"Kyd push mo na sa tower!" Ano ba naman tong Rocky na to, excited masyado eh hindi pa dead mga kalaban. Saka patay pa si Kharl kaya maya na push.
"Kharl support mo si Rocky habang nag aambush, Ikaw naman Gilbert patayin mo yung nasa top lane, Jay defense ka muna, At ako farm muna ako"
"Pero pano sa bottom lane?" Pag aalalang tanong ni Jay.
"Ako na bahala" Sabay kong nginitian si Rocky na para bang papatayin ko siya.
So ayun, natapos ang game na panalo kami, Siyempre kailangan magbayad ng pusta ang kalaban namin. Medyo mahirap silang kalabanin, magagaling kasi sila. Pero mas magaling kami haha.
"Well played guys, sa susunod tayo naman ang dumayo"-Gilbert
"Ano yung dadayo?" -Kharl
" Yung pupunta tayo sa ibang barangay para manghamon ng game na may pusta" Sagot ko kaagad dahil baka mag barahan tong dalawang to eh.
"Tara sa New Image, mag celebrate tayo" excited na excited na pag kasabi ni Rocky.
"Ano kaba, madalas tayong manalo sa game natin kaya wag na"-Gilbert
"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo kasi may class pa tayo bukas" Sabay na singit ko sa pinag uusapan nila.
Hindi kami mga rich kid kaya nakamotor lang kami umuuwi. Pag kauwi ko sa bahay pumasok agad ako ng kwarto at sumampa sa kama ko, pagod na pagod ako.
Pinagpapasalamat ko yung mga teamates ko dahil magagaling sila, ayaw ko kasing ng mga noob na kalaro. Si Jay ang initiator namin, siya ang madalas magstart ng team fights sa Game. Si Kharl naman ang support namin, siya ang palaging namamatay dahil pag may team fights hindi niya pinapatay ang kalaban kundi sinusoportahan lang niya kami gamit ang mga skills niya. Ako naman, Pusher, ako ang taga sira ng tower sa game at taga dala ng mga kasama ko sa base ng kalaban. Si Gilbert ang Ganker namin, pag may naglalaban na dalawang player, siya ang nang aambush kaya palagi siyang maraming kills. Si Rocky ang carry namin, Sa medyo late game lang siya useful dahil pag malalakas na kalaban siya ang lumalaban sa kanila at parang binubuhat niya kami sa pagka weak namin sa game.
***
Kinaumagahan sabay kaming naglunch kasama sila Jay.
"Dota 2 tayo mamayang dismissal?" -Rocky
"Sige"
Pagkatapos ng dismissal dumeretso agad kami sa computer shop. UNKNOWN inc. ang name nung computer shop.
Nasa mid game na kami ng palagi kaming namamatay, kaya maaga naming sinabi kay Rocky na i carry na niya kami.
"Rocky carry mo na kami mid!" -Gilbert
"Mag susuport muna ako" -Kharl
"Jay initiate mo na agad yung kalaban pag low life na sila geh geh" Sabi ko kay Jay ng mabilis. GG na kasi kami kaya hard push ako. GG means natatalo na.
Nang nasa mid lane na kami lahat, ginank agad ni Gilbert yung mga kalaban habang sinusoportahan ito ni Kharl, Pinapatay nadin ni Rocky yung mga kalaban, at ako naman tower ang tinitira ko . Nang nag lowlife na kalaban tinira tura agad ito ni Jay.
At yung nga, hard push kami sa base ng kalaban pero nanalo parin kami. Milagro ang nangyari samin, nung una kasi kala namin GG na yung pala kaya pa, tiwala lang ang ginawa namin.
Nang matapos ang game, pumunta na kami sa New image nang naka motor kami. New image ay isa lang siyang restobar.
At New Image......
"Tagal na nating hindi nakapasok dito ah"- Jay
"Ano kaba, Last week lang tayo ng last tayo pumasok dito no" Sabat agad ni Gilbert. Dahil baka magbabarahan itong dalawa, nagsalita agad ako.
"Hep hep hep! ang mabuti pa ay mag inom na tayo, and lets enjoy the night guys!"
Umorder agad kami ng beer, Tig iisa kami. Tig iisa kami dahil nagpustahan kami dati na kung sino man ang malalasing pag pumupunta kami dito ay may parusa. Simple lang naman ang parusa eh, sasabihin mo lang sa magulang na nakabuntis ka. Saya Noh!?
"Guys, Cheers naman jan!" Sabay nag cheers kami at uminom na.
Nang matapos ang inuman namin, nagpaalam na kami sa isat isa at umuwi na.
Nang nasa kwarto na ako, kinuha ko kaagad ang laptop ko at nag facebook, nagulat nalang ako sa nakita ko. Totoo ba to Lord!!!??? Merong isang tournament ng DOTA 2 dito sa Manila at ang cash prize ay kalahating milyon.
Kailangan to malaman ng mga ka teammate ko ng maaga para makapag practice kami. Agad Agad kong tinawagan sila at una ko munang tinawagan si Kharl.
"Hello Kyd bat ka napatawag?"
"Buksan mo face book mo dali!"
"Wait lang"
.....
"Oh yan na nabuksan ko na, ano gagawin ko?"
"Visit mo yung page ng Manila Major"
Vinisit niya ito agad at natuwa nalang ako sa reaksyon niya, masaya na nagulat.
"Totoo ba to Kyd?"
"Oo, kalahating milyon nga"
"Practice na tayo bukas"
"Ha!? tagal pa to, sa March 9 pa, October palang ngayon oh"
"Ay oo pala" nakayukong sagot ni Kharl
"Oh sige tulog na ako babaye!"
"Geh tol"
Nakatulog ata ako kagabi na nakangiti? Haha ganda kasi nung announcment, pag asa na naming yumaman. Pag ako yumaman, who you sakin mga kaaway ko haha.
BINABASA MO ANG
When a DOTA player is in loved
JugendliteraturIto ay isang stroya na pang gamer. Iba ang takbo ng loce story kaya must read ito. Published under Pop-Fiction. All rights reserved 2016