Saturday.Ugh, so much hate for saturday classes.
This is why I hate College life. Sobrang hectic, plus saturday classes. 7 am first class ko hanggang 11, tapos may last class pa 'ko na 1 pm to 3.
"Mace, gising na. I won't drive you to school ah." Sabi ni Kuya habang hinahagis yung car keys.
This will be a long day ahead.
-----
"Tulala ka nanaman jan. Hello? Earth to Macy?" Nagulat naman ako nang magsalita si Bea.
"Ha? Ano?" Tanong ko habang tinitignan ko siya ng masama.
"Sungit! Wala lang. Punta tayo soccer field." Pagyaya niya sakin hawak yung payong niya. May tubig pa pati powder.
"Yoko, nakakatamad." Sagot ko habang chinecheck Instagram ko. Nakakatamad naman talaga eh.
"Sige na! Andun si Migs eh. Please." Sabi niya with matching puppy eyes.
"Fine." Sagot ko, as if naman may choice ako. "Nasan na ba si Nica?"
"I think she bought food. Dito nalang tayo maghintay." Sabi nito. Tumango nalang ako.
For some reason, tiningnan ko yung soccer boys. Nagw-warm up pa sila. Ang weird nga eh. Di ko naman trip ang mga lalake.
Unang tingin ko palang, nakita ko na agad si Migs. Eh sa sobrang tangkad ba naman 'non. Kasama niya si Joaquin at isang lalakeng di ko pa nakikilala.
"Gaga! Andyan lang pala kayo." Lumingon ako and there goes Nica, kumakain ng ice cream.
"Ang aga mo din, 'no?" Sabi ko na may halong sarcasm. "Mga 20 minutes late lang naman."
"Shut up." Pagtataray niya. "Ang pogi talaga." Dagdag niya habang naka tutok kay Joaquin.
Natawa nalang ako. Si Joaqs parin pala talaga. First love niya kasi, or whatever you call that.
"Shhh, ang ingay niyo." Pagrereklamo ni Bea na parang naka glue yung mga mata niya sa field.
Maya maya, nagsimula na yung game. Ang daming nagsisigawan, masisira na yata tenga ko nito eh. Joke lang.
"Woooh, go babe!" Sigaw ni Bea at nag-wink naman si Migs sakanya. Nakakabitter.
Nakita ko namang focus na focus sila lahat sa game kaya sinubukan kong panoorin ng maayos at mag focus. 'Di ko kasi trip ang football eh.
Nakita ko namang sinipa na ni Joaqs yung bola papunta kay Migs, hanggang sa sinipa ni Migs papunta sa isang lalakeng matangkad na matangos ang ilong.
Habang nagpapatuloy yung game, mas lalo itong nagiging intense. Tinitingnan ko nanaman yung matangkad na lalake, number 4 pa yung jersey. Magaling siya ah. Impressive.
Naghiyawan naman kaming lahat. Panalo eh. Tumalon yung soccer boys at nakita ko namang nag smirk si Migs kay Bea. Nakakabitter, uy.
After awhile, lumabas na kami ng field at pinuntahan ang locker rooms nila. Ang daming nakatingin samin dalawa ni Nica. Si Bea naman, ayun, sanay na sanay na.
Naglakad nalang kami papunta kay Migs. Eh buti nga medyo close kami ni Nica kay Migs eh. Pero never the less, ang awkward parin. Shucks.
"Hi, B." Migs winked at Bea at ngumiti naman si Bea sakanya.
"Hoy langya. Get a room, you two!" Pagrereklamo ni Nica. Bitter eh.
"Ang sabihin mo, inggit ka lang." Pang-aasar ni Migs at tiningnan naman siya ng masama ni Nica.
"Pakyu ka, boy." Pagmumura ni Nikka at binato siya ng watter bottle na hawak ko. Aba, iinom na sana ako ah!
"Sus, deny pa." Sabi ni Migs. "Joaquin, nandito si Nica!" Dagdag nito. Tumawa naman kami ni Bea ng malakas. Lakas ng trip.
"Hoy! Ang sama mo Migs." Sagot ni Nica. Nanlaki naman mga mata niya nang nakita niya si Joaquin at yung kasama niya na naka towel lang.
Shet, mehn. Kita yung abs.
"Shit," Nica cursed under her breath. Narinig yata ni Bea kaya tumawa siya ng malakas at may binulong kay Migs. Tumango nalang si Migs at tumawa.
"Bakit ba, Migs? Naliligo kami oh." Pagrereklamo ni Joaquin habang inaayos yung buhok niya.
"I just want you to meet my friend, Nica. Nica, kilala mo naman siguro yan, 'di ba?" Migs smirked at tiningnan siya ng masama ni Nica. Lagot talaga 'tong si Migs kay Nikka mamaya.
"Of course," Ngumiti si Joaqs kay Nica at ngumiti din naman si Joaqs sakanya. "Nica." Inabot niya kamay niya kay Joaqs at tinanggap naman niya ito.
Aba, kilig na kilig si ate.
"Joaquin." Ngumiti siya at tumingin nalang si Nikka sakin na namumula mga pisngi niya.
Bumalik na yung dalawa para magshower. Sumama na din si Migs kaya lumabas nalang kami. Ang awkward kaya. Ang daming lalake sa loob.
"Oh, musta na puso mo, Nic?" Bea teased at nag high-five nalang kami. Nica blushed.
"Jusko, di ko kinaya, 'teh." Napatawa naman ako dun. Ang bakla pakinggan!
"Hahahaha. Ang bakla mo, Nics!" Asar namin sakanya.
"Huy, anyways, nakita niyo ba yung matangkad na kasama ni Floor Wax kanina?" Tanong ni Nica samin at nagets ko naman agad sino. Ang tahimik niya kanina eh.
"Oo, bakit?" Sagot ko.
"Wala lang, ang mysterious tingnan." Sagot naman niya. "Bei, sino 'yon? Since teammates naman sila ng boyfriend mo."
"I don't know either. Basta ang alam ko, mayaman 'yon. Laging nasa club yun pero matino naman minsan. May girlfriend ata siya eh, yung model sa Pasay," Tumigil naman siya at tumingin sa phone niya. "Sino nga 'yun?" Tanong niya sakin.
"Si Hailey? As in, Hailey Perez?" Tanong ko at tumango naman siya. Grabe. Di naman ako nainform na high class pala 'tong si number four.
Feeling ko talaga kakaiba 'tong si jersey number 4 eh. Parang yung common na lalakeng mayaman, nagc-club, binebreakan ng girlfriend, tapos ayon, may bagong babae pagkatapos.
Joke lang. I won't judge.
Dumating na yung tatlo kaya tumahimik na kami. Mahirap na, baka mapag-kalaman pa 'kong may gusto dun sa four. Wala naman talaga.
"Oh, 'tol, alis na 'ko ah." Sabi nung matangkad at tumango naman yung dalawa.
Tumingin sakin yung matangkad. I don't know his name okay, aksgsjsks don't judge.
Okay, nakakatakot siyang tingnan.
Ngumiti nalang ako sakanya, half smile to be specific. Hindi rin naman niya 'ko pinansin. Aba, langya.
"What?" Sabi niya. Nagulat naman ako dun. Nakakatakot siya. Shet.
"Err, nothing."
Tumango siya at umalis na. Seriously? Sino ba 'yon?
Nakaka curious siya.
He's a stranger.
------
helllooooo :-) nalilito ako sa plot huhuhuhu.