Remely's Pov:
Napasinghap ako ng makitang naghuhugis tao ang batong mahigit limang araw na naming binabantayan.
"M-marcus, a-anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ko kay marcus na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin sa harap ng bato.
"H-hind--" hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang biglang mas tumingkad pa ang pagliwanag ng bato. Napapikit ako ng mga mata habang mas lalong hinihigpitan ang pagkakahawak kina charles at charlene.
"A-ate a-anong nangyayari?" halata sa boses ni charles ang pagkatakot, kaya inilipat ko ang aking kamay sa bandang ulo niya at hinaplos.
"Wag kang matakot nandito lang ako."
Pagkasabi ko nun ay agad akong pumihit pa harap nang mapansing pa iba iba ang kulay nang nagliliwanag na bato habang pa iba iba naman ang hugis nito.Mula sa pagiging bato, nagiging hugis tao ito, nagiging hugis kalabaw at nagiging hugis pana. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari nang biglang huminto ang pagliliwanag nito at bumalik sa pagiging bato ngunit nabigla ako nang sumilay na naman ang nakakabulag na liwanag kasabay ng pag-angat nang bato sa harapan namin.
Napa atras ako habang yakap yakap na ang mga kapatid ko ng mas lalo pa itong lumiwanag kasabay ng pagsabog nito.
Puno ng alikabok ang paligid matapos ang pagsabog.
Nang humupa na ang mga alikabok ay agad kong hinanap ang batong sumabog, ngunit iba ang nakita ko.
Hindi kalayuan sa amin, may nakita akong batong kulay pink.
"OM, ang ganda naman." Agad kong tinakbo ang kinaroroonan nito ngunit napahinto ako ng bumungad sakin ang gusgusing mukha ni marcus.
"Hahaha grabe, mukha kang ne rape marcus hahaha" pang-aasar ko sa kanya.
"Gaga, buti sana kong ni rape ako, eh hindi eh." Sagot nito habang naka pout pa. "Grabe nawindang talaga ang beauty ko ng sumabog yung batong binabantayan ko." Pagpapatuloy nito tsaka nagpalinga linga sa paligid. Mukhang hinahanap niya yung bato.
"Baka nag-evolve." Pagbibiro ko habang nginunguso ang batong color pink sa harapan namin.
"Eh? Bakit lumiit?" akmang pupulutin niya na ang bato ngunit pinigilan ko siya.
"Oi, akin yan" sabay tulak sa kanya.
"Anong sayo?" Naka taas pa ang kilay na sagot niya. "Ako kaya nagbantay niyan." Dugtong pa niya sabay yuko ngunit hinila ko ang laylayan ng damit niya.
"Akin sabi eh, favorite color ko yan kaya sa akin yan mapupunta!" Sigaw ko sabay sabunot sa kanyang buhok.
Nagiging amazona talaga ako pag may umaagaw ng mga bagay na gusto ko.
"O my, kalorke. Kaka-rebond ko lang nitong buhok ko bininyagan mo na." Nanlalaking matang sigaw nito sabay sabunot din sa akin.
BINABASA MO ANG
The Celestial Princess
FantasíaGuided by the power of the 12 zodiac constellations, Nidalee ventures to the east, south, north, and west directions of the world seeking for it's five stone of eternity which she believes that can overcome the power of the underworld king and may r...