Prologue: 7 years ago

0 0 0
                                    

"Hoy ka jan bakla ka! Asan ka na?!?!" sigaw ni June sa kabilang linya.
"Nasa bahay. Ang aga-aga, ba't ka ba nakasigaw diyan?" sagot ni Mio.
Halata sa boses ni Mio na kagigising pa lamang nito kaya mas lalong nag-init ang ulo ni June. "Isang oras na akong nakikipagbuno sa sketch pad ko at malapit na rin akong maging puno rito pero di ko pa naaaninag yang anino mo. Say goodbye to your beloved portrait, my friend." Saka niya ito binabaan ng telepono.
Itutuloy na sana niya ang pakikipagbuno sa sketch pad niya ng bigla siyang tamaan ng antok. Dahil kaunti lang ang customers doon at nagkataong kilala siya ng may-ari ng cafe na iyon, naisipan niyang matulog na muna habang hinihintay si Mio.
Nagising siya dahil sa nag-iingay niyang cellphone. Ngunit sa halip na sagutin ito, sa nakasabit na cute na cellphone accessory sa cellphone niya ang napagtuunan niya ng pansin. Isa itong sapatos.
Sino kaya ang naglagay nito dito? In fairness, ang cute nito, parang ako. Napatawa siya sa mumunti niyang kalokohan.
Tumingin-tingin siya sa paligid ngunit wala siyang makitang kaduda-dudang nilalang na siyang salarin sa pagkakaroon niya ng maliit na sapatos na yon. Saka lang niya naalalang may tumatawag pala sa kanya. Tinext niya si Mio kung nasaan siya at saka naisipang ituloy ang pinagkakaabalahan niya sa kanyang sketch pad. Na mas lalo niyang ikinagulat. Her sleeping self flashed and a note that said "I always see you sleeping anywhere without worrying that someone might harm you so I decided to guard you everytime I see you sleep, Ms. Pretty. Sweet dreams, future wife. -Your Cute Secret Admirer (JK)".
And her jaw dropped.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartstrings 1: JuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon