Chapter IX [ACEmeetsCLOVER]

17 2 0
                                    

<NATHAN’sPOV>

          Nandito ngayon si Clover sa tambayan ng banda namin. Pinagawa namin tong magkaka’banda nung pasikat palang kami. Hindi naman sya ganun kalaki, may sofa set, TV, drum set, gitara, base, organ, dalawang malaking speakers, counter bar, kusina, banyo, at isang kwarto, yung kwarto para kay Ace lang yun, sya lang nagpadagdag nun dahil sya lang naman ang loner sa banda, pero solid pa din kami.

          Kami nga lang pala ni Clover ang nandito ngayon at pinagamit ko muna sa kanya yung kwarto ni Ace, wala namang balak pumunta dito ngayon yun wee, simula kase nung sumikat na ang banda, wala na kaming free time para tumambay pa dahil ang buhay nalang namin ngayon ay concert, tour, TV, magazine , at radio interviews and guestings, at pag wala, na halos twice or thrice lang mang yari sa isang buwan, kanya-kanyang pahinga nalang kami dahil sa sobrang pagod.

          Teka! Teka! Baka naman akala nyo na may binabalak akong hindi maganda ha?? Wala ah!! WALA!!! Ang description kase sakin ni Ace, hindi ko na maalala kung saang chapter ng kwentong ito iyon ay womanizer. Hindi totoo yun!! Pramis!! Malapit lang talaga ang loob ko sa mga babae. May nakababata kase akong kapatid na babae, sobrang close kami dahil 5 years ang age gap namin kaya kuyang-kuya ang dating ko, kaso may nangyaring hindi maganda, nagkasakit sya nung 12 years old ako at 7 years old sya, sa kasamaang palad hindi nya kinaya yung sakit, at yung mga panahon na yun, mahirap lang kami, kaya namatay sya, kaya eto ako ngayon, puro music, dinaan ko sa music ang lahat, masaya na ko, masaya ko hanggang nandito ang mga kabanda ko. Haha! Tama na nga sa kwento, baka maiyak pa ko. Yun ang dahilan kaya malapit ang loob ko sa mga babae, at yung womanizer pang asar lang nila yun sakin, kaya parang naging katuwaan nalang yun! Ang totoong womanizer ay si Marc!! Yung sakanya, hindi katuwaan yun! Totoo yun!!!

          Sa tingin ko, tulog na si Clover, dito lang ako sa couch, dito lang naman talaga kami eh dahil si Ace nga lang yung sa kwarto.

                   Ringtoneeee . . . . . .  (Pagpasensyahan! Wala po akong maisip na ringtone wee.)

                   “Hello??”

                   “Hey Tan, where’s my P.A?? I know that she’s with you until now.”

                   “Yes, she’s here, we’re in the restobar.”

          Restobar ang tawag namin sa tambayan namin.

                   “Pauwiin mo na sya, may trabaho pa sya bukas.”

               “Alam mo Ace, sa tingin ko wala pa syang balak umuwi ngayon, sa tingin ko dapat ka munang humingi ng paumanhin sa kanya.”

                   “Tss! We’ve been together since high school Tan, how many times do I need to tell you that I never said sorry to anyone, except for my past girlfriend.”

                   “Okay! Okay! I already knew that, iisip nalang ako ng paraan.”

                   “Thanks Tan.”

KINABUKASAN. . .

<CLOVER’sPOV>

                   “Talaga?? Nagsorry na si Ace??”

                   “Oo, tumawag sya sakin kagabi, pinapabalik ka na nya.”

          Hindi ko gusto yung ginawa ni Ace kahapon, pero nung nalaman kong marunong pala sya mag sorry medyo okay na din. Pero 80% lang, bat hindi sakin tumawag?? May cellphone na naman ako waa??

                   Status Report: 80%

          Saka hanggang ngayon kaya ang sakit pa din ng ulo ko, saka ang kati padin ng balat ko!!

                   “Okay! Hindi ko din naman matitiis idol ko wee. Salamat din Tan waa, tinulungan mo ko. (^__^)”

                   “Okay lang yun, no problemo. (^__^)”

                   “Ayy! Pakisabi nga din pala kay Vince thank you waa.”

                   “Ha?? Bat naman??”

                   “Basta! Basta! Sige waa! Tingin ko kailangan ko ng bumalik sa hotel. Baboosh!! (^__^)”

ACEmeetsCLOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon