Have you ever wondered what its like flying up the sky overlooking the things below?
have you ever wondered what its like to be a star? a comet or any heavenly bodies?
Sometimes we wonder if wishes will come true or may be abandoned, sometimes we wondered who are the officials in getting ones wish and make it true. Every wish has its motivational feeling that we must pursue on our selves in order for us to believe that what we ought to get or to achieve will come true .
Somewhere in this world, many of us look above the stars wondering if they might help us solve our problems, get what we wanted , or maybe ask if they can give back the time we once spend with our loved ones.
In a place called the mayhem village, a child wondered what its like flying above the sky and touch the star and wish. Naisip niya ang mga pangyayaring nagdulot sa kanya ng pinakamasayang pangyayari sa kanyang buhay. Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay pawang isang imahinasyon lamang ang kanyang mga-alaala.
Masayang naglalaba ang kanyang ina sa ilog habang ang kanyang ama ay nag bubunot para gawing uling na kanilang kinabubuhayan . Mahirap man sila ngunit ramdam nila ang paghahalaga sa isa't isa lalong lalo na sa kanyang pamilya. Binalingan niya ng pansin ang kanyang mga kapatid na masayang naghahabulan malapit sa ilog na pinaglalabhan ng kanyang ina. Lumapit siya sa mga ito at pumulot ng mga bunga ng ligaw na halaman at sinimulang pagbabatuhin ang mga ito. hindi nagpahuli ang kanyang mga kapatid at masaya itong nakipaghabulan sa kanya habang nagbabatuhan.
Ngunit ang sumunod na nangyari sa kanyang alaala ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyang pangyayari. Naghuhukay siya ng lupa habang pinapaligiran ng mga mamang malalaki ang katawan at kahit anong oras ay maaari siya nitong saktan pag huminto siya sa pagtatrabaho.
"sige pa girl, tunganga pa more ng ma jombag ka ng mga papabols dito." bulong sa kanya ng matalik ng kaibigang si marcus.
"sino kayang hindi mapapatunganga eh kanina pa tau naghuhukay dito" sagot niya sa kaibigan habang patuloy sa paghuhukay.
"tumakas nalang kaya ulit tayo" suhestyon ni marcus.
"ayoko nga marcus, pag nahuli na naman tayo baka hindi lang bogbog abutin natin , baka gilitan na tayo ng leeg ng mga yan." patuloy pa rin ito sa paghuhukay.
"Its marizz!!" pagtatama ni marcus habang pinagdidiinan ang pagkakasabi ng "z".
"Bahala ka dyan" sabi nito sabay irap sa kaibigan.
"aY naku girl." sabi ni marcus sabay hila sa kanya patakbo.
"hoi, ano ginagawa mo!" angil nito
"Malamang tumatakbo, nakikita mo bang lumilipad si aketch?" pambabara nito habang pasimpleng iniipit ang imahinasyon niyang buhok sa tenga.
Hindi niya nalang ito pinansin imbes ay kinuha niya ang kanyang braso at sumabay na sa pagtakbo.
"hoooo" sabay pa silang napa buga ng hangin habang nakahiga sa damuhan.
"Malayo na ata tayo." suhestiyon ni marcus.
Hindi niya ito pinansin bagkus ay tumingala siya sa malawak na kalangitan habang tinititigan ang mumunting mga bituin na kumikislap rito. Habang nakatitig siya sa mga ito ay naalala niya ang kanilang buhay bago dumating ang isang trahedya. "ano kaya ang buhay namin kung nandito pa sina papa?" " mahihirapan pa rin ba kami? " tanong nito sa isip habang nakatingala parin sa malawak na kalangitan.
Umagaw sa kanyang attensyon ang isang bulalakaw na mabilis na bumabagsak malapit sa lugar kung saan sila nakahilata.
BINABASA MO ANG
The Celestial Princess
FantasyGuided by the power of the 12 zodiac constellations, Nidalee ventures to the east, south, north, and west directions of the world seeking for it's five stone of eternity which she believes that can overcome the power of the underworld king and may r...