Chapter 4

7 2 0
                                    

"—at doon ko nalaman na kailangan din palang mawalan ng paki sa sinasabi ng iba para lang maging masaya ka, YOLO nga diba?"


Bata pa lang ako. Pinalaki na ako ng magulang ko na mabuting tao at may mataas na pangarap. Bata pa lang ako ay busog na ako sa pagmamahal at atensyon na ibinibigay nila sa akin, masaya ang buhay namin—noon.

Ngunit dumating din ang panahon na ang lahat ng saya ay mapapalitan ng lungkot, galit at ulila. Akala ko noon ay pagsubok. Akala ko noon susubukin lang ang pamilya namin kung gaano kami katatag. Akala ko lang pala, dahil sa mura kong edad na katorse, doon ko nakita kung paano pagtaksilan ni mama si papa. Nagpasya ang mama ko na magtrabaho sa ibang bansa at pagsapit ng dalawang taon ay muling bumalik dito. Ngunit hindi sya nagiisa. Kasama nya ang bago nya, sobrang sakit makita na ang mama ko na pinagkatiwalaan ko ng buong buo ay wawasakin ito at sisirain. Inamin nya mismo sa harapan naming dalawa na ikakasal na sya. Kitang kita ko ang kislap sa mata ni mama habang nagkukwento sya, kitang kita ko ang saya sa mukha nya. Naiinis ako dahil hindi manlang nya naisip kung gaano kasakit sa amin ni papa ang mga sinasabi nya. Naiinis ako kung bakit nagkaroon sya ng lakas ng loob na harapin kami ng ganoon kadali.

Naghiwalay sila mama at papa. Pero mas pinili ko na sumama kay papa at doon din namuo ang galit ko kay mama. Naghanap ng trabaho ang papa ko at namuhay kaming dalawa lang. Hindi na sya tulad dati. Naging mainitin ang ulo. Hindi na nya ako madalas kausapin at abala na palagi sa pagtatrabaho.

Binalot ang pagkatao ko ng lungkot at ulila. Namimiss ko ang dating pamilya ko. Namimiss ko ang panahon na masaya kami, ngunit sa twing namimiss ko ang pamilya ko noon. Nakakaramdam agad ako ng sakit. Sobrang sakit, lalo na ang ngiti ni mama. Sya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat.

Lumipas pa ang panahon ay nakahanap na ako ng atensyon. Muling nanumbalik ang saya ko ngunit hindi na ito tulad dati. Mas masaya ngayon, mas eksayting, mas nakakaaliw. Simula ng makilala ko ang grupo nila Raking. Dito ko natutunan ang magbisyo at magsugal. Dito ako nabaliw at nalinlang. Alam kong masama. Alam na alam ko, pero ito ang magpapaligaya sa akin. Dito ako makakakuha ng atensyon na hinahanap ko. Dito ko mararanasan ang kakaibang saya. Unti-unti akong nasanay. Unti-unti din akong nasanay sa paulit-ulit na sinasabi sa akin ni papa na "tarantado ka!" At "Wala kang kwenta" at doon ko nalaman na kailangan din palang mawalan ng paki sa sinasabi ng iba para lang maging masaya ka, YOLO nga diba? Alam kong hindi mo ako naiintindihan dahil wala ka sa kalagayan ko.

Dahil nga sa naging sitwasyon ko, ilang beses na akong naulit sa pagaaral. Laging drop-out dahil sa violation na ginagawa sa eskwelahan. At mabuti na nga lang dahil nakagraduate pa ako ng highschool at napagpasyahan ko na magaral sa Unibersidad ni Jeremy kung saan dito din nagaaral ang mga kagrupo ko. Tulad din ng dati, limang taon na ako dito sa unibersidad at hanggang ngayon ay 3rd year college parin ako sa kurso na 'fine arts'  ito ang kinuha ko dahil bukod sa madali lang, may angkin talento rin ako sa larangan ng sining. Hindi ko nga lang matapos tapos dahil madalas akong magcutting para lang tumambay.

Siguro kung hindi dahil kay mama ang lahat, hindi ako nagkakaganito. Hindi ako tarandado, hindi ako gago at putangina. Siguro alagad ako ng dyos. Pero ayos na 'to dahil nakilala ko si Raking, Kanoy, Jeck, kara, at Yumi. Sila na kasi ang tinuring kong pamilya. Sa kanila ako komportable at malaya. Sa kanila ako masaya.

Pero ang mama ko? Ang mama ko na ang lakas dumalaw sa bahay. Ang mama ko na sinasabihan ako ng "ang laki na ng pinagbago mo anak" hindi ako magbabago kung hindi dahil sa kanya. Lalo na ang papa ko na matagal na rin akong hindi minahal. Oo kasama ko sya sa bahay pero para lang syang hangin. Parang wala lang ako sa kanya, at napagtanto ko rin na tuluyan ng nawala ang pagmamahal sa akin ni papa.  Nakakagago. Nakakainis at nakakapagpakulo ng mapula kong dugo. Lahat ng 'to ay dahil sa kanya. Sa mama ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAIBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon