4: Friends

21 3 2
                                    


         "Sab Frias and Hendrix Evans are dating."

          "Sab Frias tries to flirt with the one of the hottest teen male actor, Hendrix Evans."

What the hell! Napatingin ako sa 1010, ng mabasa ko yung title nung article na yon. Naknang! Bilis talaga kumalat ng balita.

          "This isn't funny, girls." Sabi ko sakanila at pinagpatuloy ang pagscroll down sa article na yon.

They just all laugh. Palibhasa, alam nilang di ako naapektuhan sa mga issues na inaano sakin. Oo minsan, pumapatol ako sa bashers. Pero that doesn't mean na naaapektuhan na ko. Ang sarap lang kasing makipagasaran sa mga bashers eh. Hahahaha

          "Ayaw mo ba kay Hendrix? Gwapo naman yan ah!" Said Meico Hailey.

          "Oo nga te. Ang gwapo kaya nun." Pagagree naman ni Cams.

Hmmmm. I agree. Gwapo naman talaga.

          "Bakit? May sinabi ba kong hindi?" Sagot ko.

          "So inamin mo rin? Nagagwapuhan ka kay Hendrix." Sabi ni Elisse at umupo sa tabi ko.

Sinundan sya ni Cadence na umupo din sa kabilang side ko.

          "Yiiieeeee nagwagwapuhan sya kay Hendrix. May lovelife na si Saaaaaq!" At nagsimula nanaman silang mangasar.

Nandito kasi ang 1010 sa bahay namin. Nasa sala kami. Nakaupo ako sa floor while using my laptop.

          "May sinabi ba kong gwapo sya?" I raised my left eyebrow on them.

Wala naman akong sinabing gwapo sya ah. Ang sabi ko lang, wala kong sinabing hindi sya gwapo. Hahahaha what? Labo.

          "Crush mo na noh?" -Zhera.

          "Knowing you Sab, bihira ka lang magsabi ng gwapo sa lalaki. Usually mga nagiging crush mo lang." Said Hails matter of factly.

          "Kaya nga. Si Scott nga na manliligaw ni Cams dati, ikaw lang bukod tanging di nagwapuhan dun." -Rocky.

Grabe tong mga kaibigan ko jeske. Eh anong magagawa ko eh sa hindi naman talaga gwapo. Y'know, fuck boys aren't handsome. And will never be.

Sinearch namin yung fb ni Hendrix. Ang daming lumabas. Fan accounts, fan pages, posers. Kaloka. Iba talaga pag artista eh lol. 

     "Alam ko na!" Kinuha ni Elisse yung laptop ko and pinatong sa lap nya. Di ko alam kung anong kinakalikot nya basta binalik nya sakin yung laptop ko na nasa wall na ng fb ni Hendrix.

     "How sure are you na kay Hendrix nga talaga yang account na yan?" I asked. 996 friends. Karamihan sa mutual friends namin is puro teachers sa school. 

      "Sa site." Cadence answered. Naalala ko. Through fb nga pala ang paraan para makapag log in sa website ng school namin. Each student may one account na nakaregister sa site at verify na sya nga talaga ang may gamit nun. Ganon, basta.

Inistalk namin yung account nya. Iisa lang ang picture na meron sya. Yung profile pic nya. Wala syang cover photo. Wala ring mga posts or shares man lang. Halos puro mga tagged picture lang ang nakikita sa wall nya.

Ano ba yan! Ang boring siguro ng buhay nito. Di ko alam kung hindi pa kami friends sa fb kaya wala kong makitang maski isang post nya or di lang talaga sya nagpopost eh.

     "Iadd mo, iadd mo dali!" Utos ni Rocky.

     "Ayoko nga!" Dapat sya ang mag add sakin noh. Kababae kong tao ako magffirst move? No way.

     "Ano ba! Iaadd mo lang naman as friend dito sa fb. Hindi sa totoong buhay. Magkaiba yon." Singit ni Cams habang kausap sa phone yung boyfriend nya.

     "Eh ayoko nga eh. Sino ba sya para iadd?" Nagrolled eyes ako sa kanila. Gusto ko din naman sya maging friends dito sa fb para makita mga posts nya pero dapat sya magadd sakin noh.

      Nagulat ako when Cadence suddenly clicked the 'add as a friend' button.

     "What the heck Cadeeence!!!" I shouted and immediately clicked the 'cancel friend request'.

     "Arte ha?" Sinamaan ko ng tingin si Cams. "Ang arte arte mo talaga baby." Kunwari yung boyfriend nya na kausap nya sa phone yung sinasabihan nya. 

*****

     I'm on the phone with Tikya later that night. She's asking me kung sino daw ba sa dalawang boylet nya ang dapat nyang idate. "Both. Mas maganda kung sabay silang dalawa. Yung tipong tatlo kayo sa lamesa. Ganon. Tapos hayaan mo silang magdebate at ipaglaban ang pagmamahal nila sayo. Pak! Ikaw na ang maganda." I laughed. Looking at Hendrix Ford's pictures sa fb page, I can truly say na gwapo talaga sya. No doubt.

     "Omg." I whispered as I accepted Hendrix Ford Evans' friend request. Ito yung account na tinignan namin kanina.

     "Ano nanamang ino-omg mo dyan?" Tikya on the other line.

     "Inadd ako ni Hendrix" I cant stop myself from smiling while scrolling on his wall.

     "Omg! Yung bago mong churva? Yung artista?" 

    "Omg! Nagchat sya." Nilapag ko ng maayos sa kama ko yung laptop tsaka binuksan yung chat nya.

     Hendrix Ford Evans: Hi. :)

    I was about to reply hello but I typed "Mas hi ka. *insert laughing emoji*"  and send it. Sinundan ko ng "Joke."

     Para friendly agad ang dating. Para sa umpisa pa lang, di na agad maawkwardan. Nataranta ko nung bigla syang tumawag. Oo, nakakacall sa fb diba? Voice call. The fk. Why is he calling?

     Di ko alam bat ako natataranta na naeexcite na ewan nung sinagot ko yung tawag nya. Siguro because its very rare na may tumatawag sakin na lalaki in the middle of 2am.

     I forgot na kausap ko nga pala ni Tikya. Nice Saq. Napakabuti mong kaibigan. 

     "Hi. Bat gising ka pa?" Oh zeus. Sleepy husky voice is so freaking sexy. 

     "Kasi di pa ko tulog?" I laughed. He laughed. We both laughed.

     "Sabrina, Just wanna apologize dun sa kumakalat na issue. I'm so sorry." Ramdam ko naman sa way ng pananalita nya yung sincerity.

     "Wala yon. Maliit na bagay. Hahahahahaaha."

     "Hindi yun maliit na bagay. Nababash ka ng sobra. Kung ano ano na pinagsasabi sayo. Karamihan supporters ko pa." Wait, ganun na ba talaga kabig deal sa kanila na makitang kasama ko si Hendrix? Oh fudge. Nakalimutan kong one of the hottest teen heartthrob nga pala to. 

     "Okay lang. Sanay naman na kong masaktan." I gave him my saddest voice. "De joke lang. But seriously, I don't give a fuck."

     Some jokes are half meant.

     "I hope we can still be friends. Pero maiintindihan ko naman kung iiwasan mo ko." 

     Oh my Aphrodite. Why the hell am I feeling this? Bakit ako kinikilig kung wala naman dapat ikakilig? HAHAHAHAHAHA Hindi ito maari.

     Friends lang yan, Saq. Wag kang OA. I keep telling myself.

__________________________________

[051016 07:54pm -Kokey]



   

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I am Saq FriasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon