Undecided

6 0 0
                                    

Tulala ako. Lutang. Ilang araw na nga ba ulit? Ilang araw mula nang ipamukha  sa akin ni Jojo ang katarantaduhan ni Adam at proud pa ang anak ng kabute.

I didn't ask for an explanation. Pinakikiramdman ko siya kung sasabihin ba niya. Pero wala eh. Wala nga yata talaga siyang balak na ipaalam sa akin.

I called him the last time and ask him to go out. Umoo naman siya, sinundo niya ako.

Habang papunta kami sa paborito kong coffee shop ay nadaanan namin ang bar kung saan niya nilalabasan ang kalandin niya. Napapikit ako at napabuntong hininga.

"Baby, are you okay?" Tanong niya.

Ayy napansin niya pala? Bakit 'di niya maramdamang 'di kami okay? O di kaya pinagwawalang bahala na lang niya? Sabagay 'di ko siya masisisi. Gwapo kasi e, mayaman pa kaya maraming naghahabol. Haaaayy!

Tumingin na lang ako sa kanya at tumango bilang sagot sa tanong niya.

"Ang tahimik. Nakakapanibago." Dugtong niya. Di ko na lang siya pinansin at diretso ang tingin sa labas ng bintana.

2 minutes pa bago kami makarating sa coffee shop. Binubuo ko na sa isip ko kung paano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya about sa nakita ko sa campus page. Sino na naman kaya 'yong babaeng 'yon?
Mas malaki lang naman ang hinaharapa niya. Iyon lang ang lamang niya sa'kin.

Napukaw ang pag-iisip ko ng napakalalim ng magsalita siya.

"Dito na tayo, baby." Sabi ni Adam at hindi ko na hinintay na pagbubuksan niya ako ng pintuan gaya ng dati. Bumaba ako at pumasok ng diretso sa coffee shop nang walang lingun-lingon sa kanya.

Diretsong upo sa paborito namang spot ng shop, parang attic lang. I feel the solemnity of the place kasi maaga pa, konti pa lang ang mga tao at kami lang ni Adam ang pupunta sa taas na parte, lahat ng customers ay nasa baba. Siya na ang umorder ng iinumin ko. Ganoon naman lagi eh pero siguro ito na ang huling gagawin niya iyon.

Pag akyat niya nagsalita siya agad, "Baby, may problema ba tayo? Ni hindi mo ako inimik buong byahe?"

"Anyway, sinimulan mo na may gusto lang akong ipakita sa'yo" sagot ko habang binubuksan ang dala kong sling bag. Umupo na siya sa harap ko at ipinatong ang yellow envelope sa table. "Adam Marcus, tignan mo kung ano laman."

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa pagtawag ko sa first name niya.  Ganoon ako, tatawagin ko lang ang buong pangalan niya kapag seryoso ako at hindi na maganda ang nangyayari.

CARDiOMYOPATHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon