Part-03 Bangungot ng kinabukasan.

39 1 0
                                    

Hindi ko hinangad na mawala ka sa tabi ko , pero ang masakit sa lahat ay ang malaman ko nalang ang future natin na hindi pala tayo sa huli ............

Habang ako'y naghihintay sa maaring pagdating mo , may nababalitaan na akong hindi ka na daw babalik saakin , sa una di ko nalang pinansin yung mga taong nagsasabi sakin nun , alam ko kasi hihintayin kita at pag dumating ka na ipagpapatuloy na natin ang bagay na hindi pa natin natatapos , ngunit sa aking paghihintay unti unting lumuha ang aking mga mata , luha na kusang pumapatak sa oras na iyon . Sa aking isip , babalik ka pa ! Hindi mo ako iiwan , hindi mo ako hahayaang maghintay dito kung di ka dadating . Pero habang tumatagal napagtanto ko na baka nga di ka na dumating ,, sobra ang sakit na aking naramdaman sa mga oras na iyon hindi mo na talaga ako binalikan pa tuluyan mo na akong iniwan at ipinagpalit sa iba . Hanggang sa nakilala ko nalang si mikay , habang ako'y umiiyak sya lamang ang tanging sumasalo ng bawat patak ng luha ko , sya lang ang kasama ko habang nasasaktan ako kakaintay sayo ng matagal . "Kalimutan mo na sya , kasi kung mahal ka nya babalik at babalik sya"~mikay. "Hihintayin ko sya hanggang kamatayan , nangako kasi ako na di ko sya bibitawan "~ako(Habang umiiyak) . At niyakap nya ako , nagulat ako sa kasunod nyang sinabi . "Andito lang ako sakaling gusto mo makalimutan sya, umaasa parin ako na ako naman ang iibigin mo"~mikay . Sa kanyang sinabi hindi ko maramdaman yung saya kasi mahal nya ako , alam kong mali . Naging kami ni mikay , pinagbigyan ko sya , inakala kong pag kapiling ko sya makakalimutan ko na yung sakit , pero hindi talaga . Yung lugar na pinagusapan namin ng dati kong gf , yun ay ang paris , may plano kasi kami noon na paglaki namin sabay kaming pupunta dun , dahil nga sa nararamdaman kong tuluyan na syang nawawala , hindi ko nalang muna inisip yung bagay na yun , agad akong nagplano na tuparin ang planong yon nang ako lang mag isa , oo dapat kami ang pupunta dun eh kaso nga wala na sya kaya ako nalang ang tutupad . Nagipon ako ng ilang taon , pinilit kong magbago kahit wala na sya nagtrabaho na ako at nakabili na ng sariling bahay , sasakyan at magagarang gamit lahat iyon ay pinagpaguran ko sa aking pag hahanap buhay sa ibang bansa , dahil nga sa ilang taon na ang nakakalipas at nakaipon na ako , nagplano na akong pumunta sa paris para tuparin ang matagal ko nang plano na dapat ay kami ang magkasama papunta roon ...

"Sefyyy ! Saan ka pupunta?"~mikay . (Gulat nang makitang paalis na ako) . "Pupunta ako sa paris may aasikasuhin lang ako "~ako(pagmamadali kong paalam sakanya) . "Babalik ka ah I love you"~mikay(habang yakap yakap ako) . "Sige na aalis na ako . "~ako. At umalis na nga ako Sakay sa aking sasakyan .

Sa airport , at papasok na sa eroplano ...
Mga ilang oras ay nakapunta narin ako sa paris france , nagpahinga muna saglit ... Nagcheck in sa hotel at nagpahinga lang ang aking ginawa . Dahil nga sa di ako makapaghintay pinuntahan ko na nga ang eiffel tower na inaasam kong makita . At nandun na nga ako , sa aking pagtitig sa tower na iyon kusang pumatak ang luha ko at sinabing "Dito dapat kita dadalhin , kaso wala ka na , wala na ang dating tayo , baby mahal na mahal parin kita hanggang ngayon,nasaan ka na ba?! Sana okay ka lang , sana nasa mabuting lalaki ka , sana mas better pa yan saakin"~ako(habang umiiyak) .

Tumakbo ako papalapit sa tower na yon at di ko napansin na may nabangga pala akong isang babae , mahaba ang buhok at maputi . "Im so sorry"~ako(paghihingi ng paumanhin) . Lumingon sya at nakita ko ....

Sya pala ang gf ko noon na hinihintay ko hanggang ngayon , sobra akong natulala , at napaisip bakit di nya ako makilala , yun pala ay .. Nabulag sya . "Baby ko , naaalala mo pa ba ako ? Ako to yung fogee ng buhay mo , anong nangyari sayo ? Bakit di ka na makakita?"~ako(Lumuluha na nang tuluyan) . "Oo , naaalala kita , hinding hindi kita kinalimutan baby ko , pasensya na kung di tayo nagkita , nabulag kasi ako dahil nung pinaglaban kita kay papa nagalit sya at nasampal nya ako ng malakas at tumilapon ako sa sahig na may bubog kasi nabasag ang base namin sa galit nya , tumama ako sa mga basag . At tuluyan na ngang nabulag, pasensya na"~Gf(Pumapatak ang luha sa kanyang mga mata) . Pinunasan ko ang luha nya at niyakap ko sya ng mahigpit , sobrang higpit kasi ilang taon ko na syang di nakikita at nakakapiling kaya sobra ang pagkamiss ko sakanya , hindi ko na nagawang magalit kasi nalaman ko ang reason kaya di nya ako binalikan , dahil sa hindi na sya nakakakita pa . "Mahal na mahal na mahal parin talaga kita baby"~ako(at hinalikan ang mga labi nya) . "Mahal na mahal na mahal din kita sobra"~gf(At niyakap ulit ako) ...

Sa pag uwi sa pilipinas ay kasama ko na sya , hinatid ko na sya sa bahay nila ngunit nakasalubong ko ang papa nya , magmamano sana ako kaso bigla akong napagbuhatan ng kamay at sinabing "di ka parin talaga titigil ah ?"~Papa ng aking gf .(galit na galit) "mahal ko po ang anak ninyo , di po ako nagkulang sir , sya lang naman po ang minahal ko ng ganito , ayoko pong magalit sainyo sir kasi alam ko po yung mali ko , kaso sir noon pa po yun diba?! Iba na po sa ngayon , sir mahal ko po talaga ang anak ninyo nagmamakaawa po ako"~ako(lumuhod at umiiyak sa harap ng papa nya) . Ngunit tuluyan parin akong tinaboy . "Pa , please lang tigil na natin to"~(pagmamakaawa ng aking gf) . "Wag kang makeelam dito!"~(papa ng gf ko) .

"Babalik ako baby , di kita iiwan babalikan kita"~(pagpapaalam ko).
Habang tumatagal galit parin sakin ang papa nya , sinira ko daw kasi buhay ng anak nya eh hindi naman ...

Kalaunan nabalitaan kong kelangan na ng eye donation ng gf ko ... kasi kung hindi daw masisira ang mga nerves nya at pag nangyari yun ay lalo siyang mahihirapan sa kanyang sitwasyon ...

Pinag isipan ko ang aking desisyon at pinagpatuloy ang pagmamahal ko sakanya .

Maya maya kinausap ko na si mikay tungkol dun "mikay , maghiwalay na tayo . Alam ko masasaktan kita pero mahal ko pa ang gf ko eh , sya parin talaga ang tinitibok ng puso ko pasensya na , pero salamat sa lahat"~ako(paghihingi ng paumanhin)
"Alam ko naman na iyon sef eh , alam ko na kahit ilang babae pang dumating sa buhay mo , wala paring makakapantay sa pagmamahal mo sakanya , naiintindihan ko yun kaya nagpapasalamat din ako kasi kahit saglit ay naranasan kong mahalin mo din ako"~mikay . At umalis na nga sya ..

Mikay's POV .
Haystt alam ko naman na mahal mo parin sya kaya pinapalaya na kita para mabalikan mo ulit sya salamat kase naging parte ka na ng buhay ko , sana maging masaya ka sef mahal na mahal kita .

My POV
Alam ko talaga sa sarili ko na mahal ko pa ang baby ko at sya parin talaga sa huli .

Galing ako sa hospital , nagtanong ang doktor kung sino ang pwedeng magdonate ng mata para sa gf ko . Agad kong palihim na sinabi na "miss ako na mismo ang magdodonate na ng mata ni Amy Guerrero(gf ko) .Mas maganda nang mabulag na ako,di man ako makakakita pa ang mahalaga ay makita mo narin ulit ako mahal na mahal kita alam mo naman siguro yun , pagkatapos ng operasyon titigilan na kita , kasi gusto ko pag nakakakita ka na maging maayos na ang takbo ng buhay mo , siguro sa panahon ngayon hindi ko na kailangang sabihin na ako ang dahilan kung bat ka nakakakita , aalis ako pagkatapos ng operasyon , at umaasa ako na hindi mo ako makakalimutan kahit anong mangyare , ayoko nang guluhin pa ang buhay mo , pero kahit ganon mayroon akong isang salita at yun ay ang mamahalin kita habambuhay . Pasensya na kung kelangan kitang iwan . Sana maintindihan mo ako mahal ko . Paalam .

Part3~end..
Read the next part , so amazing .

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon