The Boyish Girl's Death

358 8 2
                                    

The Boyish Girl Is Down

"Ikaw naman ang isusunod ko, Clotilde Salamanca!" wika ng isang aninong nakatingin sa monitor kuha mula sa isang CCTV.

Matagal na panahon na rin ang nakararaan simula nang may mangyaring karumal-dumal na krimen sa Laiya Resort. At nang panahon ring iyon, naisipan ng mga Salamanca na magtayo ng isang pribadong resort sa bayan ng Batangas na tinawag nila Salamanca Splash Island Resort. Kaya naman, si Clotilde ang nagging sunod na target ng suspek upang iparamdam sa kanya kung paano mawalan ng isang negosyo. Dinala si Clotilde sa isang maliit at pribadong cottage kung saan wala pang napapadpad na mga dayo o bakasyonistang nag-renta sa cottage na iyon. Isa itong cottage na nasa gitna ng isang malawak na swimming pool na may lalim na limang metro o 16.4 feet. Malawak ang pool dahil tanging isang maliit na bangka lamang ang makakatawid patungo sa cottage na iyon.

Nang marating ng lalaki ang cottage, inihiga niya si Clotilde sa kama. Kumuha siya ng lubid at tinalian ang bawat kamay at paa nito. Itinali rin niya sa bawat poste ng cottage na iyon na gawa sa bilog na metal ang lubid. Ilang sandali pa, gamit ang isang remote control, umangat nang umangat ang kama pataas. Ang taas nito ay maikokompara sa tatlong palapag na gusali (3rd floor). Ilang metro lang layo naman ng mukha ni Clotilde sa kisameng may nakakabit na isang malaking TV screen. Humigpit nang humigpit naman ang lubid sa pagkakatali hanggang sa tuluyang bumaba ang kama at napalitan iyon ng isang hugis kwadradong butas na kapag nahulog ang biktima, deretso siya sa swimming pool.

Umalis na ang lalaking nagdala kay Clotilde at iniwang wala pa ring malay ito. Nagsimulang manood ang suspek sa monitor kung saan handa na niyang paglaruan si Clotilde. At siyempre, upang tuklasin rin ang kanyang talento sa pag-awit. Ilang minuto pa ang nakalipas, bumukas ang TV screen at lumikha iyon ng ingay na naging dahilan para magising ang dalaga. Babangon pa sana si Clotilde, ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong, nakatali siya na parang isang kakataying baboy. Bawat kamay at paa niya ay tali na alam niyang may kapasidad na hindi siya mahuhulog.

Nagsimulang gumala ang kanyang paningin, subalit ramdam na niya ang kakaibang bilis ng tibok ng kanyang puso nang mga oras na iyon. At nang magawi ang kanyang mata na nakaliyad ay lalong kumabog nang kumabog ang bilis ng tibok ng kanyang puso dahil isang malalim na hugis kwadradong butas ang nasa baba na kapag nahulog siya na nakatali ay siguradong katapusan na niya. Malulunod siya.

"Mahal kong panauhin,

Ika'y tumingin,

Sa aking harapan,

At pakinggan ang aking sasabihin."

"Si-Sino ka? Nasaan ako? Ang mga kaibigan ko? Bakit ako nandito? Pakawalan mo ako dito?" Nagpupumiglas at nagulantang na ang buong sistema ng katawan ni Clotilde nang magsalita ang isang anino sa tapat niya. Kahit nakahiga siya ay nakatuon sa kanya ang monitor ng TV.

"Huwag kang mag-alala,

Walang mangyayari sa iyong masama,

Sa iyong ganda, magpakabait ka,

Nang buhay mo ay maisalba."

"Ano ba'ng kailangan mo sa'kin ha?" Sigaw muli ni Clotilde na ngayo'y ramdam na ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Kahit magpumiglas pa siya, hindi pa rin siya makakatakas. Kung mahuhulog naman siya, mamamatay rin siya. Isa rin sa dahilan ay ang hindi siya marunong lumangoy. Mayroon siyang tinatawag na Aquaphobia o Water Fright. Takot siya sa malalalim gaya ng swimming pool, ilog, o dagat, o kahit anong may kinalaman sa lalim ng isang lugar.

"Simple lang ang gagawin mo,

Makinig ka sasabihin ko.

Malalim ang kababagsakan mo,

Kapag hindi mo ipapamalas ang boses mo.

Kumanta ka ng kantang nais ko,

At papakinggan ko ang iyong tono.

Kapag hindi ko nagustuhan ang tinig mo,

Asahan mong bababa ang posting nakatali sayo,

Hanggang sa malublob ka sa dulo,

At sa tubig, kamatayan ang naghihintay sa iyo."

"Walang hiya ka! Sino ka ba? Nagmamakaawa ako sa iyo, please!" pilit na kumakawala at nagmamakaawa si Clotilde nang bigla na lamang mawala ang aninong kausap niya sa monitor. Ang pumalit ay ang isang musikang pamilyar sa kanya - "Kung Ako Na Lang Sana". Ipinikit na lamang ni Clotilde ang kanyang mga mata at nakinig sa ritmo ng musika. Ngunit, nang mga oras na iyon ay sumagi sa isipan niya ang alaala ng kanyang naunsyaming pag-ibig. Nagmahal siya sa lalaking nagging matalik niyang kaibigan mula elementary hanggang hayskul sa pag-aakalang may gusto sa kanya ito. Subalit, hindi pala, kaibigan lang ang turing sa kanya.

Sinimulang kantahin ni Clotilde ang kantang "Kung Ako Na Lang Sana". Sa simula ay malamig at sadyang nagustuhan ng nakikinig ang kanyang boses. Ngunit, nang nasa kalagitnaan na at kailangan niyang bumirit, nagging flat ang tono ng boses ni Clotilde na siya namang ikinainis ng taong nanonood sa kanya. Aksidente niyang na-press ang button kung saan awtomatikong dumausdos pailalim ang bawat posteng nakatali ang kamay at paa ni Clotilde. Sa gulat naman nang dalaga ay napasigaw siya.

"HUWAGGGG!"

Dere-deretsong bumagsak ang katawan ni Clotilde sa pool. Nanatili pa ring nakatali ang mga kamay at paa niya. Pinilit niyang hindi kumawala at igalaw ang katawan pero hindi talaga matatanggal ang tali sa kanya. Malapit na siyang maubusan ng hininga. Hanggang sa unti-unti na siyang makainom ng tubig. Ilang minuto pa ang nakalipas, nanigas ang buo niyang katawan at mula na mulat ang matang binawian ang buhay dahil sa kawalan ng hangin. Tumigil na rin ang tibok ng kanyang puso. Wala na si Clotilde. Nalunod na siya sa limang metrong lalim ng swimming pool na iyon.

"Tsk. Tsk. Kawawang Clotilde! Sorry ha? Napindot ko kasi ang controller, kaya ayan ang nangyari sa iyo. Hindi bale, madali lang ang ikinamatay mo, kumpara sa unang biktima kong kaibigan mo. Hmmppp.... ano kaya ang susunod kong gagawin sa natitira mo pang mga kaibigan?" ngising-ngising wika ng nanood sa nangyari kay Clotilde.

2 down, 4 more to go este....to die....Ha-ha. Bwahahaha


And the next target is... tantarantantan... secret...

The Game of Death sa Laiya #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon