"How to move on? – STEP FORWARD."
Sabay tawanan agad ang mga kasamahan ko sa trabaho.
Yun ang lagi kong naririnig na pang-aasar nila sa kaibigan kong si Lexy. Di pa rin sya matigil sa pagluluksa nya para sa ex-boyfriend nyang manloloko. It's been two weeks since she broke up with his boyfriend. Nalaman nya kasi na matagal na pala syang niloloko nito.
BEEN THERE, DONE THAT
Naalala ko lang yung sarili ko sa kanya dati. Ganun na ganun din ako nung hiniwalayan ko si Jay. Kahit ako nga yung nakipaghiwalay sa kanya ako pa yung sobrang nasaktan at sobrang apektado. Niloko din ako. Pero akala ko talaga magkakabalikan pa kami. Sa tagal ba naman namin, 3 years. Akala ko talaga pwede pang ibalik yung dating kami. Handa naman akong bigyan sya ng another chance (pangatlong chance na, kasi pangatlong beses na nya akong niloko, same scenario.)
Ganoon ko sya kamahal. Uso sa akin dati ang mag tanga-tangahan. Talent ko na yun.
Yung tipong, galit na galit ka sa kanya pero namimiss mo rin sya at the same time.
"Mag move-on ka na kasi." Linya ng mga kaibigan natin yun diba? Ang sagot ko naman sa isip ko, SANA MADALING MAG MOVE ON. SANA, MAKAKALIMUTAN KO SYA AGAD. SANA MAPIGILAN KO SARILI KO NA ISIPIN SYA.
Oh diba ang drama ng peg natin pag BH (broken hearted) tayo?
Samantalang kung iisipin mo talaga, may sense naman yung mga sinasabi nila sa atin.
Yung sagot nila na – Move forward or step forward, may sense naman diba? Kung gugustuhin mo talagang mag move on, wag kang manatili sa isang situation na mahihirapan ka lalo. Wag mo rin pilitin ang sarili mo na kalimutan sya dahil hinding hindi mangyayari yun maliban na lang kung magkakaroon ka ng amnesia.
May mga konting steps sa baba na baka makatulong sayo.
HOW TO MOVE ON:
1. Just go with the flow – Sabayan mo ang nararamdaman mo, wag mong pigilan. Kung gusto mong magmukmok sa loob ng kwarto mo after school/work para umiyak, gora lang. Kung gusto mo namang makinig ng mga broken hearted songs para mag reminisce sa mga happy memories nyong dalawa, gora pa rin.
2. Give yourself a break – Have a break. One week na yung pinakamatagal na pagluluksa para sa kanya. Kailangan may expiration date din yung pagiging emotera mo. Try mong humarap sa salamin. Look at yourself, and try to ask kung maganda/gwapo ka pa ba sa lagay na yan? Kumusta naman yung eye bags mong sobrang lusog na sa pagpupuyat ng dahil sa kakaiyak?
3. Go out with your friends – Hang out with them. Focus on your studies/job. Mingle with new friends. Manood kayo ng movie ng mga kaibigan mo (iwasan yung movie na makaka-relate ka, baka iiyak ka na naman sa kalagitnaan ng movie at di pa matuloy yung panonood nyo ng mga kaibigan mo, you might ruin your date with your friends.)
4. Endure the pain – Accept it. Tanggapin mo yung "sakit" na lagi mong nararamdaman sa puso mo. Kung galit ka pa rin sa kanya, hayaan mo lang, may tamang panahon na mapapatawad mo rin sya. Wag ng mag-isip na hihigantihan mo sya. Revenge will never solve anything, karma will.
5. Step forward – Take one step of your life. Isang hakbang para sa pagbabago ng buhay mo na hindi mo na sya kasama. Isipin mo yung buhay mo before you met him. Yung buhay na wala pa sya. Nakaya mo naman diba? So ibig sabihin kaya mo rin ngayon. Cheer up and smile. You deserve to be happy and you deserve someone better.
BINABASA MO ANG
ANG HIRAP MAG MOVE-ON (Paano nga ba?)
RandomPaano nga ba mag move-on? Ikaw sa tingin mo paano nga ba? Paano ba maka get over sa nawalang relasyon nyo ng long term boygfriend/girlfriend mo? Gaano ba kadali? Madali lang ba talaga? Ang daming tanong sa isip ng ilang mga taong heartbroken. Ma...