Michie's POV
"Guys ano ba? Gagawa pa ba tayo ng research paper o maghapon tayong magmumovie marathon?" tanong ko sa kanila medyo nakakairita na kasi kanina pa silang eight dito at wala pa kaming naggawa.
"One more movie michie michie, pleasee?", sabi ni kevin at ginamit na naman niya ang pamatay niyang puppy eyes, di na ako tatablan niyan.
"No! Magsisimula na tayo sa ayaw at gusto niyo.." Sabi ko sabay sarado ng laptop ni Michel
"Scatter na mga bes, mamaya na ang kayo magPDA" sabi ko ulit si claire kasi kung makadikit kay kean parang linta.
"Narinig mo yun marco, claire? Maglayo muna kayo at may nagseselos na hahahahaha" gatong pa ni kevin
"What?! Di ako nagseselos. Simulan na nga lang natin para matapos na agad tayo"
Nginisian na lang ako ng nakakaloko ni kevin, si kean na may ngingiti ngiti rin, si claire ay nakabusangot ang mukha habang nagiscan ng mga notes niya, at si michel ay naka harap na sa laptop niya with his boring look.
Tahimik kaming naggagawa hanggang sa di namin na malayan ang oras.
"Guys naggugutom na ako, let's eat na muna" claire suggested
"Oo nga gutom na ako, ikaw ba karen di ka pa ba naggugutom?", tanong sa akin ni kean pero di ko siya pinansin, naiinis kasi ako nakaakbay ba naman siya kay claire.
"One na din pala guys baba na lang kayo pahain kayo kay yaya che" sabi ko na lang sa kanila at isa isa na silang naglabasan.
Pumikit muna ako at akmang iidlip pero mukha ni kean ang bumungad sa isip ko.
Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si kean na may dalang tray ng pagkain.
"O dito ka kakain?" tanong ko sa kanya umiling siya
"Para 'to sayo. Kanina ka pa kasi seryoso"
"Hindi ako gutom" bigla namang kumulo ang sikmura ko pagkasabi ko nun habang si kean ay tatawa tawa habang inaayos yung pagkain sa study table ko.
"Kunyari naniwala akong busog ka nga"
Umupo na lang ako at nagsimulang kumain.
"Gusto mo?" Tanong ko sa kanya naiilang na kasi ako sa titig niya, feeling ko na ngangamatis na yung mukha ko sa tingin niya.
"Makita lang kita, busog na ako" ughh! Gosh sasabog na siguro ako sa kapulahan.
Napatigil ako sa pagkain ng punasan niya ang gilid ng labi ko na dumihan. Ang gwapo niya pala talaga sa malapitan nakaka inlove tuloy, hayyy. Wala sa sariling na sabi ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung ano ang sinabi ko. Buti na lang at pa bulong lang.
"Karen may sinasabi ka?"
"Huh? Ah wala wala teka baba lang ako ha" sabi ko habang nagmamadaling bumaba.
Napagdesisyonan naming magpunta na lang muna sa mall.
Si michel na lang ang pinagtuloy namin ng research paper kasi ayaw niyang sumama sa mall.
Napagkasunduan naming pumunta na sa quantum. Habang papunta kami ay na daanan namin ang stall ng precious pages kaya nagpaalam ako sa kanila na susunod na lang ako.
"Uhm guys susunod na lang ako sa inyo ha?" pagpapaalam ko sa kanila.
"Huh? Why? May problema ba?" tanong sa akin ni kean.
"Nothing. Magtitingin lang ako sa precious pages ng new watty book na pwedeng bilhin" pagpapaliwanag ko.
"Osige una na kami?" tanong ni kevin at halatang excited na siya kaya tinanguan ko na siya habang naka-ngiti.
"Tara na marco?", pag-aaya ni claire sabay pulupot ng kamay sa braso ni kean.
I mentally roll my eyes. Sa harap ko pa talaga. Pero ikinabigla ko I mean namin pala ang sunod na ginawa niya.
"Sorry claire" sabi ni kean at tinanggal ang kamay ni claire sa braso niya sabay akbay sa akin.
"I better go with her. Kevin mauna na kayo ni claire. Susunod na lang kami sa inyo" nakangiting sabi ni kean sa kanila at wala na silang naggawa kundi mauna na.
Habang ako nama'y ngingiti ngiti na lamang hanggang sa nakapasok na kami sa stall.
"Bakit mo ginawa 'yon?", tanong ko kay kean habang nagtitingin ng mga libro.
"Alin yung kanina?" tumango naman ako. "Ah nakakainis na kasi minsan si claire e. To be honest she's not my type. Kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya tsaka may mahal na kasi akong iba." Tumango tango na lang ako sa kanya.
Di ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niyang parang kapatid lang sa kanya si claire o maiinis ako dahil may iba siyang mahal.
Hayy! Wala naman akong mapiling libro na bibilhin kaya naisipan ko na lang na yayain na si kean sa palabas dahil mukhang di na siya komportable dito sa loob.
"Kean tara na? Wala akong mapili e"
"Ah sure..." nag-aalangang sabi niya. Parang may sasabihin pa siya na di niya maituloy.
"May sasabihin ka pa?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.
"Uhm pwede bang di na lang tayo sumunod sa kanila? Tayo na lang dalawa ang mag bonding? Don't worry its my treat", alanganing sabi parin ni kean.
"Sure" ngiting ngiti kong sabi sa kanya.
"Di nga seryoso ka?" Parang amaze na amaze na tanong niya. Di niya siguro akalain na papayag ako.
"Hahahaha oo nga. Tara na? Baka mag bago pa ang isip ko, ikaw rin~~" at bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinila niya na ako palabas, papunta sa parking lot.
BINABASA MO ANG
Nagbago? Sinaktan Mo E
Teen FictionPagnagmamahal daw dapat handa kang masaktan. Ibig sabihin ba no'n dapat handa ka rin sa mga pagbabagong mangyayari?