Chapter 2- The Confrontation

20 0 0
                                    

Bago ako pumasok ng school, hinanap ko muna mga kaibigan ko sa mga bahay nila. Pagkatapos non pumunta na kami sa Unkown inc. para mag pa register sa tournament ng DOTA 2.

At Unknown Inc.

"Naku, ang daming palang sasali sa tournament"-Rocky

Watdafuq!!!??? halos mapuno na ang computer shop dahil sa daming tao. Nakakakaba, kami mga rookie palang, siguro mga pro nayang mga yan oh. May sariling tshirt pa sila oh, HANEP! Matagal pa to, bago kami magpa register.

"Mamayang hapon nalang tayo mag pa register, ang dami pang tao kasi" naiinip kong sinabi

"Kaya nga" -Kharl

Sumakay na kami sa mga motor namin, pero bago pa kami maka sakay, may nakita kaming grupo ng mga babae na magpaparegister.

Wait!!!? magpaparegister!!!??? watdafuq!!?? babae!!!??? magpaparegister sa tournament!!!!???

Easy ka lang Kyd, siguro mga noobs palang yan.

Nang lumingon yung mga babae samin, parang nagunaw ang mundo. May nagustuhan na akong isa sa kanila, ang cute niya sobra, yun bang masarap alagaan at masarap yakapin at masarap pisilin ang pisngi. Hindi ko talaga matangal ang tingin sa kanya.

"Uy Kyd! tama na ang tingin tingin diyan" sabi ni Kharl, at bigla ko siyang sinuntok.

Pumunta na kami ng school at yun, Salamat at hindi pa kami late.

Kharl POV.........

Ahhhhh!!! nagugutom ako, makakain nga sa canteen.

"Mga tol ihi lang ako" pero ang totoo kakain talaga ako, may naamoy kasi akong niluluto nila haha, kaya kakain nalang ako

Ako kasi pinaka matakaw sa barkada namin pero hindi ako tumataba. Si Gilbert naman pinaka adik samin magDOTA 2, halos araw araw siya nag DODOTA 2. Si Rocky pinaka tanga samin maglaro pero who  you ka sakanya pag nagcarry yan. Si Jay naman ang pinaka magaling samin maglaro ng DOTA, kaya nga ginawa namin siyang initiator namin eh. At eto namang si Kyd halos normal mag laro, tanga na magaling.

At canteen...

"Ate pabili nga po nung cheesy dibbles"

Dumeretso na ako sa bakanteng upuan at kumain ng masarap. Cheesy Dibbles kasi pinaka favourite naming miryenda, para kasing 'HEAVEN' hahaha.

At ayun, muka akong timang dito na kumakain kasi ang laki ng table pero magisa ko lang.

Nang matapos akong kumain, sa sobrang dami ko atang nakain na Cheesy Dibbles, Na babawas tuloy ako kaya dumeretso na ako sa C.R.

"Hay salamat naka let it go din" Sabi ko sa sarili ko ng may mag salitang babae.

"Hay nako! people nowadays pati kasi pagbabawas chinichismis pa" Aba ako ata pinaparingan ng babaeng ito ah, humanda to saakin.

Nakatalikod kasi siya kaya kinalabit ko.

"Miss, sino pinaparinggan mo?"

"Wala, kinakausap ko lang sarili ko"

"Meron yan"

"Well kung meron akong pinaparingan, di ikaw yun, wag ka masyadong assuming"

"Sure ka hindi ako? Eh tayo lang kaya dadalawa dito sa hall"

"Okay! Okay! you win! sa susunod kasi wag ka na magsalita pag katapos mo mag let it go, nakakadiri kaya"

"Sa susunod din kasi, ideretso mo na sa tao yang mga sinasabi mo, hindi yung may parinig prinig ka pang nalalaman"

Inirapan niya ako at tinalikudan, aba bastos to ah. Makita ko pa yang babaeng yan, baka malibing ko yan ng buhay.

When a DOTA player is in lovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon