"Hanah! Hali ka dito gusto makipag video call ni James!" sigaw ko sa pinsan ko.
Ako si Marizze at tama kayo ng nabasa yun 3 year chatmate ko na si James hindi niya ako kilala bilang ako. Ako nga lagi ang ka-chat niya pero pagvid-call na yung pinsan ko na ang humaharap dahil takot ako. Takot ako na baka hindi niya ako magustuhan. Actually legal na sila ng pinsan ko na supposedly ako dapat yun.
"Rizze, tingin ko time na to para sabihin nana natin yung totoo kay James. Kitang-kita ko naman kung paano ka masaktan pag mag-kausap kami ehhh." - yan ang laging sinasabi sa akin ng pinsan ko kada magvi-vid call sila pero talagang ayoko.
"Hindi pa ako handa Hannah. Dali na hinihintay ka na ni James."
Inayos namin yung laptop at lumayo na ako ng konti ngunit sapat pa naman ang layo para marinig ko ang paguusap nila.
James: Hi Babe! Namiss kita!
Hannah: Ahhh, hi. Namiss din k-kita.
James: Ohhh, malapit na po ang Christmas pupunta ako diyan may surprise ako for you :)
Hannah: Surprise talaga?! Ayyy wait lang cr lang ako. Si Rizze muna kausapin mo.
Nagulat ako sa sinabi ni Hannah. Tututol pa sana ako ngunit huli na ang lahat nahatak na ako ni Hannan papunta sa laptop.
James: Hi Rizza! Kamusta?!
Rizze: Okay naman ako James. Ikaw?
James: Eto, ok lang. Nga pala! Malapit na magpasko. Favor naman oh?
Rizze: Sure! Ano ba yun?
James: Alam mo naman mahal na mahal ko yung pinsan mo. So please? Balak ko na kasing magpro-pose sa kanya sa pasko. 2 years na rin naman kasi kami at hindi na ako makapaghintay na finallHVillareezannah MontezVillareez na. So please tulungan mo ako?
Para akong nabuhusan ng malamig na yelo sa narinig ko. Ako dapat yon. Ako dapat yung isu-surprise niya hindi ang pinsan ko! Ang pinsan ko dapat ang hihingian niya ng tulong hindi ako. Ang sakit isipin na yung taong mahal ko may mahal na iba at ang masaklap pinsan ko pa. I didn't notice that a single tear fell from my left eye. Nag sarap lang sabihin sa luha ko na "Ok lang yan, parehas tayong single."
James: A-anong nangyari?! Bakit ka umiiyak?!
Rizze: Ahhh. W-wala masaya lang ako para sa inyo ni Hannah.
James: Salamat! So ano payag ka ba?
Papayag ba ako o hindi?
Eto na. Eto na ang araw na Kumar at kintatakutan ko. Tanaw na tanaw ko dito sa taas kung paano lumuhod ang lalakeng pinakamamahal ko sa harap ng pinsan ko.
Oo, tama ang hinala niyo pumayag ako. Dahil alam kong hindi papayag ang pinsan ko sa gagawing proposal ni James. Dahil kahit isang 'I Love You' wala pa akong narinig mula sa kanya para kay James. At ako ang sasalo kay James dahil alam kong lubos siyang masasaktan siya sa gagawin ng pinsan ko.
Dinig na dinig ko dito ang lahat ng sinasabi ni James.
"Hannah Montez, will you marry me?!" Halos hindi na ako makahinga ng marinig ko yan mula kay James. Ang sakit na hindi pangalan ko ang binabanggit niya. Nakakapanlumo. Ngunit ang sumunod na pangyayari ang mas nagpaguho ng mundo ko. Ang mas bumasag sa puso ko.
"YES! Yes James I will marry you! I love you!" Tila tumigil ang oras sa narinig ko. Mahal din ng pinsan ko si James. All this time akala ko tama yung ginawa ko dahil alam kong ginagawa naman yun ni Hannah para sa akin. Pero mali, mali lahat ng inakala ko. Siya lang rin pala ang magbe-benefit sa huli.
Kung alam ko lang sana na ako rin yung masasaktan sa huli hindi na ko na sana kinusinte yung simpleng chat niya.
At ngayon a