CHAPTER FIVE

3 0 0
                                    

Clyde point of view

"clyde gising na tanghaling tapat na oh" pilit niyang inaalis yung kumot sa mukha ko pero hindi niya naaalis mas malakas kaya ako sakanya

"uhmmmm five minutes" inaatok pa ako eh ang aga aga niya namang pumunta ditto

"anong five minutes gumising kana may paguusapan tayo" pamimilit niya parin saakin

"mamaya na"

"anong mamaya na? sige na bumangon kana diyan" hay ang ingay ingay talaga ng mga babae kahit kailan pero kahit maingay to si Lindsay, mahal na mahal ko toh para ko na tong kapatid siya yung dumamay saakin nung mga oras na down ako at durog na durog yung puso ko

"hoy ano ba?"

Humarap naman ako sakanya at minulat ko ang isang mata ko. Ayun mukha na siyang tigre nakapamewang pa akala mo nanay ko siya hay naku.

Salubong nanaman ang kilay niya. Itinaas ko ang dalawa kung kamay para ibangon niya ako

Hinawakan niya yung dalawa kung kamay at handa na siyang hilahin ako

Mabiro nga toh heheheheh ng hihilahin niya na ako eh siya yung nahila kaya napaibabaw siya saakin at yinakap ko siya ng mahigpit

"clyde ano ba bitawan mo nga ako hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo" reklamo niya saakin ang cute cute niya talaga kapag naasar siya

"Lindsay salamat" bulong ko sakanya

"welcome, sige na bumangon na tayo"

Sobrang comportable na ako sakanya hindi ako nakakaramdam ng pagkailang tuwing siya yung nasa tabi ko. Bumangon na kami dumiretso ako sa cr habang siya eh lumabas nang kwarto ko

hay ang sarap talagang maging kaibigan so Lindsay may taga gising na may taga luto diba ayos

maghihigit isang oras din ako sa loob nag kwarto ko bago ako bumaba sakto namang naghahanda na sa mesa si Lindsay

"ang bango naman ng pagkain ah mukahang mapaparami tayo ng kain"

"kumain ka talaga ng marami hindi kana nagbreakfast"

"akala ko maaga pa eleven na pala"

"oo nga eh ang aga pala ng eleven para sayo" sarkastikong saad niya saakin

"hay nako ayan ka nanaman, may dalaw ka noh kaya highblood ka"

"ang bastos mo talaga wala akong dalaw baka ikaw ang may dalaw diyan"

"hoy anong akala mo saakin babae"

"hindi bakla lang hahahhahah"

"hindi ako bakla gusto mo patunayan ko pa eh halikan kita diyan"

"sus luma na yan at tsaka ako magpapahalik sayo huwag nalang hindi ka nga nagtotoothbrush at ang baho pa ng hininga mo"

Inamoy ko naman yung hininga ko, hindi naman ah nagtoothbrush at nagmouthwash pa nga ako ang sama talaga ng babeng toh

"hindi naman ah amuyin mo pa"

"yuck!!! kumain kana nga lang diyan baka mahimatay naman ako kapag inamoy ko yan"

Naglakad naman siya ulit papasok ng kusina. Tiningnan ko naman ang hinanda niya lahat paborito ko. Habang kumakain ako eh linibot ko ang paningin ko sa kabuoang apartment ko sobrang linis na ngayon hindi tulad kahapon ang kalat

Hindi kasi ako marunong maglinis dahil may katulong ako noon pero simula ng mawalan ako ng rasong mabuhay eh inalis ko na sa trabaho yung katulong ko ditto pero hindi alam ng mga magulang ko na nasa Las Vegas. lahat sila nagmigrate na doon ako nalang ang natira ditto pinili kung magstay ditto dahil kay nerissa

My CUPID BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon