Chapter VII [ACEmeetsCLOVER]

38 7 0
                                    

WAAaaaa!!! Nakapag'update din!

Natapos na kase ang exam namin, case study naman ngayon!
Hopefully bukas makapag'update ulet.
Tiwala lang!!!!

          Status Report: 85%

                   Eto po yung percentage kung gaano nalang ka-idol/ka-inlove ni Clover si Ace. <(^____^)>

<Clover’sPOV>

          Malapit ng mag 8:00am ng mga oras na to at nasa loob kami (ako at si Ace) ng sasakyan nya papuntang recording studio.

          Saglit lang ay nasa may studio na kami dahil kanina pa din naman kami nasa byahe, 8:30 ang start at ngayon ay 8:10 na kaya maya maya ay kakanta na sila para gawin ang next album nila.

          Ilalagay ko na yung bag ko at ang malaking bag ng butihing amo ko sa upuan nang makita ko yung manong na mainitin ang ulo. Hmm, andito din sya?? Sino ba kase to??

                   “Clover!”

          May tumawag sakin mula sa bunganga ng pintuan kaya tumingin ako. Ay! Si Nathan lang pala. With matching taas kamay pa sya.

                   “Hello.”

          Syempre ngumiti naman ako, di naman ako suplada wee. Nandito na din si Vince, niligtas nya ko kagabi mula sa maduduming kamay ng tatlong bisugo pero di pa ko nakakapagpasalamat ng matino. Lalapitan ko na sana sya para iabot ang taos-pusong pasasalamat ko kaya lang may epal na manong ang bumanggit ng pangalan ko..

                  “Clover, don’t forget to make a coffee for everyone later, 10:00.”

          Teka! Teka! Teka! Tama ba ang pagkakarinig ko?? Inuutusan nya ba ko?? For your information manong, alalay ako ni Ace not everyone, si Ace lang! Period!!

                    “Sino ho ba kayo manong??”

                   “BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

          Nagtawanan ng bonggang bongga sina Nathan at Marc kahit di naman ako nagpapatawa (Ganito ba kababaw ang mga tao dito??), medyo tumawa din si Vince at ang pinakanapansin ko ay si Ace, nakayuko sya pero nakita ko medyo nakangiti din sya. Ang-Ang- Ang kyut!!! \(*v*)/

          Status Report: 90%

          Binalik ko ang tingin ko sa manong na nasa harap ko, hala! Baket umuusok ang tenge at ilong neto??

                   “I’M THEIR MANAGER YOU IDIOT!!!!

          Wee?? Yung totoo??

ACEmeetsCLOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon