[Dedicated to my Friend. I was so depressed the time i wrote this. Sorry for the typos and grammatical error. composed: 2/19/13, edited: 5/14/13, posted: 08/13/13]
Dear Friend,
Ang tagal na rin pala, simula noon tayo ay nagkakilala. Limang taon, biruin mo umabot tayo ng ganoong katagal bilang magkaibigan. Di naman siguro nakakapagtaka ang ganoong bagay di ba?
Anyway, siguro nagtataka ka kasi may pasulat-sulat effect pa akong ginawa. Masyadong mahaba kasi ito kung itetext ko sa iyo. At kung iniisip mo na pwede ko naman sabihin ito ng personal ay AYAW KO. Di ko kasi kayang sabihin sayo ng harapan ang mga salitang nais kung iparating. Bakit? Dahil ayokong makita kang nasasaktan, ayokong makita ang magiging reaksyon mo pag nilabas ko ang lahat.
Ang hirap maglabas ng totoong nararamdaman pero sa pagkakataon ito, gusto kong sabihin ang lahat lahat. Lalo na sa pagkakataon ito, na unti unti kong nararamdaman na nawawala ka sa akin.
Friend, salamat dahil nakilala kita. Salamat dahil dumating ka. Salamat dahil binago mo ang pagkatao ko. Salamat sa lahat lahat ng kabutihang loob na pinakita mo sa akin. Pati na rin sa pagiging maldita mo, salamat dahil pinakita mo sa akin yun.
Salamat dahil lagi kang anjan na handang makinig sa ka OA-an ko. Salamat dahil nagawa mong makisama sa tulad ko. Salamat dahil natitiis mo ang pag uugali ko. Salamat sa lahat lahat. Nang dahil sayo, nalaman ko ang kahulugan ng salitang KAIBIGAN. Ikaw kasi ang nagpakita sa akin ng tunay na kahulugan ng salitang yun. Di mo man sabihin, lagi mong pinapakita yun.
Gusto ko din sabihin sa iyo na "I MISS YOU SO MUCH." Ewan ko lang kung naniniwala ka or not. Dahil ako kasi nagdadalawang isip kung dapat ko nga bang sabihin yun sa iyo. Alam mo kasi, ayaw kong banggitin ang mga katagang yan. Kung bakit? Dahil KAPLASTIKAN ang tingin ko sa salita na yan. Madaling sabihin ang mga salitang yan pero mahirap iparamdam kaya ayaw ko ng mga katagang IMY.
Pero this time, alam ko na kung bakit nagagawang sabihin yan ng iba. Seryoso ako ngayon at dahil nga sa natatakot akong mawala ka at matagal tagal na rin tayong di nagkikita, this time sasabihin ko sayo ang mga salitang "I MISS YOU!!" Totoo yan at walang biro. Sincerely and Truly. mula sa puso, from the buttom of myheart (ayan, in-English pa, para mas lalong maramdaman mo, alam ko kasi genius ka at mas nafifeel mo pag English!)
Namimiss ko talaga ung dati. Alam mo ba pag umuuwi ako, at nadadaanan ko ung mga lugar na pinupuntahan natin noon, naaalala kita.
Diba pag wala kang pasok at free ako, lagi tayo magkasama at kumakain kahit saan. Naglalakad kahit walang destinasyon. Kahit kadalasan ako ang nagbabayad sa pamasahi at sa pagkain.
At dahil sa lagi akong nanlilibre, siguro napagod na ako. Eto na, honestly, ayaw ko man isipin, pero nasasaktan din ako minsan, kasi parang logi ako, lagi nalang kasi ako. Nakakapagod ung laging ako nlang palagi. Alam ko, estudyante ka lang at ako may trabaho, pero di pa rin sapat na lagi nlang ako ung gumagastos. Hindi naman sa sinusumbatan kata, nagrereklamo lang po ako. Selfish na kung selfish, pero i have my family, my parents and my siblings, kelangan ko silang i-priority kesa sayo. May responsibilidad ako sa kanila. Masakit man sa akin, handa akong iwan ka para sa kanila. Sorry for the harsh word. Pero yun kasi ang reality. Sana maintindihan mo.
Aside from that, masaya ako at napakaswerte kong tao kasi nakilala kita. Tinanggap mo kung anong pagkatao meron ako. Masaya talaga ako dahil tinanggap mo ako [paulit-ulit] alam mo ung bihira lang makakatagpo ng taong tanggap ang tunay mong ugali. Bihira lang ung taong kayang magtiis sa katahimikan ko.
Oo, tahimik akong tao, di naman ako pipi, pero mahiyain ako kasi. At hindi rin talaga ako nakikipag usap sa mga tao, pero ikaw, nagawa mo akong kausapin kahit hindi ako nagreresponse sa mga sinasabi mo. Although, nakikinig naman ako lagi sa mga kwento mo. Kaya masasabi kung napakaswerte ko kasi nagtitiis ka na makasama ako palagi.
Its been a months and a weeks when we talked to each other. Its been a months and a weeks when we see each other. Galit ka ba? May nagawa ba akong mali? Bakit hindi na tayo nagkikita ulit? Sana naman magkita tayo ulit, tulad ng dating gnagawa natin nun, tapos mag fofoodtrip tau, tapos mag kkwentuhan about our life and other person's life.
Ang gulo ko ba? Magulo kasi ang mundo!
P.S.
Please naman oh, wag mo akong iwan. Kahit na anong manyare. Kahit na nilalayo ko sarili ko sayo, please wag kang umalis :( alam kung lumalayo ako, pero babalik din ako. I just need space. Sana maintindihan mo. Siguro naguguluhan ka sa akin, pero for the sake of our FRIENDSHIP, for the sake of the times we spent, for the sake of our other's circle of friends..)D0NT LEAVE ME! Kahit magbago ka nah! Kahit magbago ako! SANA WALANG IWANAN!
P.P.S.
Pasensya na kung magulo. Magulo kasi ang mundo! At nababaliw ako sa gulo ng mundo!
BINABASA MO ANG
This World is Crazy
Literatura FaktuAng gulo ng mundo and it makes me CRAZY. (random thoughts)