#1 Read: Bloody Crayons

138 4 5
                                    

08/06/13

This is the second mystery series that ive read in wattpad. Paano ko nga ba ito natagpuan? Dahil kay ate Jhing po, kung hindi ako nagkakamali ni add niya sa reading list niya ung kwento kaya tiningnan ko ito, mukhang interesting ang title pati na rin ang cover at tulad ng ginawa ni ate Jhing, nilagay ko din ito sa reading list ko.

Sunday..,it was supposed to be my restday, pero wala eh! Walang magawa kaya kinuha ko ang phone ko at nag open ng wattpad. I checked my reading list, gusto kong magbasa ng kwentong kakaiba, nakakasawa kasi laging romance ung binabasa ko.

Then, naisip ko ung Bloody Crayons. Akala ko nga si Kuya_Soju ang author then nakita ko si kewlblue_element pala ang nagsulat. Nakokoryos talaga ako pag lalake ang author ng kwento. Astig kasi mag isip ang mga lalake at isa pa cool din sila.

Pagkatapos, sinimulan kong basahin ang kwento. Una pa lang napukaw na ng author ang atensyon ko.

14 teenagers 

7 couples 

2 weeks of fun 

1 great vacation 

1 dead

The others will soon follow! Who did the killing?

Whooaaah! Ang cool diba? Mahilig pa naman ako sa mga problem solving, and sad to say ni hindi ko man lang inaakala na si ****tooot**** ung killer.

Alam mo bang, kumuha pa ako ng ballpen at mga papel para sa pag solve ng mystery na bumabalot sa kwento. Ang OA ko noh?!

Ilang beses na rin ako nagpabalik balik sa mga previous chapters para i check ung mga detalye na kailangan ko.

Nakakatawa, para talaga akong nagsosolve ng problem sa Math.

Nang maibulgar kung sino ung killer ay nadismaya ako. Puro mali kasi ang mga hula ko.

Di ko rin sukat akalain na ganoon kababaw ang dahilan ng killer kaya nagawa niyang pumatay ng mga kaibigan. Pero mula sa kaibuturan ng aking mga lamang loob, naaawa ako sa kanya. Mababaw man ang dahilan niya, ay nagawa niya un dahil sa nasaktan siya.

Magulo kasi ang mundo!

Sa gulo ng mundo, natatangay nito ang problemang di na dapat pinapalala. Di na dapat pinaabot sa patayan.

Pero dahil magulo nga ang mundo, walang batas ang magbibigay hustisya sa tuwing nasasaktan tayo. Kaya ang resulta, tayo ung gumagawa ng sarili natin batas. Tayo ang gumagawa ng parusa sa mga taong nananakit sa atin.

BLOODY CRAYONS isang istoryang mag e-enjoy ka talaga sa pag iisip ng mali-maling hula kung sino talaga ang killer?!

This World is CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon