Dito Sa Kanto

76 8 0
                                    

Pagka-upo ko sa bench sa terminal ng bus

dumating na kaagad ang bus na papuntang school.

Nag-unahan ang lahat papuntang pintuan at naiwan akong nakaupo

"Di ka pa ba sasakay?" tanong nung lalaki na kararating lang

nginitian ko lang siya at sabay sabing, "Ayaw kong makipagsiksikan sa isang bus kahit na alam kong malelate na ako."

Natawa siya sa sinabi ko pero di ko na pinansin. Dumating na ang isa pang bus papuntang school namin na marami pang upuang bakante.

Tiningnan ko ang lalaki at nakita ang pagkamangha sa mga mata niya dahil tama ang sinabi ko kanina. Agad akong pumasok sa bus at sa pagtingin kong muli sa bench ay wala na siya roon.

Sa bawat paghintay ko ng bus sa terminal, ewan ko kung bakit parang hinihintay ko narin ang lalaking nagtanong sa akin noon.

Siguro di ko na siya muli pang makikita. :(

***

Umuulan noon dahil may namumuo daw na LPA malapit sa Pilipinas.

Akala ko pa namang kakanselahin ang mga klase. xD

Nung malapit na ako sa bench, may lalaking nakayuko at para bang humihikbi.

Nilapitan ko siya at nalaman kong siya yung lalaki noon.

"Excuse me, okay ka lang?" maingat kong tanong sa kanya.

Dahan dahan niyang inangat ang mukha niya at ngumiti sa akin,

"Natatandaan mo pa ba iyong sinagot mo sa akin nung una tayong nagkita?"

tahimik lang akong tumango, "May natutunan ako dun. :') Salamat ah."

Naguguluhan ako sa sinabi niya pero nginitian ko parin siya.

Nagpaalam na siya sa akin sabay takbo sa kabilang daan... kaya pala hindi ko siya masyadong nakikita.

Uupo sana ako sa bench pero may nakita akong nakatuping papel sa kinauupuan niya kanina.

Pinulot ko ito ngunit hindi ko binasa kasi baka importante ito sa kanya kaya napagpasyahan kong sa susunod ko nalang ibabalik sa kaniya kapag magkikita kaming muli.

***

Saturday noon kaya nagpunta ako sa park para makapagpahinga. Hindi naman ako palagi doon nagtatambay pero kapag kasi andun ako nawawala lahat ng pagod ko dahil sa mga tawa ng mga bata.

Bumili muna ako ng cotton candy noon bago pumunta sa may swing. Pagdating ko ay may nakaupo na pala sa isang swing. Siya pala.

"Uy..." sabi ko sa kanya "pwede bang dito ako sa kabilang swing?"

tumango lang siya at nginitian ako. Ang cute niya. :)

Tahimik lang kaming dalawa noon at ang awkward sa feeling dahil di ako sanay na mag-isang kasama ang isang lalaki.

"Uhmm... ano pala ang pangalan mo? Matagal na kasi kitang nakikita pero di parin kita kilala. :) " sawakas at nagsalita narin siya. Teka, tinatanong niya ang pangalan ko?

"Uhh... aako pala si Sheila... ikaw, anong pangalan mo?" ano ba to, nauutal ako. >.<

"Xander. :)" inabot niya ang kamay niya at nagdadalawang isip pa akong abutin ito pero nagawa ko. Ang lambot ng kamay niya, siguro mayaman siya.

Kinagatan ko na ang cotton candy ko para mawalan ako ng tensyon.

"Palagi ka ba rito, Shei?" tanong ni Xander. Naku, may tawag na siya sakin. >.<

Dito Sa KantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon