Part 2

53 3 0
                                    


Chapter 6

Coreen's POV

Ang kapal talaga ng kutong lupang yun nakakainis!!!!!. Anong akala nya gusto kong halikan nya ko? Hah kapal nya bwisit! 

After 30 minutes

Bakit ba ang tagal ni kutong lupa? Nakakapikon na sya ha. Ang ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako tapos ganto lang! Bwisit sinabi ng 9am anong oras na ngayon!? Nakaka banas talaga akala mo naman gwapo muka namang higad, palagi pang nakadikit kay Guera tsk. Sabagay tama lang na sila ang magkasama, isang higad at isang sanga. Hahahaha

At habang busy si Coreen sa panglalait kay Jace hindi nya alam na nakababa na pala ito at ngayon ay nakatitig na sa kanya.

"Ano na naman kayang iniisip nito ni seatmate? Ang weird nya talaga"

"Hah sana pag nasa labas yang si kutong lupa, umulan ng sibat, itak, kutsilyo, yelo, bakal, graba, at semento. Tingnan lang natin kung mabuhay kapang kutong lupa ka Hahahahahaha!"

"Hi seatmate"

"Ayyyanakngseatmate!. Ano ba!? Papatayin mo ba talaga ako ha! Bwisit ka talaga kahit kelan!"

"Sorry na seatmate. May sakit kaba sa puso?"

"Ano?"

"Sabi mo baka atakihin ka diba?"

"Anong connect?"

"Kase baka atakihin ka sa angking kong kakisigan" sabi ni Jace ng nakangiti sabay kindat

"Ahhh tatawa na ko?"

"Haha sabi ko nga e. Sige magsimula na tayo"

"Tsk. Ok dun muna tayo sa basic, Full name?"

"Seriously seatmate? Di kaba nakinig nung nagpakilala ako?"

"Can you just answer that f*cking question. Ang daldal mo talaga tsss"

"Uyyy don't cuss, masama yun"

"Sasagutin mo ba ohh babangasan kita? Ang daldal mo din e ka-lalaking mong tao"

"Ok ok easy ka lang. Jace Ally Sarmiento yun ang pangalan ko"

"Nickname?"

"Ha? Ehh Jace nalang"

"Ok Ally, noted. Hobby?"

"Hoy seatmate sabi ko Jace hindi Ally."

"Pangalan mo din naman yung Ally diba?

"Oo"

"Ohh? Anong inaarte mo dyan?"

"Ehh kase parang pa-

"Pang babae? Ok naman aa cute kaya"

"Talaga? e kahit na. Jace nalang kase"

"Hobby?"

"Bat ang tigas ng ulo mo?"

"Bat ang daldal mo?"

Nagtitigan kami ngayon ni Ally. Unang kumurap talo.

"Aish kelan ba ko mananalo sayo?"

"Hobby?"

"Volleyball ho."

"Ilan kapatid mo?"

"Dalawa lang kame"

"You are?"

"Youngest. Seatmate ako naman magtatanong"

"Mamaya nga. May tanong pa ko"

"Ano yun?"

Saan Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon