmasdan ko muna. Maganda siya, maganda ang pagkakaayos at iba't ibang klase ng bulaklak pero kulay pula lahat maliban nalang sa nagiisang puting rosas sa gitna. Hindi ko napigilan ang pagngiti ko, nagustuhan ko yung bulaklak.
"First day of school may manliligaw na"
"Ay palaka!" nagulat ako ng biglang may nagsalita. Dali-dali kong itinago ang bulaklak sa locker ko at ikinandado ito , tiyaka humarap sa babaeng nasa likuran ko.