*Flashback*
10 years old
"Panget! Panget! Ang panget mo Jill! HAHAHAHA! Bagay lang sayo yan!" sigaw ng mga batang ng bu-bully sakin. Tinatawanan nila ako habangpara nakaupo sa sahig at umiiyak.
"Hindi ako panget." sabi ko habang humihikbi.
"ANO?! Aba sumasagot ka pa!" ihahampas na dapat nila sakin, yung mga hawak nilang gamit ng biglang,.
"HOY! TIGILAN NIYO SI JILL! HINDI SIYA PANGET! KAYO ANG PANGET!" si Prince. At simula non wala ng bumu-bully sakin. At kung meron man lagi akong ipinagtatanggol ni Prince. Dahil nangako siya na simula noon hindi na ako iiyak.
14 years old
Eto ako umiiyak nanaman. At dahil sa kanya,.
"Ren. Wag ka na magalit! Aalis nana ako mamayamay. Wag ka na umiyak. Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo."
Oo, umiiyak ako dahil sakanya.. Dahil sa taong nangako na hindi na ako iiyak ulit. Gusto kong magalit sakanya, pero hindi pwede. Hindi ko kaya.
"Rin, sabi ko hindi na ako iiyak ulit?! Pero ikaw mismo yung nagpapaiyak sakin ngayon ehhh! Nangako ka Rin, nangako ka!" Sigaw ko sakanya.
Hinawakan niya yung mukha ko. Hinayaan ko lang dahil baka ito na ang huli kaya hinawakan ko rin yung mukha niya.
"Sorry, Ren. Pangako babalik ako. Babalikan kita." Ayan nanaman siya sa pangako niya. Pangakong alam kong mapapako nanaman.
Hindi na lang ako nagsalita dahil mas pinili kong titigan ang perpekto niyang mukha. Napapikit na lang ako nv unti-unting lumapat ang labi niya sa labi ko hanggang sa....
"Sana mahintay mo ko Ren. Babalikan kita."
*********************************************************
"Bes! Ano bang nangyari sayo at kanina ka pa lutang. Para pang nakagat ng ipis yang mata mo hahaha!" - Kei