Pustahan, di ka pa naka move on ano?

216 0 0
                                    




Nakatingin lang si Sweet sa screen ng monitor. Paulit ulit nyang binabasa yung message ng kapatid ng ex nya. "Ate may bagong girlfriend na si Kuya."

Siniko ko sya, "Hoy wala ka bang planong mag reply dian?" Tumabi ako sa kanya.

Umiling sya, "Di ko alam kung ano ire-reply ko."

OH ANO? NAKA MOVE ON NGA BA SYA SA LAGAY NA YAN? Noong nakaraan kakasabi nya lang okay na sya.

"Masakit ba?" tanong ko kay Sweet. Tumango lang sya sabay iyak na naman. Hays, seven months na simula nung wala na sila ng ex boyfriend nya, akala ko nga naka recover na sya mula sa break up nila kasi naman nung mga nakaraang buwan parang may boyfriend na din naman sya. Pero eto nga sya ngayon biglang umiyak nung malaman nyang may girlfriend na yung ex nya.

"Akala ko ba okay ka na? may boyfriend ka naman diba? Si Rex? eh ano sya?" Takang tanong ko sa kanya.

"Di ko alam. Oo may boyfriend ako pero bakit nasasaktan pa rin ako ng ganito? Bakit apektado pa rin ako?" Pahikbi nyang sagot.

Hindi na ako nakasagot, hinagod ko lang sya sa likod nya. Umeksena naman yung isang roommate namin na si Alexa, "Naku Sweet tumigil ka dian, babatukan na talaga kita. Anong silbi ng boyfriend mo? Sana pala di mo na lang sinagot si Rex."

Hindi na ako nakisali, kawawa naman si Sweet.

Pero ano nga ba ang dahilan ng iba bakit kailangan nilang gumamit ng ibang tao para maka-move on?


POSSIBLE REASONS:

1. To recover the pain— Hindi mo kailangan gumamit ng ibang tao para gawing vulcaseal sa butas mong puso. Kasi ba umaasa kang makakalimutan mo din sya pag may bago ka? MALI. Hangga't di ka pa handang magmahal ulit wag mong pilitin ang sarili mo. Baka kasi sa huli luhaan ka na naman.

2. Hoping — Hopyang magseselos sya kung sakaling may iba ka na. Iniisip mo baka sakaling marealize nyang mahal ka pa nya. Wag masyadong umasa, mas lalong masakit. Wag din gumamit ng ibang tao, wag kang mandamay, kumain ka na lang ng hopya mabubusog ka pa.

3. Pride— Ipinamukha mo sa ex mo na hindi lang sya ang lalaki/babae sa mundo at mas may better pa sa kanya kaya pinalitan mo agad. Gusto mong isipin nya na hindi ka naman talaga ganoon ka-apektado sa break up nyo. KASINUNGALINGAN, yung totoo sobrang apektado ka pala kaya nanggamit ka.


Take a break after a breakup. Sinasabi ng iba na nagbabago sila ng dahil sa bad experience nila sa past nila. Change ba yung gusto nyo? Siguraduhing change for the better ito. Wag masyadong padadala sa lungkot na nararamdaman nyo. Bakit nyo nga ba kailangan ng bagong boyfriend/girlfriend? After break up ayaw nyo ba munang magpahinga? Minsan kasi mas nakakabuti ang mahabang pahinga galing sa isang unsuccessful relationship.

Isipin mo yung mga mali at pagkukulang mo sa past relationship mo, para naman in the future medyo aware ka na sa mga posibleng mangyari at maiwasan mo na.

Alam mo naman sa sarili mo kung kelan ka na handang makipag date at mag entertain ng manliligaw.


Minsan din kasi yung pagmo-move on naka depende sa klase ng break up. Yung iba naman madali lang sa kanila, kasi habang in a relationship pa sila pareho na silang na-fall out of love. Yung mga ganoong klase naman pinag uusapan na lang at madali na lang banggitin yung salitang, "let's break up, because you deserve someone better." o di kaya " It's not you, it's me." Kasi pareho na nilang narealized na hindi na sila masaya.

Sana ganun nga lahat. Kaso hindi nga diba? Kaya yung nangyayari laging nakabitin yung isa habang yung isa naman ay masaya na.

You don't need to be happy by using other person as your new lover o pamalit sa relasyong di nag work out.

Wag ganun, aba.





WRECKING BALL


Walang sawa kong pinapakinggan ngayon ang kantang "WRECKING BALL" Alam kong luma na ang kantang ito pero para sa mga brokenhearted, ito talaga ang madalas pinapakinggan. Sapul na sapul sa sarili mo yung kanta.

Yung tipong binigay mo na sa kanya lahat, sobra-sobra pa nga kaso kulang yung sinukli sayo.

Habang pinapakinggan ko, gusto kong maalala lahat ng sakit na naramdaman ko noong nag break kami ni Jay. Kaso parang wala naman na. Di na gaya dati. Hindi na masyadong masakit. Take note: Hindi "masyado" ibig sabihin masakit pa rin pala kaso hindi na masyado lol. Medyo naka-move on na din pala ako.

Minsan hindi rin masamang icheck yung feelings mo kung okay ka na ba talaga. Handa ka na ba talagang magmahal ulit?

Wag kang matakot masaktan, if you don't risk on something you'll never gain anything. :)

Yung kantang "Wrecking ball" maganda yung lyrics kahit luma na ay pwede mong balik-balikan at paulit ulit na pakinggan. Pero pwede ka namang sumubok ng ibang mas bagong kanta, mas maganda yung lyrics. Yung heartbreaking song pa rin kaso sa huli ng lyric sinasabing natuto din syang mag let-go.

Yung memories mo kay ex anytime pwede mong balik-balikan, kaso subukan mong i-skip yung part na lagi mong pinanghahawakan. MOVE ON nga diba? kaya pati sa memories nyong dalawa, iforward mo na rin. Wag kang manatili dun sa parteng puro promises, plans, sweet moments etc.

Wag din puro regrets. Nagkahiwalay kayo for a reason. And maybe nagkahiwalay kayo kasi may purpose.

Anyway kung para kayo talaga sa isa't isa in the end


MAGIGING KAYO DIN ULIT...............

Kung pakiramdam mo wala na talaga, let it be. Wag ng ipagpilitan yung mga bagay na hindi talaga para sayo. I'm sure may plano si God. Kaya ngiti ka lang, tama na nag bitternes sa puso.

ANG HIRAP MAG MOVE-ON (Paano nga ba?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon