Prolouge:
Ang aming mga mata ay kapwa nangungusap
Mga kamay na magkahawak ay tila ayaw maghiwalay
Ang puso nami'y iisa ang tinitibokNarito kami ngayon kung saan nagsimula ang lahat.
Kung saan ang dagat at karagatan ay nagtagpo
Ang langit at lupa ay naging isa
Ang silangan at kanluran ay nagkasalubongSa lugar kung saan ang buhay naming dalawa ay nagbago
Sumaya. Umibig. At higit sa lahat naging isa.Ngunit hindi tulad ng dati.
Ang pagkakataong ito ay kakaiba.
Ang saya ay napalitan ng lungkot.
Mga dating ngiti ngayon ay naging luha.
Ang tawanan na nangingibabaw sa buong paligid ay isa ng nakabibinging katahimikan.Walang umiimik.
Walang gustong magsalita.
Walang gustong mauna.At higit sa lahat walang gustong magpaalam.
Ngunit lahat nga ay may katapusan.
Ang bawat pagkakataon ay may hangganan.
May finish line. May ending.Pero paano nga ba kami nauwi sa ganito???
Iyan ang malaking tanong sa isipan ko ngayon.
Bakit nga ba???
PAANO???Is there Something wrong????