"Macy, please. Sige na. Maaga naman tayo uuwi eh." Pamimilit saakin ni Bea.
"Ayoko nga, kulit." Sagot ko habang inaayos yung gamit ko. Pinipilit kasi ako ni Bea na sumama sakanya sa party ng isa naming schoolmate mamaya sa club. High class eh.
"Dali na kasi. Jeez, wala naman tayong pasok bukas eh." Pag dedepensa niya. Party girl kasi 'to si Bea.
"Besh, no means no." Sagot ko at tiningnan ko na siya ngayon. "And di ko trip. Papagalitan ako ni Daddy."
"Ano ba, this time lang. 'Di na naman tayo highschool eh. Nag paalam na din ako kay tito." She winked, showing me the text na pumayag nga si Dad.
Ugh. Honestly, ayoko lang pumunta kasi tinatamad ako and ayoko makita doon si Vince.
"Ugh. Fine. Basta wala doon si--" She cut me off.
"Vince?" I nodded. "Sus, ano ka ba. Ano naman kung andun siya? Let's have fun!"
"Oo na. Anong oras ba?"
"7. Sa bahay ka nang magbihis para sabay tayong pumunta dun." She suggested and pumayag naman ako.
I looked at my wrist watch that read 4:37. Okay, medyo maaga pa naman kaya okay lang.
Hinatid muna 'ko ni Bea sa bahay para kunin mga gamit ko. Kinuha ko nalang yung red fitted dress ko. Okay na naman siguro yan, party eh.
Napatingin ako sa table ko na may mirror, nakita ko yung make up kit na binigay sakin ni Vince. I never liked make ups. Parang ang kati sa mukha eh. Oo na, ako na ang losyang.
Nagulat naman ako nang narinig ko yung busina ni Bea. Kinuha ko nalang yung make up kit pati narin yung black heels.
Change won't kill anyone, right?
Bumaba na 'ko at sumakay sa sasakyan ni Bea, natulog nalang ako sa sasakyan at nag earphones, playing Somewhere only we know.
--
"Mace! Wake up." Nagising naman ako nung sabi ni Nica iyon.
Ugh, nakatulog ako. Sa sasakyan pa talaga ah.
Bumaba nalang ako at dumiretso sa CR ni Bea pqra toothbrush. I wore my dress with my heels, at sakto na nakita ko na silang nagme-make up.
Party lang ba talaga ang pupuntahan nito? Baka naman debut. Kung maka make up eh.
"Omg, Mace....?" Sabi ni Bea habang tinitingnan niya yung hawak kong make up kit. "Finally!"
"Ngayon lang 'to." Sagot ko habang umupo sa chair niya.
"Mace, di ganyan. Enebe." Tumawa si Nica at may binulong kay Bea. Tumango naman si Bea at nagsmirk.
Oh my.
Nilagyan ako ni Bea ng powder. At first i felt uncomfortable, which i think na part lang 'to sa change na gusto ko.
"Okay, gimme your make up brush." Nica commanded at binigay ko naman. Magaling mag make up 'to eh.
Nagsimula naman siyang maglagay ng blush on sakin. Hanggang sa natapos na lahat, kaya lumabas na kami at nag-ayos ng gamit.
"Oh, tumawag na si Migs. Nasa labas na sila." Sabi ni Bea kaya nagmadali naman kami.
Lumabas na kami at nakita yung sasakyan ni Migs. Hayup, ang gara. Yaman talaga neto.
"Langya kayo, ang tagal niyo." Pagrereklamo ni Joaquin at tiningnan si Nica. Namula naman si Nica at sabay umiwas ng tingin si Joaquin.