*Click*
*Click*
*Click*
*Click*
*Pak*
"Nyaaaahh!!! Nadead tuloy ako!!!" Mangiyak ngiyak kong sabi kahit alam kong ako naman yung may kasalanan ng lahat. Ganun naman lagi diba? Kahit kasalanan mo, sisisihin mo yung iba kasi ayaw mong aminin sa sarili mo na ikaw yung mali.
Ako si Kimberly Cruz. Isang 18 years old girl at bitter sa pag ibig. I don't even have an experience about anything in the world of love but I bet that it will be awful based on my observations. I know that I don't even have the right to judge the world of love because like what I've said, I don't even have an experience but what can I do when everything around me is crying because of what you call 'love'
"Hay nako Kimberly, you've been playing that game for an hour! Hindi ka pa ba napapagod o nagsasawa man lang? For Goodness sake!" Awat saakin ni Patrice. My best friend.
"Hindi kasi ako mabilis magsawa, hindi naman ako katulad ng iba dyan na pag napagod eh titigil nalang bigla. Nagpapahinga lang ako pero hindi ako sumusuko." Tumingin naman siya ng masama saakin. Ganyan siya pag humuhugot ako. Titingin ng masama.
"Laro lang yan! Wag mong seryosohin!" Inis niyang sigaw saakin. Tumingin lang ako sakanya.
"Ganyan naman kasi kayo diba? Hindi niyo sine-seryoso yung mga bagay kasi para sainyo, laro lang ang lahat kaya madalas may nasasaktan." Mas lalong sumama ang tingin niya saakin. Umiwas lang ako ng tingin at inayos na ang gamit ko. Lunch time na kasi namin at kailangan na naming sunduin si Emma. Emma is our another friend sa kabilang room.
"Please? Manahimik ka nalang kung wala kang magandang sasabihin." Tumahimik nalang ako at kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng room namin. Pumunta kami sa kabilang room at sakto naman labasan na nila Emma. Lumapit siya saamin at nag simula na kaming maglakad. Naglalaro ako ng Color switch hanggang sa may mabangga ako.
"Oops, sorry." Nagkatinginan kami. Ngumiti naman siya saakin at kinunutan ko lang siya ng noo.
"Ay kaloka ka girl! Taas ng kilay ganda! Pak na pak!" Mas lalong kumunot ang noo ko. Ang gwapo niya pa naman sana kaso bading. Ganun na ba talaga ang mga lalaki dito? Kung sino pa ang gwapo, siya pa ang delikado?
"Weird." Sabi ko at nag lakad nalang ulit. Iniwan ko siya dun. Wala naman akong planong kilalanin siya dahil nagkabangga lang naman kami. A simple sorry is enough tutal hindi naman siya masyadong na-damage. Hindi katulad ng mga taong sinaktan ang isa pang tao tapos sasabihin lang sorry. How could them? May magagawa pa ba ang sorry mo if the damage has been done? Wala na naman diba?
"Hey girl, are you fine?" Emma asked me. Tumango naman ako.
"Okay lang ako. Okay lang ako kahit hindi talaga ako okay. Ganun naman talaga diba? Sasabihin mo na okay ka kahit hindi naman talaga. Itatago mo lahat ng sakit na nararamdaman mo kasi syempre, ayaw mong mag alala sila para sayo pero wag ka mag alala, okay lang ako." Sinamaan niya din ako ng tingin katulad ng ginawa ni Pat saakin.
BINABASA MO ANG
Color Switch [Two Shots]
Short StoryNang dahil sa Color switch. Sino ba namang mag aakalang makikilala ko siya?