My name is ILOVEYOU. (One shot)

458 16 12
                                    

What if, ang pangalan ko ay ILOVEYOU? Maglalakas loob ka kayang tawagin ako sa harap ng maraming tao?

--

Isa lang naman ang gusto kong mangyari eh.

Ang makita at mahanap ko na yung lalaking magmamahal sa akin.

Yung mamahalin ako ng buong buo. Yung walang halong kalokohan. Walang halong biro. Yung seryoso.

Yung hindi trip trip lang. Pero? Sino nga ba ako?

Sino nga ba ako para humiling ng ganun?

Ano nga bang karapatan ko?

Isa lang naman ang gusto ko eh.

Ang makita at mahanap yung taong maglalakas loob tawagin ako sa pangalan ko sa harap ng maraming tao.

--

"Goodmorning!!" masayang bati ko sa mga taong nasa bahay.

"Goodmorning, nak! Ang saya ah?" bati rin sa akin ni mama.

"First day kasi eh. Excited lang yang anak mo. Bagong school nanaman e. Diba nak? Hahahah!" singit naman ni papa.

Nagtawanan lang kami. Kahit nagiisang anak lang ako nila mama at papa, okay lang sa akin. Kasi masaya naman kami. Hindi naman ganoon kahirap ang buhay namin. Hindi rin naman ganun kayaman. Sapat lang para makaraos.

Umaga pa lang. Actually, maaga pa. 5:30am pa lang. Ba't ang aga ko gumising? Kasi FIRST DAY nga ngayon sa school. At bago lang ako sa school na nilipatan namin ng bestfriend ko.

Psh. Sana maayos dun. 4th year HS pa lang ako. And yes, mukha na daw akong collage.

Matangkad, maputi, matured tingnan, sexy, at maganda. WALANG HALONG BIRO. :( Echos lang ho!

Mukha daw akong 17 years old. But the truth is, 15 lang ako. Masyado nila akong pinapatanda.

Dumaretso na agad ako sa kusina para kumain. Mabilis akong kumain at naligo.

Nagbihis at naghanda na ako para makapasok. Maaga pa. 6:45am plng. 7:30am ang pasok ko. Dadaanan ko pa kasi si Alyana. Yung bespren ko. :)

**

"Bes! Magkaklase tayo! Sa wakas!!" masayang sabi ni Alyana.

"Sa wakas! hahaha! Sige na. Pagbibigyan na kita. Kunwari hindi tayo naging magkaklase, last year." sabi ko naman. Pagkasabi ko nun, inirapan niya ako at nagtawanan lang kami.

Nandito na kami sa school. At tiningnan namin yung sections namin.

May ilang minuto pa ang natitira, kaya nagikot muna kami. Mejo malaki yung school. Maganda naman. Simple pero elegante yung dating. Puro whitebuildings ang makikita. Unibersidad kasi itong napasukan namin. Sinubukan lang namin, para pag college namin, ito na rin kami at hindi na mahirapan pa maghanap ng eskwelahang papasukan.

Ilang saglit pa ay nagbell na rin. Hinanap na namin ang classroom namin. Sa kasamaang palad, 3rd floor pa.

**

"Goodmorning class. Im your adviser for this coming school year." sabi ng babaeng nasa harapan namin.

"Im miss Carla. So, may transferee tayo diba? Lahat ng tranferee, tumayo sa harap at magpakilala."

Eto ang ayoko sa lahat, yung magpapakilala. Kasi alam ko na magiging reaction nila e.

Mga reaksyong, nakakainis. Na parang maiiyak ka nalang sa kahihiyan.

My name is ILOVEYOU. (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon