PARANG KAYO, PERO HINDI.

135 0 0
                                    


Iba-iba talaga ang opinion ng mga tao. Iyung iba sinasabi nila mas maganda yung WALANG COMMITMENT. Mas malaya ka daw, mas masaya. Iyung iba naman, sinasabi nila heartache lang daw yung naidudulot sayo ng isang sitwasyon na walang kasiguraduhan.

So sa dalawang iyan alin sayo ang pipiliin mo? Yung walang commitment na malaya kayong gawin yung isa't isa, o iyung may priorities kayo sa isa't isa kasi nagmamahalan kayo?


Parang kayo, pero hindi-  Pwedeng kaibigan mo sya pero may nararamdaman kayo sa isa't isa. Di lang maka amin-amin sa isa't isa. Pwede rin friends with benefits, no strings attach, magkaibigan o magkaka kilala lang kayo pero may mga bagay na kayong dalawa lang ang nakakaalam. Ang daming definition ng PARANG KAYO, PERO HINDI. 

Pero alam nyo kung ano iyung masakit? iyung tipong hanggang diyan lang kayo kasi taken si girl/boy at second option ka lang niya. Kaya hindi niya magawang seryosohin ang mga bagay-bagay tungkol sa inyong dalawa. Kaya hanggang friends with char'char feelings lang kayo. 

Pwedeng hindi siya taken sa iba pero maaring taken na iyung puso niya sa ibang tao. Ang sakit diba? O baka she's/he's in the process of moving on from the past at ikaw naman iyung biglang dumating sa buhay niya kaya ikaw itong naging si friend with char'char feelings lang.

Iyung ibang tao kakaiba din ang prinsipyo nila pagdating sa pag-ibig. Pwedeng tiisin nilang maging second option para lang sa taong mahal na mahal nila. Pero may ibang mga tao naman na nagigising agad sa katangahan kaya umiiwas na sa sitwasyon habang mas maaga pa.


Noong nakapag decide ako na tuluyan na talaga siyang alisin sa buhay ko. Iyung unang ginawa ko, I blocked his facebook account. Second his phone number. And hopefully soon sa puso ko naman. :) 

Sabi nga sa amin dati ng boy best friend kong si Justine hindi naman masamang mang-block sa facebook. As long as alam mong ikaw iyung masasaktan kapag hindi mo iyun gagawin edi mas mabuti pang i-block na lang talaga. Balang araw pag okay ka na, pwede mo naman siyang i-unblock. Nasabi ko naman sa first chapter iyung mga paraan na maaring makatulong kung paano makapag move on, isa na doon iyung hinay-hinay lang bes huwag magmadali. :) Kumbaga slowly but surely po mga bes.

Hinay-hinay lang tayo, makaka move on din tayo balang araw. 


"Sabihin mo naman sa akin oh?" Pinipilit ko na naman si Fred na sagutin na yung tanong ko. Best friend siya ni Tram, na naging matalik kong kaibigan. Actually halos lahat ng mga kaibigan niya ay naging malapit na rin sa akin. 


Napabuntong hininga si Fred alam kong nahihirapan siya kasi parehas niya kaming kaibigan, "Oo na, sasabihin ko na. Sasabihin ko lang ito kasi ayokong patuloy kang aasa sa kanya. Ayokong masaktan ka lalo."

Patango tango lang ako at hinanda na yung sarili ko sa mga sasabihin niya sa akin. 

Nakinig lang ako sa kanya at tahimik lang ako. Lahat ng mga sinabi ni Fred ay tumatak lahat sa utak at puso ko, pati yung sakit na nararamdaman ko hindi ko maintindihan kung anong ire-react ko. But after all, ngumiti lang ako.


"Ah ganun ba?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa mga ulap, iniiwasan kong umiyak sa harapan niya. "Ayos lang, alam ko naman na ganito talaga ang mangyayari sa amin, kasalanan ko naman kasi nagpaloko ako."


Napakamot lang sa ulo si Fred, "Ikaw kasi eh, pinilit mo ako." Natawa lang ako. Ang swerte ko talaga sa kanila, sa mga kaibigan ni Tram. Sa tuwing nasasaktan ako ng ganito sila palagi ang nandiyan sa tabi ko. 


"Ano ba okay lang iyun." Pangiti-ngiti lang ako. Umalis na si Fred, lumapit naman si Zayn sa kinauupan ko. Tumabi siya sa akin. I heard him sighed.


"Don't cry." Pagkatapos ng mga katagang iyun ay napaiyak na ako. Nakakainis talaga, sinabi niya nga na don't cry, napaiyak pa ako. 

Hinayaan lang ako ni Zayn hanggang sa medyo okay na ako nagsalita siya ulit. "Kung ano magiging desisyon mo, andito pa rin kami ni Fred."


Nginitian ko siya tsaka tumango, "Thank you." 


Hindi ko makalimutan iyung sinabi sa akin ni Zayn dati, WE DON'T MEET PEOPLE BY ACCIDENT. THEY ARE MEANT TO CROSS OUR PATH FOR A REASON.

Siguro sila iyung reason kung bakit ko na-meet si Tram, after all hindi naman pala ganoon kasama yung pagkaka-meet namin sa isa't-isa kasi may Zayn and Fred naman sa buhay ko. :) 

ANG HIRAP MAG MOVE-ON (Paano nga ba?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon