INTRODUCTION

75 5 6
                                    

Malaya kong sinalampak ang buo kong katawan sa napakalambot na kama. Masyado akong napagod. Napangiwi pa ako ng masagi ng kamay ko ang sariwang sugat mula sa aking braso.

"Kingina."

Namilipit ako sa sakit. Putang ina kasi ng grupo na yun. Napakayabang at naisipan pa nilang tirahin ang napakakinis kong braso. Nakakagago.
Kumuha ako ng gamot para ipahid sa namamasa kong sugat. Yuck!

Dahil wala akong alam sa pesteng paggamot, kumuha nalang ako ng tela na nakakalat sa sahig at agad na binalot ito sa maputi kong braso. Nadagdagan nanaman ng galos ang balat ko.

Nang makaramdam ako ng gutom naisipan ko ng bumaba, nairita pa ako ng bumungad sa harapan ko si mama. Sinamaan ko sya ng tingin at dumiretso sa lamesa.

"Wala ka paring pinagbago, toni. At yang buhok mo." Hinawakan nya ang buhok ko na agad ko naman tinabig "Bakit, naging asul na? Pinapayagan ba sa eskwelahan nyo ang ganyan? Nagmumukha kang adik-- teka! Ano yang nasa braso mo!"

Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o magmamadali nalang ubusin ang kinakain ko dahil sa kakulitan ng nanay ko. Wala akong balak na kausapin sya at kamustahin. Dahil naiirita lang ako pag nakikita sya.

"ano pa bang ginagawa mo dito?"

Natigil sya. At tinitigan ako. Lumapit sya sa akin, ano nga ba ang dahilan ng palagi nyang paguwi dito. Wala na sila ni papa. Matagal na sila hiwalay ng papa ko, pero iniisip nya parin na parte sya ng pamilya. Psh.

"Anak kita. Wala akong pakealam kung wala na kami ng papa mo. Nandito ako para makita kita, Malaman ko ang kalagayan mo at kamustahin ka, hindi mo manlang ba ako namimiss? Anak. Mama mo pa rin ako--"

"Pagtapos mong lokohin si papa? At ipagpalit sa kano mo?"

Natigil sya sa pagsasalita. Ito ang ayaw ko eh, kapag dumadating nalang sya dito sa bahay namin magdadramahan nanaman. Hindi ako masamang bata at mas lalong hindi ako bastos. Pinapakita ko lang sa kanya kung gaano nakaapekto sa napakaganda naming pamilya--noon, ang ginawa nya. Sinira nya ang lahat. Maging si papa na hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin sa kanya ang kalungkutan.

Agad ko ng tinapos ang pagkain ko at mabilis na umakyat sa taas. Ayukong makita sya. At mas lalong ayukong umiyak sa harapan nya. Nakasalubong ang kilay ko ng isara ko ang pintuan, kasabay nun ay ang pagbagsak ng isang patak kong luha. Pinunasan ko ito at kinuha ang cellphone.

Nagtext pala ang kupal na 'to.

Kanoy

Pre, tulog ng maaga. Pasukan na bukas. See u around. Pakabait sa first day of class xD

To: Kanoy

./. .\.

Wala pang segundo ay agad na tumunog ang phone ko.

Kanoy

Good girl.

To: Kanoy

ulol.

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko alam kung sabik ba akong pumasok o sabik lang makipagasaran uli sa mga totoy sa unibersidad. Doon ko lang naalala na may sugat pala ako ng makuskus ko ang braso ko at nasanggi pa ito ng kuko ko dahilan ng pagtayo ko. Hindi ko na ito ininda at agad na nagtungo sa banyo. Wala na akong pakealam kung mahapdi ito. Tutal matapang naman ako eh, kaya titiisin ko nalang.

Sa pagpasok ko sa unibersidad gumuhit na sa ilong ko ang mga amoy ng mga freshman. Ambabaho. Hindi pa siguro naligo ang mga 'to. Imbis na tumahak sa klase mas pinili kong magtungo sa ibang direksyon at doon ko natanaw ang mga kupal kong barkada.

"Zup yow!"

Malayo palang rinig na rinig ko ang sigawan nila. Nang makalapit ako agad nilang napansin ang braso ko. Ngumiti ako.

"Ang tawag dyan ay sugat."

Prente kong sagot. Tinarayan ako ni Raking na muling nakipagtitigan sa akin. "Alam kong sugat yan. Ano bang nangyari?"

"Sinamahan ko si kanoy kagabi. Nakipagaway sya sa boyfriend ng ex nya, eh hindi ko alam na marami pala sila, ayun. Nadali ako buti nga at dumaan lang ung kutsilyo nun sa braso ko."

Muli. Tinawanan nila ako, at nagulat pa ako sa pagtapik ni Raking sa sugat ko na agad naman akong napapikit.

"Tangina. Nanadya ka"

Hinawi nya lang ang mahaba nyang buhok sa harapan ko at saka tumalikod, nakita ko pa ang pagtayo ng gitna nyang daliri at ang pagsigaw ng "Fuck you. Weak ka parin, Tonika!" At ang pagtawa nya ng malakas.

Sya si Raine Castillo. Mas gusto nya na tawagin syang Raking. Ewan ko kung bakit yun ang gusto nya. Mahaba ang buhok nya na hanggang bewang. Pero hindi lang ito itim, kundi ang kalahati ng buhok nya ay kulay berde. Meron syang kwentas sa leeg na ang tawag ng iba ay 'choker' eh hindi naman ata kwentas ng tao yun. Parang kwentas ng aso. Pero hindi ko na sinabi pa sa kanya yun baka sabunutan pa ako.

Kaya naisipan ko nalang tumabi kila yuri na abala sa pagsinghut ng marijuana. Inalok pa nila ako pero tumanggi ako. Wala ako sa wisyo para suminghot. Aga aga eh.

Si Yuri haji Santos ang pinaka anghel sa amin. Mabait sya, pero medyo lang. Maamo ang mukha at hindi nakikipagsabayan sa amin, hindi din mahahalata na gumagawa ng katarantaduhan dahil sa itsura. Walang hikaw sa kahit ano si yuri kundi sa tainga lang. Hindi din nagpapakulay ng buhok at mas lalong hindi nagpapatattoo. Sya ang napakasimple sa amin, pero sya ang may pinakamalaking tulong. Lalo na kapag nakikipagaway kami sa ibang grupo. Malakas sya at maliksi kahit na maliit na babae.

"Hey! Smoke weed" nagulat pa ako sa pagkakaabay sa akin ni kanoy at agad din itong inalis. Tinitigan ko pa ang namumula at matamlay nyang mata dahil sa pagsinghot.

"Hindi kana kasi mahal nun" sagot ko, tumawa pa ako para malaman nya na inaasar ko sya.

"Ulol"

Sya si Kaimeh Guevarra, o mas kilala bilang kanoy. Sabi nya kasi sa akin ayaw nya ang pangalan nya kaya ng tinawag ko syang kanoy ayaw nya parin. Parang yagit raw pakinggan. Pero dahil makulit ako, kanoy na ang tawag ko sa kanya at sa iba rin. Kaya wala na rin syang nagawa. Lasingero si kanoy kaya iniwan ng jowa ny na sabi nya minahal nya daw ng buong buo. Eww ang oa. Matangkad din sya. Matangkad pa nga sa akin kahit na panlalaki ang height ko. Mahaba rin ang buhok nya na hanggang balikat ata? Na ngayon ay nakatali. Isa rin sya sa tinitilian ng mga babae. Ang kadiri lang. Lalo na ng may sumigaw na babae dati sa ground na "Fuck me please, kaimeh!"  Kinilabutan kami. Lalo na si Kanoy. Hot din daw sya manamit. Like what?! Anong 'hot' kay kanoy sa pagsuot ng v-neck shirt at fitted jeans? Eh mukha nga syang bakla nun dahil naglugay pa ng buhok. Napangisi nalang ako ng maalala ko nanaman ang ibang kabaliwan ng mga babae sa kanya.

Kumuha na din ako ng isang stick ng sigarilyo kay jeck at ng masindihan ito, sa harapan ni kanoy ko ibinuga ang usok. Sabagay dahil nga lutang na sya, hindi na nya mapapansin pa ang usok na lalong nagpapalabo ng paningin nya.

"Kamusta bakasyon?" Pagtatanong sa akin ni jeck. Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano pa ba? Nasa bahay lang, gala at punta sa bar. Ano pa ba sa tingin mo?"

"Naks" at muling humithit ng sigarilyo.

Sa Lahat ng mga katropa si jeck ang medyo maayos kausap. May pagkamalibog nga lang. Pero mabait naman, yosi lang masaya na yan. Pero si kanoy. Tss wala akong maasahan sa gagong yan.

At ito. Ito ang buhay ko ang mamuhay na puro kasiyahan lang, wala akong pakealam sa edukasyon ko. Basta pumasok lang ako sa unibersidad ayos na kahit di na magaral. Nakakatamad eh. Ano magagawa ko? Eto ako eh. Wala rin akong pakealam kung sabihin ng iba na patapon na ang buhay namin dahil wala kaming ginawa kundi ang manggulo at magkalat lang sa unibersidad na ito. Hindi daw kami nakakatulong sa ekonomiya. Well, Fuck you!

-----x
Another new story na galing sa isip. Piniga ko ang utak ko para lang makabuo ng Plot. And viola!! Ito na. Namiss ko ang gumawa uli at magisip ng magisip. Hope na sana matapos ko ito. :)

Isa pa ay, medyo bad ito. Kasi pala mura ang bida. But! Sisiguraduhin kong may aral parin ang story na to. Thanks!

KAIBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon