CARDiOMYOPATHY

53 0 0
                                    

"Oh bakit? May problema ba?" tanong ko.

"May nabalitaan ka na ba?" sagot naman niya na hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Ano ba kasi yon, pasok ka nga muna at kumain tayo, andaming pagkain doon sa loob. For sure sasaya ka na naman. hihi" pampikon ko sa kanya.

"Te-teka lang muna.." balik niya sa akin na parang aburido.

"Hoy! Ano ba? Anyare sa'yo? Batukan na kita dyan e, halika na.. Ano ba yong balitang sinasabi mo?" hila hila ko na siya papasok ng bahay na hindi pa rin umiimik. Nakakapagtataka 'tong taong to.

"Besssssssss! Di mo pa ba talaga nabalitaan? Kitams! Yan kase puro ka landi." Sigaw na nyang tumatawa na habang nakahiga sa sofa patiwarik. Anyare dito? Naubusan ba 'to ng gamot? "Hoy! Uminom ako ng gamot ko kaya tumigil ka dyan." Inirapan ko na lang siya.

"Pakibukas account mo. Bili." Utos niya na sinunod ko naman. Naeexcite naman kasi ako na ewan. Hindi naman magkakaganito tong silly, crazy and true friend ko na to pag walang dahilan. Tama kayo ng basa hindi ko siya bestfriend kasi ang bestfriend ko ay lalaki na si Timothy Joacquin Odriano na pinsan ko na rin na naging ex niya noong high school kami. Schoolmate kasi sila noon.

"Punta ka sa school page natin, ihahanda ko lang 'yong tissue." Pasimple niyang sabi pero nakakaloko.

"Ano ba bes! Kinikilabutan na ako sa'yo." Sabi ko habang binabato siya ng bagong libro.

"Ui, nabili mo na pala ito. Clockwork Princess. San ka nakahanap?" Tanong ni Jojo-ish habang binibuksan yong cover.

Hindi ko na sinagot yong tanong niya dahil nagpakita na sa screen ung tinutukoy niya. "Ito ba yong gusto mong makita ko... *basa*
No wonder you are loved by everybody. *picture*. Is this true?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"Ahuh! True na true because I was there. Witnessing intently the mischievousness of your beloved-so-called-boyfriend." She replied sarcastically.

Masakit yong salita pero purong katotohanan. Una pa lang kasi ayaw na talaga ni Jojo si Adam Marcus Presto para sa akin. Family name pa lang daw full of surprises na.

CARDiOMYOPATHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon