Part4-Ang aking pagpaparaya.

28 0 0
                                    

.... to be continued.......

Natapos na nga ang operasyon at umalis na ako ng tuluyan .
Nabalitaan ko na hinahanap hanap nya ako at araw araw syang umiiyak simula nang malaman nyang iniwan ko sya .
Mahal ko pa sya , nais ko ngang makausap sya kaso hindi na talaga pwede , sa ngayon ako naman ang walang paningin nakaupo at laging kulong sa silid , iniisip ang ating nakaraang masasayang araw , dibale nang magkahiwalay tayo masakit man pero kelangan ko yung gawin para sayo at para narin hindi na kita magulo pa , tangi ko lang hiling ay ang maging maayos na ang buhay mo at makatagpo ka ng lalaki na para saiyo yung kaya kang buhayin ng maayos , kase ako ? Hindi ko mapapangakong masusunod ko lahat ng luho mo kasi wala naman akong kwentang tao eh sa umpisa pa lang , ang kaya ko lang ay ang mahalin ka ng totoo at sobra sobra . Wala ng iba pa . Matupad sana ang mga plano mo sa future , lagi mo tatandaan na lagi ka lang nasa puso mo mamimiss kita mahal ko mag iingat ka palagi ...

Ilang taon na ang nakakalipas at wala parin akong nababalitaang nagpakasal ka na sa iba ngayon ang edad ko na ay 67 at alam ko na ikaw ay 63 taong gulang na , may sakit na ako sa puso at mahina na ako , para na akong lantang gulay na pinabayaan , tanging ang pamangkin ko nalang ang nag aalaga saakin , dahil nga sa mag aasawa na ang pamangkin ko , pinaampon nya na ako sa home for the aged dun na ako tumanda at nanuluyan , tanging ang mga madre nalang ang nag aalaga sakin , maski isa'y walang bumibisita sakin maski ang mga pamangkin ko , pero kahit ganoo'y naiintindihan ko sila sapagkat may mga sariling buhay na sila . Lumipas man ang mga taon andito parin ako naghihintay para sayo , siguro naman may asawa anak at apo ka na , maski isang salita mo lang ang marinig ko ayos na ako . Siguro nga tama sila , kahit gano ka pa katanda , ganon mo parin kamahal ang taong minahal mo na ng lubusan . Ang hiling ko lang ay sa aking pagkamatay ay makapiling kita kahit limang segundo lang para kahit papaano ay mahagkan man lang kita . Halos di na ako makasalita sapagkat tadtad na ako ng sakit , hindi ko na kaya . Ang dahilan ko nalang para gumising sa bawat bukas ay ikaw , ayaw kong mawala sa mundo hanggat di pa kita nakakasama . Miss na miss na miss na kita mahal ko , alam kong may iba ka na pero sana pagbigyan mo ako hanggat di pa ako nagpapaalam sa mundong ito ...

Kinabukasan ay .

May kumatok sa aking kwarto at sinabing "Magandang umaga ho may bisita ka ho sa labas halika na't nag iintay sya"~madre . (Habang inaalalayan ako sa paglakas at pagkilos) . Nang makarating na kami sa mesa may humawak ng kamay ko at humalik sa aking noo , naramdaman ko na ang mahal ko ang bisita na sinasabi nila . "Kumusta ka na ? Kumusta ang sarili mong pamilya?"~(ako , habang nahihirapang bumigkas) . "Wala akong sariling pamilya , sapagkat hinintay kita ngayon ko lang nalaman na andito ka pala , hinintay kita mahal ko"~MahalKo.(habang umiiyak). "Pasensya ka na , kung di kita binalikan"~ako...At niyakap nya ako ng mahigpit habang umiiyak dama ko narin ang hirap nya sa pag iyak sapagkat sya ay tumatanda narin . Maya maya ay nagpasundo sya sa pinsan nya at hiniling sa mga madre na makasama ako kahit isang gabi lang . Salamat at pumayag rin sila .
"Naaalala mo ba itong lugar na ito?Hindi bat dito tayo noon naggieldtrip nung tayo'y mga bata pa , Dito pa nga ang first kiss natin diba?! Naaalala ko itong lugar na ito nakakalungkot naman , pero masaya na ako na magkasama tayo ngayon mahal na mahal kita"~KasintahanKo(Habang hawak hawak ang kamay ko at niyakap ako). "Mahal na mahal din kita"~(Ang aking sagot). Kahit di ako nakakakita nararamdaman ko parin na masaya ako kasi kasama ko sya . Nakaupo kami sa isang mahabang upuan habang nakayakap at nakasandal sya saakin . "Ito man ang huling araw ko sa mundo , masaya parin ako na magkasama tayo , sana di ka na mawala saakin mahal ko ako man ang mauna iintayin kita sa langit at habang andito ka pa ako ang magsisilbing guardian angel mo"~(aking masarap na tinig) . "Kahit matanda na tayo di ka parin nagbabago , madiskarte ka parin pagdating sa babae , kaya mahal na mahal kita eh"~ang aking kasintahan ... maya maya ay sabay na pumikit ang aming mga mata at naramdamang hindi na kami makagalaw at nasa isang maliwanag na palasyo na kaming dalawa , yun pala ay sabay kaming namatay at nagpaalam sa mundo . Ngayon ay masaya at mapayapa na kami sa walang hanggang buhay sa langit .........

Napatunayan ko na walang hanggang ang aming pagmamahalan sa isat isa napakaswerte ko parin kahit papaano ay siya ang aking nakasama at naging parte ng buhay ko , sobra ko syang minahal at trinato ng maayos , nirespeto at ginalang ko sya , hanggang sa langit ay kami parin talaga . Yun ang magpapatunay na mayroon maming FOREVER ng aking kasintahan ....

Salamat sa panginoon , sa pagmamahal saamin at laging nakagabay ...

~EndOfStory.

Thanks for reading :-) !!!!

Thanks for reading :-) !!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon