Chapter 1

32 2 0
                                    

Tinantsa ko ang pagbabagsakan nito mula sa aming kinaroroonan.

 Nabigla ako ng may gumuhit na linya patungo sa kinaroroonan nito .

Agad ko itong sinundan ng tingin hanggang sa may lumabas na nagkukumpulang numero. 

I was taken a back when I realized I already calculated the speed and velocity of the flying object. 

Tinignan ko ang lupaing pagbabagsakan nito at tinantsa ang direksyong maaari nitong pagbagsakan.

Natigil ako sa pagkakalkyula ng marinig ko ang malakas na pagtili ni Marcus.

"OMG!! a falling star, kyaaaaahhh"
Patili nitong sigaw habang patakbong tumungo Sa lugar na pagbabagsakan ng bulalakaw.

"Hoi, hintayin mo ko" sigaw ko rito habang hinahabol.

Habang patuloy sa pagtakbo ay may napansin akong mga nilalang na nagmamasid at marahang nagmamatiyag sa amin.

Napatigil ako sa pagtakbo ng maramdaman ang magaang sensasyong sumakop sa buo kong katawan patungo sa aking utak.

Napasigaw ako ng maramdamang kinokontrol nito ang bawat parte ng aking katawan.

Agad namang napatigil sa pagtakbo si Marcus at naghehesteryang lumapit sa kinaroroonan ko.

"OMG girl, anong nangyari sayo?" Halata sa pagmumukha nito ang pagkalito at pag-aalala.

Napapikit ako ng maramdaman ang pagbulusuk ng masaganang tubig sa loob ng aking kalamnan.

Hindi ko mawari kung anong nangyayari sa akin ng may makita akong itim na usok na mabilis na  pumalibot sa pababagsak na bulalakaw.

My body move freely without my consent.

Hindi ko na kinayanan ang malakas na enerhiyang pumalibot sa akin at agad na nawalan ng malay.

Ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko pa kung paano sumigaw si marcus at ang paglabas ng napakalaking alon ng tubig mula sa aking katawan.

The Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon