CHAPTER 3:

5 0 0
                                    

JAH'S POV

Maaga akong pumasok ngayong araw dahil tinakasan ko lang si Nay Dory...sinabi ko naman na kasing sakanyang ok na ko ayaw pang maniwala kaya naman no choice kundi ang tumakas

Nakarating ako sa school ng 6am mangilan ngilan pa nga lang yung estudyante pati nga yung mga guard nagulat pa kasi ang aga ko daw di daw sila sanay, ewan ko ba pero mas sanay ata silang kinakausap at sinisita ko dahil late ako XD

Pagdating ko sa room, viola! ako palang ang bida haha wala pa kasi yung mga kaklase ko eh guard naman yung nagbubukas ng pinto ng mga rooms so eto at makakapasok na ko

lumakad ako papunta sa dulo ng mga upuan pagkaupo ko kinuha ko yung ipod ko sa bag at naglagay ng headset..

dumukdok ako at di ko namalayan nakatulog pala ko.

GNOMEO'S POV

"pagkakataon nga naman oh" nakita ko syang kapapasok palang sa room habang ako naman naglalakad palang sa corridor.. "ang aga ata nya?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko

wag kayong magulo ugali ko yan ang kausapin ang sarili pero di ako baliw ha..

di ko alam pero parang may sariling isip yung mga paa ko at huminto sa tapat ng pinto pero di ko pa rin magawang pumasok.. ano bang problema??? napakamot na lang ako ng ulo

ilang minuto na yung nakalilipas pero andito pa din ako nakasandal lang sa pader sa tabi ng pinto

"hayyyyy!!! bahala na!" Oo aaminin ko nagagandahan ako sakanya..sya yung tipo ng babae na kahit di na mag-ayos o ayusan kitang kita namang maganda talaga sya.

Unang beses ko palang pumasok nakita ko na yun di naman ako bulag.. Crush? di ko pa alam basta ang alam ko maganda sya tapos!

papasok na sana ko ng may maalala ko umatras ako at bumaba papunta sa convenient store sa tabi ng school

pagbalik ko sa room sya palang ulet wala pang dumadating, tiningnan ko yung oras 6:30 palang maya-maya paniguradong mapupuno na ng maiingay tong room.. lumakad ako palapit sakanya ganun pa din yung pwesto nya

nilagay ko sa tabi nya yung dala ko, nakahanda na kong gisingin sya pero binawi ko din agad yung kamay ko "di ko alam kung nakapagpahinga ka, ok matulog ka muna" bulong ko sakanya at lumakad na ko palabas ng room

JAH'S POV

"hmmmm??"

"Hoy! gumising ka sabi eh!"

*poke*

*poke*

"hoy!" *poke*

"ano ba!!!" hiyaw ko sakanya pero nakadukdok pa din ako

"ayan na si ma'am!" hiyaw nya kaya naman mabilis  kong iniangat yung ulo ko "Aray!!!" kaming dalawa

"ang sakit naman nun bruha ka!" klei

"Nak naman ng tokwa oh! bakit kasi agad kang humihiyaw?" galit na tanong ko sakanya "arayyyy ang sakit nabutas ata bunbunan ko dahil dyan sa baba mo!" habang hinihimas ko yung ulo ko

"h-hoy! hindi mahaba yung baba ko no!..eh pano naman po sleeping beauty?????" tiningnan nya ko ng parang may hinahanap

"oh ano naman yun?" mataray kong tanong sakanya

"tinitingnan ko lang kung beauty nga haha oh oh nagjojoke lang ako tawa ka para masaya haha"

"tse! lubayan mo ko ha! tatamaan ka gusto mo?"

"to naman di na mabiro, eh pano po naman ginawa mo tong tulugan, bahay mo lang ganun?" 

"pakialam mo ba?! kakainis ka!" irap ko sa kanya

My Crush and His Crush (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon