" Break Na Kami " Advice #3

18 3 0
                                    

Longest relationship ko ay 2 yrs and a half, pero kasi walang forever kaya nag " BREAK " kami.... Oo andaming nagbago sa buhay ko matapos nun... Parang ayaw ko nang mabuhay, Nagkamali pala ako, akala ko di ko kayang mabuhay ng wala siya, Pero oo, nakayanan ko lahat ng pagsubok na wala siya sa tabi ko.

Ayaw na ayaw kong mag advice kapag break-up ang topic noon. Naalala ko kasi yung nakaraan, pero di yun valid reason para huminto ako sa pag a-advice, dahil lang sa isang lalake? Naku! No Way!

2 weeks after nung wala kami ng jowa ko, may nagpa advice sa'kin. Bestfriend ko.

" Brad! ( yun yung tawag niya sa'kin ) Nabalitaan ko yung nangyari sa'yo ah, pareho na pala tayung bigo sa pagibig eh haha "

Akala ko nag-away na naman sila ng jowa niya. On and Off type kasi yung relationship nila dahil sa studies, Infareness dahil sa studies ah ( pareho kasi silang honor students sa batch namin )

AKO: " Ha? Anong tayo? Nag away na naman kayo noh? "

SIYA: " Wala na kami ni mike brad kahapon lang "

AKO: " Eh palagi mo namang sinasabi yan kapag nag aaway kayo eh "

SIYA: " Sinigurado ko na, last ko nang sasabihin yun "

At nung sinabi na niya yun, Alam na alam ko na ano ang nangyari. Ofcourse, wala pa ako sa mood para mag advice, pero alam kong may kailangan nang tulong ko.

AKO: " Bakit? Anong dahilan? "

SIYA: " Di kasi nagsabi sa'kin si mike na pupunta pala siya ng party, eh palagi naman siyang nag papaalam... Yun may nagsumbong na kasama siyang ibang babae... At not just once but twice! "

Hay nako eto talagang mga lalaki eh, di kayang ma kontento kung ano ang nandiyan... Hay naku!!

AKO: " Eh ano na ang plano mo ngayon? Bibigyan mo ba ulit siya ng another chance? "

SIYA: " Di ko nga alam Rhai eh, kasi noon iba... Valid yung reason niya.. Pero ngayon di ko na alam eh "

AKO: " Alam mo di ko rin alam kung ano gagawin ko kung nasa position ko ikaw... Pero para sa'kin kung mahal ka talaga bg tao na yan... Di niya gagawin ng paulit-ulit kung alam na niyang mali eh... "

Eto na naman! Ang silent theraphy! Hahaha de joke lang... Bigla nalang niya akong niyakap at sinabihang thank you.. Hayy ang gaan sa loob!

SIYA: " Baka lalayuan ko nalang muna siya at mag focus sa studies ko.. Mamaya na ako mag dedecision kapag lunapit siya sa'kin "

AKO: " Alam mo ok lang naman kapag binigyan mo siya ng second chance eh, Eh kung uulitin niya ulit edi maghintay ka nalang muna kapag may ' The third chance ' na movie haha de joke lang basta nasa'yo lang yan "

SIYA: " Sige Rhai thank you talaga .. Gtg kailangan ko pang mag-aral sa science eh hahaha byeee "

Another probs is solved! Aweee! Sana magka ok na sila kahit di sila mag kabalikan basta peace na sila diba? Naka relate ba kayo? Or agree lang? VOTE NOW!

Bye ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#AdvicePaMoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon