Chapter 12: I Still Remember Yesterday

43 3 0
                                    

"Mahal."

nagsmile lang si Mitch sakin.

"Andito ka lang pala." Nilapitan ko siya at kinapitan ang kamay niya masaya siya nakangiti, naglakad kami. Masaya lang kaming magkasama.

Umupo kami sa isang upuan "Mahal, wag mo na akong iiwan huh? Dito ka lang."

Tumingin siya sakin at ngumiti, ang ngiti niya talaga ang pinakamaganda sa lahat. Hinawakan niya ang mukha ko pero wala siyang sinabi.

"Mahal, I Love You Mahal na mahal kita."

Tiningnan niya lang ako at ngumiti uli. Kahit ngiti lang niya ayos na sakin bilang sagot sa lahat ng sinasabi ko basta ang mahalaga kasama ko siya.

"Alam mo Mahal ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganto." bigla siyang nalungkot sa sinabi ko "Oh bakit? may nasabi ba akong hindi maganda?"

Tumingin siya sakin "Mahal, you need to wake up."

*KRINNGGG!*

Darn! Umaga na pala uli. Isang umaga nanaman ng kalungkutan at isang buong araw nanaman ng bangungut ang kailangan tiisin ko. Tuwing sa panaginip na lang ako nagiging masaya, at nagiging buo pasimula nung nangyare yung araw na yun.

Ano ba kasing ginawa kong kasalanan para pagdusahan ko ng ganto?? May mali ba akong ginawa? Mali ba ang magmahal ng sobra? Nagmahal lang naman ako e, bakit kailangan kong maranasan to ngayon? Bakit siya pa? Bakit si Mitch pa.? Bakit kami pa?

Ang dami kong tanong sa sarili ko pero hanggang ngayon hindi ko pa din masagot. Hindi ko alam kung bakit kami pa ang dapat makadanas ng ganto. Para bang bawal akong maging masaya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako naging ganto kasaya tapos mawawala na lang ng ganun?.

Pumikit muli ako baka sakaling makatulog uli ako, kasi sa twing tulog lang ako nagiging masaya. I try myself to go to sleep pero hindi na e, kailangan ko nanamang harapin ang buong araw.

"Apo??! Hiro?!" tinanggal ni Lola ang kumot ko "Bangon ka na, pinagluto kita ng paborito mo. Diba may pasok ka pa?"

"Mamaya na lang po."

"Ganun ba? Okay, iwan ko muna kayo nila Wendell."

"Bro! Bangon na." sabi ni Wendell.

"Oo nga Kuys" sunod namang sabi ni Kenjo.

Halos araw-araw silang pumupunta dito para lang puntahan ako, samahan ako basta andyan sila lagi para sakin simula nung trahedya nila Mitch.

Halos sila na nga ang bumubuhat sakin para lang pumasok ako, sila yung nagtatyaga para kumustahin ako kung okay ba ako. Sila yung nasa tabi ko nung lugmok na lugmok ako.

Bumangon na ako alam ko namang mangungulit lang sila e. "To na nga."

"Ligo ka na, Tara! samahan ka namin sa CR?" pangungulit ni Wendell.

"Gusto mo kami pa magpaligo uli sayo e.HEHE" birong sabi ni Kenjo.

"Mga loko! Hindi naman ako baldado no. Sige na liligo na, wag nyo lang ako kulitin."

Wendell POV

Lampas na ngang isang buwan nang mawala si Mitch pero si Hiro ganto pa din, laging tahimik, tulala minsan, laging malungkot in short hindi pa din siya nakakamove on minsan nga nakikita na lang namin siyang naiyak, sobra akong naaawa sa kaibigan ko kita namin ang sakit at hirap na meron siya pero wala kaming magawa. Hindi man namin alam kung ano ba talaga ang sakit na nararamdaman niya ngayon pero ang alam ko lang kailangan niya ako/kami sa mga panahong ito.

tandang tanda ko pa ang araw na yun ~flashback~

"Bro, asan na daw sila?"

"Naglunch na daw sila e."

327 Days with HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon