Sandy's POV
Kinakabahan ako ngayong araw. Alam kaya ni kent na nagkadikit mga labi namin kahapon? baka kasi pandirian ako nun eh. Panget nga ako diba? Hayst. Sana wala syang idea tungkol dun tsaka lasing naman siya that time....
Teka! Di ko naman kasalanan yun ha? Hinatak nya ako kaya nagkadikit mga labi namin so wala syang karapatang magalit kung sakaling alam nya yung tungkol dun
By the way, Andito ako ngayon sa garden nagbabasa ng libro ni joshua harris. Ang payapa kasi ngayong araw eh! Wala si ate kelly so makakapagconsentrate ako sa pagbabasa. Sinama kasi siya ni tita reese sa trabaho niya. Within 2 weeks daw ata sila don. May hotel naman daw silang tinutuluyan. Oo may trabaho si tita reese. May company rin kasi sya dito sa pinas gaya sa korea at toy company rin un. Kung tutuusin mas mayaman sila kaysa samin ^_^ kaso nakakamiss rin kahit papano ung kadaldalan ni ate kelly eh. Pati si ate gaille iniwan ako. Ang bored tuloy...
"Aray! Bitawan mo nga ko" bigla akong hinatak nitong hinayupak na to mula sa pagkakaupo ko
"Susumbong kita dyan sa mommy mo" pananakot ko kay kent habang hatak-hatak pa rin nya ung braso ko
"As if papagalitan ako nun *smirked*"
"San ba kasi tayo pupunta ha?" Mahinahon kong tanong sa kanya
"Sumunod ka nalang" binitawan nya na ko pero binalaan nya ako bago nya gawin un "wag kang magdadalawang isip na tumakas or else i will punch your ugly face" natakot ako sa sinabi nya. nakakatakot kasi sya magalit eh. Sinundan ko lang si kent hanggang sa makapunta kami sa... KWARTO nya??
"Teka anong gagawin natin dito?" Tanong ko na may pagkahalong curious
"Rereypin mo ba ko? Please wag ako! Masyado pa kasi akong bata. Marami pa kong pangarap para sa future ko" aatras na sana ako pero inambahan nya ko ng suntok kaya napatigil nalang ako
"Tss. Sa tingin mo gagawin ko yun sa panget na tulad mo? Eww no way" grabeh choosy nya ha tapos may kasama pang panlalait. Ang goodboy nya grabe whoo!
"Edi mas ok" mas ok palang panget ka eh kasi walang lalaki papatol at mangrerape sayo. How great diba?
"By the way, ano palang gagawin natin dito aber?" Ako
"Pasok" Utusan ba daw ako?
Pumasok nalang ako tsaka sumunod na rin sya
Pagpasok namin dumiretso agad si kent sa gilid ng kama nya at may kinuhang basket na punong-puno ng damit tsaka nilagay sa harap ko
"O ano yan?" tanong ko
"Damit malamang, kita mo naman diba?" Ay bastos talaga tong hinayupak na to ah
"Alam ko" pagsusungit ko sa kanya. "I mean anong gagawin ko dyan?" Dagdag ko pa
"Gusto kong labhan mo yan lahat" humiga sya sa kama nya tsaka nagtulog tulugan
"Aba! bakit ko naman gagawin yun aber?"
Bigla syang umahon sa pagkakahiga
"Dahil hinalikan mo ko kahapon. Kadire kaya! Akala mo ba di ko alam yun ha?" Hala? Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaasar!
"HINATAK MO KAYA AKO KAYA NAHALIKAN KITA! ANG AKALA MO BA GUSTO KO UNG GINAWA MO?" Napasigaw tuloy ako. Nakakapang-init kasi tong lalaking to eh
"Eh bakit? Gusto ko rin bang halikan ka? Tsaka lasing kaya ako nun. Ang akala ko kasi ex ko ung kaharap ko pero pagdilat ko, ang impaktong nerd pala" Sabi nya habang pasimple pang tumatawa
"Tse! Tsaka may labandera naman kayo ha! Bakit ako gagawa ng lahat ng yan? Damit mo yan diba? Eh buong buhay ko nga di ko pa yan nagagawa tapos papagawen mo sakin yan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/63674209-288-k610847.jpg)
BINABASA MO ANG
A PRETTY NERD
Teen FictionKung beautyqueen dati ang mother mo, Dating supermodel ang father mo, Model ngayon ang ate mo, Anong ieexpect ng bunsong katulad mo? 'Pag ba Nerd na Panget ka at pwede ka nang ipangbato sa Ms.ImpaktongNerd 2017, maipagmamalaki mo pa ba ang sarili mo...