Chapter One: Tadhana Makes a Move

4 1 0
                                    

Alliah's POV

"Liah, alam mo na. Pagkalabas mo ng classroom niyo pag uwian, uwi kaagad ng bahay. Wag papagabi sa daanan at hindi mo alam ang disgrasya."

"Opo mama. Alis na po ako. Bye."

Tapos humalik na ako sa pisngi ni Mama. Magmula nang mawala si ate, masyado nang naging maalalahanin si Mama. Nakakaawa lang si Mama at alam kong hanggang ngayon eh hindi pa rin niya tanggap ang nangyari kay Ate. Masyadong masaklap ang mga nangyari, masyadong masakit. Kaya ngayong nasa college na ako at makakapasok sa lugar kung saan pinatay ang ate ko, hindi ko dapat ito palagpasin. Aalamin ko kung sino ang Killer...

Grey's University. Isang eskwelahang naging kontrobersyal nang mamatay ang ate ko. Nakapagtataka lamang at marami pa ring gustong pumasok doon at mag aral sa lugar na yun kahit na may nangyari nang krimen. Siguro nga masyadong sikat ang school at hindi na nila binigyang pansin ang krimen. Ang krimen na kung saan ang mismong biktima ay ang ate ko. 

"Nasan ang ID mo?"

Natigil ako sa mga iniisip ko nang matanto kong nasa may gate na pala ako. Buti na lang di ako lumagpas ng daanan. 

"Ah eto po." Kinalkal ko yung bag ko at kinuha ang ID ko. Grabe, kelangan niya talagang busisihin maigi ang ID ko eh kitang kita naman na GREY"S UNIVERSITY ang nakalagay sa ibaba ng ID ko. Oo, may ID na kaming mga first year kasi enrollment pa lang may picture taking na. Weird nga eh...

Nakapasok naman na ako ng gate. Pagkapasok mo pa lang pala, makikita mo na ang building na napakataas. Maganda din dito, maraming halaman, maraming daanan. Medyo nakakalito lang at first time ko ditong pumunta. Hindi kasi ako sumama kay Mama nung enrollment eh. Masama kasi ang loob ko sa nangyari kay ate nung mga panahong yun eh.

Pero, wala naman akong pagsisi kung dito ako mag aaral. Ako din lang naman ang nagsabi kay Mama na dito na ako mag aral para naman makatulong ako sa mga pulis na mahanap ang pumatay kay ate. Nung una, kinabahan din si Mama sa mga sinabi ko pero wala din lang siyang nagawa kundi sumang ayon sa plano ko. At ngayong nakapasok at nakatapak na ako dito, kahit masama ang loob ko, wala nang atrasan to. Hahanapin ko ang may kasalanan. 

"Eh, uhmmm... Hi..."

May biglang kumuldit sakin sa likod kaya lumingon naman ako. Babae siya, maganda at maputi. Medyo may katangkaran at mahaba ang buhok. Malalim ang mga mata niya at kung titingnan para siyang puyat na puyat.

"Hi din." Matipid kong sagot.

"Alam mo ba kung saan ang Room 101? Eh, 1st year pa lang kasi ako dito eh kaya medyo nalilito pa ako. Sorry, nagtatanong lang."

1st year siya at Room 101 daw ang pupuntahan niya. Ibig sabihin kaklase ko siya. 

"Sa totoo lang, di ko din kasi alam kung saan yun dahil 1st year pa lang din ako. Pero alam mo magkaklase tayo. Gusto mo sabay na lang tayong maghanap ng classroom natin?"

"Oh sige. Walang problema. Ayos nga yun at may makakasama na ako ngayong first day. Wala kasi akong kakilala dito dahil galing pa akong Baguio City."

"Ahhh..." 

Wala ako sa mood makipag usap pero masaya din naman ako na may kasama na ako ngayon. At least hindi ako parang loner dito na ewan. 

Maya maya pa nahanap na din namin ang classroom namin. Nandito pala kami sa 2nd floor ng building. Mahirap siyang hanapin dahil maraming daan na pasikut sikot. 

"Welcome at Grey's University guysssss...." Bungad na bati nung kadarating.

"Hope you'll be my friends." Sunod pa nung isa. 

Nakakabagot naman. Antagal nung instructor dumating. 

"Uhmm... Ano palang name mo?" Tanong sakin nung kasama ko.

"Alliah. Liah na lang kung gusto mo ng shortcut. Ikaw?"

"Chloe. Chloe Natividad. Ano palang surname mo?"

"Corpuz."

"Your surname seems familiar to me. Corpuz. Parang may kilala akong Corpuz noon. Kase may naka chat ako sa FB noong Corpuz, ano na nga bang pangalan nun? Eh, nakalimutan ko na eh. Hehe."

"marami namang Corpuz. Baka hindi ko rin lang kilala."

"Eh, ewan ko lang. pero dito daw siya nag aaral eh. 2nd year na siya pero ewan ko ba, biglang may nangyari sa kanya. Naging controversy nga daw eh."

Bigla namang tumibok ang puso ko ng malakas dahil sa mga sinabi niya. Posible kayang...

"Ahhhhh... Naalala ko na, ang pangalan niya eh Anastasia. Anastasia Corpuz. jhsjsbxbshsbxsxjhsjdjh..."

Di ko na narinig ang iba niyang mga sinabi pagkatapos niyang banggitin ang Anastasia Corpuz. Anastasia, si Ate... Kilala niya ang ate ko. Naka chat niya daw. Ibig sabihin baka may mga nakwento sa kanya si Ate. Posibleng may maitulong siya sa akin sa pag solve ko sa kaso ni Ate. Tadhana nga naman... Inilapit kaagad sakin ang isang taong may kilala kay ate. Pero hindi ako pwedeng magpa dalus dalos sa mga kilos ko. Baka mabigla naman si Chloe kapag tinanong ko siya kaagad. Unti unti na lang ako magkakalap ng infos na galing sa kanya. 

Eto na, eto na ang simula... Ate Ana, alam kong kaya kong hanapin ang pumatay sa kanya. Wala nang atrasan to! 

Finding Out Who's the MurdererWhere stories live. Discover now