❤Chapter two: ❤

7 1 1
                                    

Crystel's POV

Gabi na, di pa ako makatulog. Dahil siguro sa excited uli akong pumasok? Ang weird ko no? Pero ganun talaga eh. Umahon ako sa kama at lumapit sa bintana ng kwarto ko.

Oo, may sarili akong kwarto. Sa probinsiya kasi dalawa kami ni Anti Beth sa isang kwarto. Tiyaka malaki rin ang bahay nila papa. Isa kasi siyang business man. Meron siyang inaasikasong 16 branches ng Heart Bread, mga bakeshop.

Pinagmasdan ko ang paligid, may park pala malapit samin. Kumuha ako ng sweater sa may aparador at dahan-dahang lumabas ng bahay.

Dala ko yung cellphone ko kaya tinignan ko narin kung anong oras na. Medyo natagalan kong nabuksan yung keypad na phone ko kasi luma narin siya. Sabi nga ni papa pag nakatop ako ngayong first grading, bibilhan niya ako ng bagong cellphone.

11:46 na, magpapahangin lang ako saglit. Umupo ako sa isang bench dun sa park tiyaka pinagmasdan yung mga bituin. Nagulat nalang ako nang biglang may umupong lalake sa may harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung nagbigay sakin ng bulaklak kaninang umaga. Hindi naman sa binigay, parang binigay niya lang kasi hindi tinanggap nung girlfriend niya.

"Ang ganda ng mga bituin no?" sinubukan kong kapalan ang mukha ko para kausapin yung lalake. Akala ko sasagot siya pero tahimik lang siya. Kahit di niya ko sinagot, atleast tumingin siya sa langit.

Kakausapin ko pa sana siya pero kumulo bigla ang tiyan ko. Hindi kasi ako kumain kaninang hapunan. Bigla kasi akong inatake ng antok pagkauwi ko sa bahay. Magpapaalam pa sana ako pero baka hindi nanaman niya ko pansinin. Umalis nalang ako at umuwi. Dahil gutom ako eh dumeretso na ako sa kusina para maghanap ng maluluto.

Pagkatapos kong kumain ay bigla ko nalang napansin na nawawala yung keychain na bigay sakin ni mama. Bakit ko pa kasi binulsa yun nung umalis ako. Baka nasa park!

Lalabas na sana ako nang biglang nakita ko si Tita Krisha (asawa ni Itay).

"Oh Crystel, bakit gising ka pa?" halata sa boses ni Tita na kakagising lang niya.

"Uh nagutom lang po ako" palusot ko.

"Ganun ba? edi dapat ginising mo nalang ako at nang pinagluto kita" ngumiti nalang ako. Buti nalang mabait si Tita Krisha, hindi nagkamali si Itay sa pagpili sakanya "Oh siya sige matutulog naku, goodnight iha"

"Goodnight din po tita" nang makita kong nakapasok na siya sa kuwarto nila, kumaripas na ko ng takbo papuntang park.

Hinihingal akong nakarating sa park nang mamalayan kong wala na yung lalake at ang worst pa non ay wala na din yung keychain ko.

Lagot! nandun pa naman yung susi ng locker at kwarto ko. Siguro kinuha niya, tatanungin ko nalang siya bukas kung kinuha niya.

------------------------------

"Crystel!" lumingon ako kay Violet nang marinig ko ang boses niya.

"Oh Violet, musta na?" tanong ko na para bang ang tagal tagal naming hindi nagkita.

"Ayos lang, ang bilis mo maglakad ha" hinihingal niyang sagot.

Habang naglalakad kami papuntang classroom, nakasalubong namin yung babaeng pinapaki-usapan nung lalake kahapon na balikan siya.

"Oh Violet, bat nauna kang pumasok? dapat nagsabay nalang tayo" tanong nung babae sakanya. Wait? magkakilala sila?

"Antagal mo naman kasi Ate Izelle" sagot ni Violet. So magkapatid pala sila.

"Ewan ko sayo, oh sige mauuna na kami" umalis yung ate ni Violet. Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala nung Izelle na yun.

---------------------------

Danny's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Tatambay pa sana ako sa garden pero siguradong maraming tao dun mamaya pag malapit nang mag-time. Kaya dumeretso nalang ako classroom ko. Hindi ako pumasok kahapon kasi alam kong wala naman sigurong lesson. Kaya ngayon lang ako nakapasok sa assigned classroom ko (11-B).

Mag-isa lang ako nung una pero maya maya ay nagsidatingan na yung mga classmate ko. Nasa likod ako at nakayuko kaya walang masyadong nakakapansin sakin.

Nang narinig kong nag-ring na yung bell, nag ayos na ako ng upo.

"Pwede bang umupo dito?" iniangat ko ang tingin ko sa babaeng nakatayo ngayon sa gilid ng upuan ko. By two's kasi yung upuan namin, pero hindi yung tulad sa pambata, mas mataas yung amin tapos mas malawak yung table. Teka diba siya yung babae kagabi?

"Hindi" tipid kong sagot.

"Huh? Eh no choice ka, wala nang upuan maliban dito" mataray na sambit niya at biglang umupo sa tabi ko.

"Sabi ng ayoko eh" pilit ko siyang tinutulak sa gilid ng biglang hinampas niya ko ng bag niya.

"Bastos ka ah!" paulit ulit niya akong hinahampas ng bag niya.

"Ano ba!" tumayo ako at sinubukan kong hilain yung bag niya kaya napasandal siya sa dibdib ko at bigla nalang kaming natumbang dalawa.

A/N : Ayiieeehhh start na ng keleg keleg moments xD Buti nalang after 10873538283663 years nakapag update narin. Haha So abangan nalang kung ano susunod na nangyari.

Chao! 💜💚❤💔💗💓💕💖💞





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aim It On My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon