Sa ibang mga story, especially sa mga pop fiction, mayroon tayong makikitang mga "Jake's POV" , o kaya naman "Kyle's POV". Pero ano nga ba itong mga ito? Ang tawag diyan ay Point of View.
May apat na uri ng POV ang ginagamit ko at ibang mga writer na katulad ko. Heto ang:
- First Person POV
- Second Person POV
- Third Person POV
- Character's POVMadali lang intindihin ang mga ito. Madali rin itong gamitin. Simulan natin sa First Person Point of View, o mas kilalang First Person.
1. First Person
Ito ang POV kung saan ang main character ang nagna-narrate sa BUONG story. Oo, ie-emphasize ko yung salitang "buong". Bawal kasi sa pagsusulat ang yung pabago-bago ka ng POV.
Gumawa tayo ng halimbawa. Sabihin na nating ang main character sa story mo ay nagngangalang Victoria. Si Victoria ay isang babaeng nagtatrabaho sa isang companya at siya'y nagsusuporta sa tatlo niyang kapatid na nag-aaral pa lamang...
Naglalakad ako ng tahimik papuntang istasyon ng dyip. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapa-isip. Kailian ba ako makakapahinga? Napabuntong hininga na lamang ako.
"Lord, konting oras lang o? " nagrekalamo ako kay Lord, "Kaunting pahinga lang... "
Gets? Pati non-dialogues nasa POV ni Victoria.
Ang First Person ay karaniwang ginagamit sa mga story kung saan isa lang ang major or main character. Ang isang halimbawa ng librong may First Person POV ay ang tampok na libro na ABNKKBSNPLAko by Bob Ong.
2. Second Person
Ang Second Person Point of View ay kung saan ang author o manunulat ay tila ba nakikipagusap sa iyo. Gumagamit ito ng mga salitang "ikaw", "sayo", at "mo". Hindi masyadong ginagamit ang Second Person sa mga story. Karaniwan ito sa mga libro na tungkol sa buhay, pera, stock market, abiso, at marami pang iba.
Narito ang halimbawa kung saan ang manunulat natin ay papangalanan natin na Ted Sy. Si Mr. Sy ay milyonaryong nagmamaya-ari ng sari-saring fast food chains. Si Sy ay nagsusulat ng libro tungkol sa business:
Sa pagsisimula ng isang negosyo, impprtanteng alamin mo ang ine-negosyo mo at kung sino ang pwedeng maging interesado dito.
Ngayon, game ka na ba sa pagsisimula ng negosyo?
Gumamit si Sy ng mga salitang "mo" at "ka". Therefore, masasabi natin na gumagamit si Mr. Sy ng Second Person Point of View.
3. Third Person
Ang Third Person POV ay kung saan ang isang "imaginary" narrator ang nagkukuwento sa story. Maraming nobela ang gumagamit ng Third Person POV. Ang mga halimbawa ng mga story na may Third Person POV ay ang Harry Potter Series (1-7) at ang mga tampok na romantic novels ni Nicholas Sparks katulad na lamang ng A Message In A Bottle.
Ngayon ay gumawa tayo ng halimbawa. Isipin na may isang ulilang bata na nagngangalang Tristan. Si Tristan ay namamalimos sa mga daanan ng Pasay City kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Celia at Jhan.
"Ate, palimos po. Pananghalian lang po..." mahinang sinabi ni Tristan habang namimilipit ang tiyan sa gutom, "Ate... palimos po... "
Ganito ang ginagawa nila Tristan, Celia, at Jhan sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Namamalimos sila sa mga kalsada ng Pasay kung saan libo-libong kotse ang humaharurot sa kaliwa't kanan.
Hindi maiwasang maluha ni Tristan sa buhay na ibinigay sa kaniya ng Diyos. Naalala niya bigla ang dalawa niyang kapatid na naghihintay sa kaniya sa kanilang tinutuluyan sa ilalim ng overpass, at dahil doon, mas lalo pa siyang naluha.
Yan ang Third Person. Karaniwang ginagamit ang ganitong klase ng POV kapag maraming mga main characters o supporting characters sa isang kwento.
4. Character's
Heto na yata ang pinakaginagamit na POV sa Wattpad. Simple lang gamitin ang Character's POV, ngunit minsan ito'y nakakalito dahil papalit-palit ka ng POV.
Gumawa tayo ng isang maikling halimbawa. Si Fei ay isang Half-Chinese, Half-Filipino na babae na nag-aaral sa isang institusyon sa Maynila.
Fei's POV
Hay naku! Monday nanaman! Panibagong encounter nanaman with my demon teachers.
Hay, kailan kaya ako makakabakasyon with my friends?
"Minaaa~ Bilisan mo!" Bwiset naman 'to si Mina. By the way Mina is my bestfriend. Siya na nakaclose ko simula pa nung lumipat ako sa Kleinson Institute of Manila.
Sosyal pakinggan ano? Oo sosyal talaga kami dun.At yan ay isang halimbawa ng isang story ng may Character's POV. Dapat tandaan na dapat ramihan ang character kung susubok mang gumamit ng ganitong Point of View.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Guide On Writing Filipino And English Stories
No FicciónHaving troubles with your grammar? Nahihirapan ba sa bokabularyo? Or perhaps finding it difficult to spot errors in your grammar? O baka naman nahihirapan sa pagpili ng istilo ng pagsulat? This is the Ultimate Guide on writing English and Filipin...