"Bakit ba lagi ka na lang nakatingin sa akin?? Ano bang problema mo??... -Nadine
"Ha?? Masama bang tumingin sa isang napakagandang binibini?? Ipinagbabawal na ba ngayon yun?? .. -Francis
"Oo.. lalo na kung araw araw .. nakakasira ka ng mood ha.." - Nadine
"Tsk.tsk.tsk so kung araw araw mo akong nakikitang nakatingin sayo.. Isa lang ibig sabihin non.. Tinitingnan mo ri ako." -Francis sabay kindat.
"Pwede ba tigilan mo ako..Ang ayoko sa lahat. Yung sobrang hangin.." Nadine sabay talikod sa binata na patuloy sa pagpapacute
Ng biglang..
"Excuse me"- from nobody.
At nahulog si Nadine sa bisig ng binata na kanina lang ay kaaway nya..
Titigan ng matagal (yung parang sa telenovela)
"Gwapo rin pala tong mokong nato kaso mahangin lang" -ani Nadine sa isipan nya
At di nila napansin na naglalapit na ang kanilang mga mukha ..
Ng biglang.
"Hoy! Francis.. gumising ka na tanghali na.. May pasok ka pa diba??" -hiyaw ni Aling Martha habag kinakatok ang pintuan ng kwarto ng anak.
"Opo Mama. Babangon na po" -Francis habang nagkakamot ng ulo.
"Ano ba yan! Istorbo si Mama . Malapit na ee. Mahahalikan ko na sana si Nadine ee.." bulong ni Francis..
At dali dali siyang lumabas ng kwarto niya.