German's POV
Hi guys! This is my first ever POV.. So magpapakilala muna ako. Im Germany Del Rosario. Ang nakatadhanang asawa para kay Aine. Hahaha alam ko namang malapit na yon mangyari! Kelan? Maybe.... TODAY.
Yup. Im going to surprise her para makita niya ang effort ko.
Sa tulong ng tropa ko at ni Bea( yung babaeng kaakbay dati ni German). Sya ang kasabwat para madala dito si Aine. Sina Luke at Matt ang bahala sa arranging ng dinner namin sa likod ng school. Then si Larry ang bahala sa bouquet ng flowers na pinabili ko. Tapos ako naman ang bahalang magpagwapo.
Hooo. First time kong makaramdam ng kaba sa pag-eefort sa babae. At first time ko lang din humiling sa Panginoon na sana pumayag syang ligawan ko.
Gustong-gusto ko talaga sya. Simula pa lang nung First Year kami. Lagi ko lang naman syang inaasar kasi paraapansin niya ako. Alam kong magagalit sya sakin kung lagi kong ginagawa yun. Pero I take the risks kesa naman na I doesn't exist sa mundo niya no. Tuwing may lumalapit sa kanya naiinis ako. Gusto ko kasi ako lang eh. AKO lang. Tama na ang drama. Special day ko ngayon no.
1 message recieved
From: Luke
"Pre! Ayos na. Punta ka na dito. Papunta na sina Bea!"Di na ako nagreply kasi excited na akong pumunta.
Aine's POV
O-O Nakita ko yung kaakbay ni German dati sa canteen. At..... Papalapit sya sakin.
"Hi" Girl
Tumingin ako sa likod ko para makita kung may tao. Wala naman. Sa kanan naman. Wala din. Sa kaliwa. Wala. Huh? Sinong tinatawag nun? May nakikita kaya syang di ko nakikita?
"You Aine. Ikaw ang tawag ko" Huh? Ako bakit ako?
"Uhmm. Gusto ko sana ikaw makausap"
Bakit kaya? Siguro pagbabantaan ako nito na layuan si German. Lagi namang ganun diba sa watppad stories. Pero.... Paano ko malalaman kung hindi ako sasama."Uhmm. Sige sige. Now na ba?"
"Yup"
Pumunta kami sa *** restaurant. Huh? Sarado sya. Paano kami mag uusap kung sarado.
"Uhm.. Mauuna ka na sa loob ha. May gagawin lang ako" paalam niya.
Naglakad ako. Baka naman may multo dito? O kaya gang na bubugbog sakin kasi galit sakin yung babae.
Pumasok ako. "Hello po? May tao po ba dyan?" Walang sumasagot... Hanggang sa bumukas yung ilaw sa gitna. May upuan at table sya. May pagkain din.
Umilaw yung stage. At nakita ko si.... German.
"Para to sa babaeng nasa harap ko.. Ang babaeng matagal ko ng gusto at ang babaeng mahal na mahal ko."
Mahal? Si Bea ang mahal niya diba. Lumingon ako sa likod ko pero walang tao.
Natapos ang kanta nia. Bumaba sya sakin at lumapit ng... Sobrang lapit. Nararamdaman ko yung hininga at amoy niya... Ang bango.
"Mahal na mahal kita Aine. Wlang babaeng nagparamdam salin ng ganito. Yung... Tuwing lalapit ka sakin parang may kabayo sa puso kong nagkakarera. Aine. Hindi ko hinihiling na mahalin mo din ako.. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sayong mahalin ka"
Nakakagulat yun. Hindi ko inaasahan yun na sasabihin niya.
Lumuhod sya sa harap ko.
"Aine pwede bang ligawan ka?"
Naluluha ako. Pero ang tangi ko lang masasabi.......
-----------
Bitin moment. Masyado ng mahaba. Hahaha next update na lang yung sagot. At last na chapter.
BINABASA MO ANG
Aso't Pusa(One Shot)
RomancePara sa umibig na ang status ay laging ayaw at bati.. Besss.. Para sayo. Haha