WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES!!!!! after 5 years nakabalik narin ako dito sa bansa.
My name is Jasphere Matteo Do or "JM" for short. I'm a Bank Consultant in Canada and I graduate of a Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management at Ateneo de Manila University (ADMU).
Age: 24 yrs. old
Height: 6 foot tall (tangkad ba?) Description: Maputi, chinito, cute daw? matangos ang ilong at makisig.
Lovelife? oo meron dati, first love ko.
"JMmmm..."
Alam ko ang boses na 'yon, wala ng iba kundi ang dalawang kung mabungangang ATE. Meet my ate's, Mich Anne Do at Jane Min Do. Niyakap na nila ako, sibro cguro nila akong namiss. Kami nalang natitira, wala na sila mama at papa :( pero may mga relatives pa naman kmi at nakatira lang kami sa iisang Village.
Sumakay na kami sa van para makauwi na. Pagod narin kasi ako.
"JM kwento ka naman" ate jane.
"Sis panigurado pagod yan, hayaan na muna natin syang magpahinga" sabi ni ate Anne.
Buti pa si ate Anne marunong makiramdam. "cge na nga" sabi ni ate jane.
Ikaw ba naman nakasakay sa Eroplano ng ilang araw. Hindi pa naman ako makatulog ng maayos kung wala sa kama at may katabi.
****
"JM dito na tayo" sigaw ni ate Jane.
Bumaba na ako. At nagpunta sa aking bahay! Oo bahay ko dahil ako ang nagpatayo nito. Yun kasi ang unang-una kung pinangako sa sarili ko.
7 a.m palang. Umakyat na ako sa master bed room! Syempre akin tong bahay na to' kaya dapat lang na sa master bed room ako. At humiga na.... Zzzzzz
*****
*tok tok tok
Nagising ako dahil sa ingay. "JM bumaba kana, handa na ang tanghalian".
"Bababa na!" sigaw ko
binuksan ko ang cp ko at tinignan ang oras 12nn na pala. Bumaba na ako para kumain.
Naabutan ko sa hapag kainan ang dalawa kong ate at ang mga maid na nagseserve.
"Halika na dito, pinagluto kita kay ng mga paborito mo" si ate Anne.
"Thank you tsssk" at nagsimula na kaming kumain.
Halos hindi na ako makatayo dahil sa sobra kung burrrppp... opps busog po talaga ako :)
"JM dun na kayo sa sala, kanina ka pa hinihintay ng mga ate mo" sabi ni manang. Excited talaga tong mga ate ko.
"Cge po manang" dumiretso na ako sa sala.
"Jan kana pala" sabi ni ate jane.
"Wala pa, picture ko lang to" pilosopo kung sagot.
"Nakakatawa" inis na sagot nya.
Haha sarap talagang asarin tong mga ate ko.
"Oh ano problema niyo?" tanong ko.
"Pasalubong namin?" sabay na sabi nila.
"Walang akong dalang mga Canadian Boys eihh" seryoso kong sagot.
"Jmmmmm" sabay takip ng tenga ko at takbo sa kwarto ko kung nasaan ang mga kanilang pasalubong. Hanggang ngayon kasi ayaw parin nilang magka-nobyo simula nung naloko sila.
Buti nga hindi ko tinuloy ang balak kung isama ang dalawa kung kaibigan sa Canada. Maganda sanang pasalubong sa mga Bitter kong Ate.
Pagkatapos kong ilagay sa mga kwarto nila ang kani-kanilang pasalubong, bumaba na ako para malaman kung ano ang ingay sa baba.
"Hello pogiiii" sabi ng mga pinsan ko na sila Ken, Lean, Potchie, Max, Josh.
"Wag ipalandakan baka madiscover"
"Yabang mu talaga". sambit ni Lean
"Pasalubong namin?" sabat naman ng mga natira.
"Kung yan lang pinunta niyo, umuwi na kayo!!"
"Ui kamusta kana?"
"Namiss ka namin!"
"How's work?"
"Kamusta Lovelife?
Susunod na sambit nila. Maparaan talaga tong mga pinsan ko.
"Tsssssk" yun lamang ang nasambit ko.
**Sala**
Nagpagawa ba ako ng meryenda para sa kanila. Kahit papano naman may natira paring respeto sakin, kahit hindi sila karespe-respeto hehe.
"Ano oras kayo uuwi?" tanong ko sa kanila kahit ka uupo pa lamang nila..
"Bastusan?" sabat ni Potchie
"Tsssk"
"Manang pakisabi sa driver pakibaba dito sa sala yung isang kahon sa kwarto ko.." sigaw ko kay manang na nasa kusina
"Para san yung kahon?" tanong ni Bobong Ken.
"Ikakahon kita at ipapadala na sa America para magsama na kayo nila mama mo". pilosopo kung sagot, ang bobo kasi.
"Talaga? Sigurado ka?"
"Tangga siyempre hindi, uso gamitin ang ulo"
At bigla ng dumating ang meryenda kasabay ng kahon na pinakuha ko.
Habang kumakain sila, isa-isa kung nilabas ang mga pasalubong para sa kanila. Laking gulat ko nalang ng nasa harapan ko na sila kasama ang dalawang kong ate.
"Akin na to ha"
"Akin na rin to!"
"Pati to!"
"Yes, thank you pogii"
Puro ganiyan mga naririnig ko, hanggang sa.......
"Bakit sila meron bakit kami wala?" sigaw ng magaling kong Ate Jane.
"Oo nga, oo nga" sunod na sabi ni ate Mich.
Hindi ko nalang sila pinansin. Humarap ako sa mga pinsan ko.
"Hoy samahan niyo akong magjogging bukas ng umaga, 6:00 sharp walang malalate at walang aangal kung ayaw niyong bawiin ko yang mga hawak niyo".
Wala na silang sinabi, dahil agad agad silang nagsialisin sa harap ko at dumiretsong umuwi. Takot atang bawiin ang mga hawak nila o sadyang walang respeto talaga mga yun.
**************