Chapter 1

55 2 0
                                    


Clark paki gising na nga si Yumi at baka mahuli pa kayo sa school. ito ang laging iniuutos sa akin ni mama tuwing umaga ang gisingin ang nakababata kong kapatid na si Yumi.

.

.

.

Hoy Panget gumising kana daw sabi ni mama, oras na at baka malate nanaman tayo. Sabi ko habang tinatampal tampal ko ng mahina ang kanyang mamula mulang pisngi kahit na wala itong make up.

.

.

.

5 minutes pa kuya please! sagot nito sa akin.

.

.

.

Alam ko na aabutin ng halos isang oras ang 5minutes niya kaya naman tulad ng date ay kailangan ko nanaman siyang buhatin para asikasuhin. sa edad niyang 8 years old siya na dapat ang nag aasikaso ng sarili niya subalit dahil sa lumaki siya na buhay prinsesa ay naging dependent siya sa mga taong nakapaligid sa kanya lalong lalo na sa akin. Ayaw niya ng may nag aasikaso sa kanya kung hindi rin lang ako ngunit habang unti unti siyang lumalaki ay na iilang na rin ako na paliguan at bihisan siya.

.

.

Kinausap ko si mama tungkol sa bagay na ito at ang sabi niya.

.

.

Clark alam mo naman ang ugali ni Yumi hindi ba? pag hindi niya na kuha ang gusto niya ay siguradong mag wawala ang batang iyan.

.

.

Pero Ma! Nag dadalaga na si Yumi!

.

.

Clark hayaan mo na ang kapatid mo sa gusto niya sigurado namang matututo din siya pag dating ng araw.

.

.

Ginawa ko naman ang gusto ng aking mama pero hindi ito nangyari, First year high school na si Yumi noon ako naman ay graduating na ng college pero sa akin parin niya ipinauubaya ang pag aasikaso sa kanya kahit na nag kakaroon na ito ng dib-dib ang mahirap pa ay wala na sina mama sa bahay namin. Kinailangan niyang mag abroad para may pantustos sa pag aaral naming dalawa ng Kapatid ko lalo na at wala na si papa.

Kahit na maraming ginagawa sa school ay hindi ko kinalimutan ang bilin sa akin ni mama na wag na wag kong pababayaan si Yumi.

Hinding hindi ko naman magagawa sa kanya ang bagay na iyon lalo na at malaki ang utang na loob ko sa aking kapatid at mahal na mahal ko siya.


(Yumi POV)

Uy Yumi narinig ko ang usapan nung grupo nina Cedrick kanina, alam mo kung anong pinaguusapan nila? May gusto daw sayo si Jani, Uuuy! Sabi ng kaibigan kong si Sheril na ngayon ay walang tigil sa panunukso sa akin.

Hay nako tigilan mo nga ako sa mga panunukso mo sheril ang mabuti pa mag aral na lang tayo at may exam pa tayo mamaya kay ma;am Mona.

Ano kaba Yumi hindi kaba kinikilig dyan? Biruin mo ang pinaka gwapo na lalake sa buong first year ang nag kakagusto sayo tapos wala lang sayo?

Hah gwapo? Eh di hamak na mas gwapo parin ang kuya ko sa kanya at mas matalino pa.

Sabagay sobrang gwapo nga ang kuya mo at ang hot pa niya grabe. Kaya nga kinaibigan kita para mapalapit sa kuya mo eh.

If That Is Her WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon