MHSL 1

3.2K 53 6
                                    

🎶 losing him was blue like i never known,

Missing him was dark grey all alone,

Forgetting him was like tryna' know somebody you never met,

But loving him was red 🎶

UGH , ano ba yan!? Ang aga aga may tumatawag .

"Hello?" Sagot ko nang inaantok pa.

"Baby, gising ka na, may pasok ka pa ngayon , diba?"

"Ay! Oo nga po pala ma! Sige po bbye na! Sabay hang up .

AHHHH! UGH , HOW CAN I FORGET!? First say nga pala ngayon!

I BETTER GET READY !

*after 30 mins*

Tumakbo na kaagad ako sa kotse tapos nag drive na yung driver namin .

Sa kalagitnaan ng journey namin papunta sa bago kong school...

*pssshhhht*

"Kuya, ano pong nangyari?" Sabi ko.

"Na flat yung isang gulong ma'am eh" sabi ng driver namin

"Hala , paano yan kuya?? Malalate na ko !" Sabi kong nag-woworry

Malalagot ako kay mama pag na late ako, so lumabas ako ng kotse .

"Ma'am san kayo pupunta??

"Ah. Eh kuya, paayos mo na yan! Lalakarin ko na lang , malalate na ko eh . " sabi ko sabay takbo .

MALALATE NA TALAGA AKO ! WAHHH :((

Ay. Oo nga pala. Ako si Sharlene San Pedro. Shar for short . 13 years old . Only child . Boyish. Born sa Philippines , lumaki sa Canada. So medyo Taglish ako magsalita. Medyo spoiled . NBSB . Pero super happy sa life ko . Kakauwi ko last month dito sa Pinas . Pero yung parents ko nasa Canada. Sabi nila dito daw ako mag aral sa Pinas . Parusa for my actions .

Ayan na , malapit na yata ako sa school ko .

AYUN !

Chineck ko yung time . 5 mins na lang magbebell na .

TAKBO SHAR . KAYA MO YAN!

Hay, sa wakas ! Nakarating din ! And with 3 mins left to spare .

Pero pagdating ko sa school ko . St.Luke University , walang tao . Pero sa front door . May nakalagay na

'All students go to the gym'

NAKUU! Patay di ko alam kung san yon!

Pumasok ako sa loob ng school at hinanap yung Gym. Natataranta nako . Di ko napansin na may tao pala , tapos nagkabanggan kami.

"ARAAAAY!" Sabi niya.

"Sorry, di ko sinasadya" sabi ko

"Okaay lang yun , wala yun" ngumiti siya .

Napatinggin Ako sa kanya.

"Ako nga pala si Sharlene, Shar na lang" ngumiti din ako .

"Ako naman si Mika DelaCruz, Mika na lang" inabot niya ang kamay niya.

Ang ganda niya .

"Uhm , Mika? Alam mo ba kung saan yung gym?" Tanong ko

"Dun yata eh! Halika dun din ako pupunta." Sabay hila sakin .

*GYM*

Ang daming nakakalat na students

Tumunggin ako sa paligid , may mga grupo sa bawat sulik ng gym . Tapos bumuling si Mika.

"Hahanapin yata natin kung saang klase tayo"

"Ahh, ok. Salamat Mika!

Tapos lumayo na ko at hinanap ang mga kaklase ko .

HANAP HANAP !

LAKAD LAKAD!

Sa wakas nahanap ko na!

AND WHAT A COINCIDENCE . Kaklase ko si Mika!

YAAAY ! At least may kakilala na ko !

So biglang pumasok ang principal sa gym . At tumahimik lahat.

"Goodmorning students. Hope you all had a great summer. Well , ako nga pala ang Principal dito sa St.Luke's . Mr. Santos . I see you've settled na in your groups. So one by one , ilelead kayo ng teacher advisers niyo sa Rooms niyo. Have a great first day students!!"

At biglang nagsalita and teacher adviser namin .

"Okay class, ako nga pala si Ms. Valdez . Ako ang homeroom teacher niyo . If you'll follow me , pupunta na tayo sa classrooms"

Edi , we followed her . Kasama ko si Mika . And the rest of my classmates . Nang nakarating kami sa classroom namin.

"Okay class , please take a seat." Sabi ni Ms. Valdez na nakangiti .

So as expected . Magkatabi kami ni Mika.

Tapos may malakas na tunog na nakakabinggi .

Isang lalaki , may buhat buhat na upuan .

"Ma'am san po ilalagay yun upuan? Sab niyo po kasi take a seat . So kumuha po ako ng upuan"

Nagtawanan ang buong klase.

"Haha, Joke lang po yung ma'am . Pinapatawa ko lang po yung klase " sabay ngiti .

Tumawa naman si Ma'am . At sinabing. "Haha, kahit kailan talaga napaka class clown mo, Jairus."

Jairus..

Biglang lumakas tibok ng puso ko .

Hindi dahil may gusto ako sa kanya ah?

Kasi sabi ng isip ko , di ko siya kilala na first time namin magkita .

Pero iba sinasabi ng puso ko.

+*+*+*+*

A/N: so hey , sana po na nagustuhan niyo ang chapter one . Sana rin po na pagpasensyahan niyo po ako . Hehe. Di po ako masyadong magaling sa pagsusulat , pero malawak ang imagination ko .

Vote

Comment

Follow .

Loveyou all !

My highschool life (Nashlene, Jailene, NLex, Mikash, Jaika, Kobilene, Kophia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon