Nagdaan ang mga araw na hindi ko nakikita si Bakulaw. Ano kayang nangyari dun?
Wala nang nangungulit sakin. Wala ng nagsasabing maganda ako. Wala nang nangbubully. At higit sa lahat wala na akong nakikita gwapo... Este monster.
Bakit ganun.. Namimiss ko ba sya? Huh? Aine naman. Wag ka ngang ganyan. Di ka inlove dun tandaan mo yan. Masasaktan ka lang. Huh? Connect? Maganda ako.
Sa mall. Ang sakit ng mata koooo... Paano ba naman ang dami kong nakikitang couples dito.
Scene 1: May binigay si boy na flowers kay Ateng girl.
Sana may magbigay din nun sakin.
Dreaming:
"Aine oh. Flowers for you" sabi ni German sakin. Omg. Ang gwapo niya ngayon plus pa yung kanyang flowers na ang ganda ng pagkaka-arrange.
Scene 2: Kiniss ni boy si girl sa pingi.
Yuck! PDA! Peroo..... Nakakainggit. Gusto ko sana yun maramdaman e.
Dreaming:
"Aine. Mahal na mahal kita. Pede pakiss ako?" Paalam ni German sa pinakacute na pout.
Scene 3: Nakaakbay si boy kay girl at nanunuod pa ng fountain.
Ang dami nga namang PDA sa mundo. Ah ah. Respeto naman sa mga single kahit minsan.
Dreaming:
Nag-aya si German ng DATE daw. Shocks. Kaya todo akong paganda e. Haha hindi pala. Likas na pala akong maganda. (Flip my hair)
Habang naglalakad kami sa park. Biglang... Biglang... Biglang umakbay si German sakin.
O_O. Yikess kung pwede lang magsisigaw dito. Ginawa ko na. Kinikilig ako.
Bakit ba nga ako nakatambay dito sa napakadaming PDA na tao? At bakit din naman iniisip kobg mangyayari sa kin yun? At talagang sa mortal enemy ko pa!
Hayy! Maka uwi na nga lang at lako ko pang naiisip si German dito e.
Ganon ko ba sya kamiss? Yuck! Don't say bad words Aine ha.
BINABASA MO ANG
Aso't Pusa(One Shot)
RomansaPara sa umibig na ang status ay laging ayaw at bati.. Besss.. Para sayo. Haha