Sa pagsulat ng kwento, importante na alamin kung sino ang mga tao na makakabasa nito. Maingat dapat tayo sa pagpili ng ating audience o reader. Ibabase mo yan sa genre at rating ng story mo. R-18 ba yan? May gore ba yan? May bed scenes ba? Violence?
Para sa akin, may tatlong klase ng audience o readers na pwede nating pagbasehan ng ating kwento. Inaapply ko lagi 'to sa aking pagsusulat. Ito-ito ay ang:
Teenagers (15 and below)
Matured (16-20)
Adults (21 up)1. Teenagers
Ang pagkuha ng interes at atensyon ng mga kabataan ay ang pinakamadali. Sa katunayan, karamihan ng interes ng mga teenagers ay inappropriate para sa kanila (Pero pinipili parin nilang basahin ito). Ang mga halimbawa nito ay:
- Rom-Com
- Fanfiction
- School life
- Slice-of-Life
- Fiction
- Matured (Contains bed scenes, violence, etc...)Importante din na gawin mo itong catchy sa paningin nila, dahil sa cover palang ng story mo huhusgahan ka na agad. Paniguraduhin na makaka-relate sila dito.
At siyempre, may mga bagay din na dapat iwasan:
1. Maging concise. Matatamad ang reader mo kung napakahaba ng sinusulat mo, pero kung tutuusin pwedeng ma-express in few sentences.
2. Iwasan mong mag-shortcut. As much as possible, isulat mo lahat ng gusto mong mangyari, hindi yung sinusulit mo. The text area is yours!
3. As much as possible, leave an author note at the end of each chapter. Interested lagi ang mga teenage readers na makilala ang author at maging updated.
2. Matured
Ang mga interes ng matured audience ay halos pareho lamang sa teenagers, pero mas gusto ng matured audience na mas makahulugan ang pagsusulat.
Kailangan tayo na medyo mag-ingat sa pagsusulat ng story para sa matured audience, marahil observant sila sa grammar mo. Oobserbahin din nila ang mga facts mo. Pwede nilang sabihin na ito ay isang kasinungalingan or maybe it is poorly explained.
Mas gusto din nila na maiwanan ng isang cliffhanger. Ang matured audience ay mahilig mag-isip at mag-explore. Mahilig silang gumawa ng sari-sarili nilang mga ending. Complex ang utak ng matured audience dahil complex din ang kanilang nababasa.
3. Adults or Millennial
Ito yata ang pinakamahirap na kuhanin ang atensiyon. Ayaw ng mga adults ang hindi makatotohanan na story. Heto ang mga genre at mga story na kinagigiliwan ng mga adults:
- Non-fiction
- (Auto)biographies
- Educative
- Reality
- Tragedy
- Thriller
- Romance
- PoemsMahirap i-entertain at i-satisfy ang isang adult reader. Sila'y laging umaasa na may matutunan sila, moral lesson man yan o facts. Observant din sila sa grammar, diction, spelling, at kahit sa cover.
Thorough sila magbasa, kaya mas mabuti kung i-elaborate mo o iimprove pa ang isang sentence or paragraph para mas maganahan sila. Ninanamnam nila ang bawat salita para maintindihan nila ito. Kung sila ay thorough magbasa, dapat ikaw din ay thorough magsulat.
Kailangan din tayo mag-ingat, dahil ang interpretasyon ng isang adult reader ay pwede magiba ng bigla-biglaan. Mabilis kasi sila mag-isip. Pwede na ang isang bagay na may malinis naman na kahulugan ay maging offensive sa kanilang pananaw. As much as possible, iwasan maging sarcastic.
***
A\N: heyy! Okay ba? Kung may area kayong nahihirapan, don't be afraid to comment down para kung gusto niyo, magawan ko rin ng guide! Danke!
BINABASA MO ANG
The Ultimate Guide On Writing Filipino And English Stories
Non-FictionHaving troubles with your grammar? Nahihirapan ba sa bokabularyo? Or perhaps finding it difficult to spot errors in your grammar? O baka naman nahihirapan sa pagpili ng istilo ng pagsulat? This is the Ultimate Guide on writing English and Filipin...