Her Story of challenges

89 1 2
  • Dedicated kay Teri Tolentino
                                    

A Sister's Love

This short story is my gift for my one and only Sister ...

Nakaka-nosebleed magtatagalog na nga lang ako.

oh well, ano nga ba?

uhm... sa totoo lang di ko alam kung san ako magsisimula eh,pero para sa mga hindi po nakakakilala sa kapatid ko, I'll start from the very start.

22 years ago...

I was just 1 yr old that time, wala pang alam sa mundo. Wala din pinoproblema. Malamang kase bata pa ako nun e.

pero that time wala pa akong kapatid. lahat ng atensyon ng mga taong nasa paligid ko nasa aken. pero nagbago lahat yun ng dumating siya. nung nakita ko siya nun buhat ni mama, masaya ako dahil my kapatid na ako.

Maliit lang siya nun, kung makikita mo, kasya na siya sa loob ng box ng sapatos e, tapos ang payat niya pa. Ayos lang saken nun kung nahati ang atensyon nila samen ng kapatid ko. kase nga kapatid ko siya, di pa uso selosan samen nun.

Basta ang alam ko lang mahal ko ang kapatid ko at walang pwedeng umaway o umapi sa kanya.

maayos naman ang samahan namin, di naman nawawala ang minsanang away sa magkapatid diba? lalo na kung mga bata pa lang.. pag my nagawang mali ang isa, damay pati isa samen. ganun talaga, pero tuwing natatapos kame parusahan o kaya ay disiplinahin ng papa namin, eh aakyat kame sa kwarto na parang wala lang o kaya iiyak kaming dalawa tapos pagnagkatinginan biglang tatawa.

Ang baliw namin noh? ganun talaga e, kahit hindi magsalita isa samin, sa tingin pa lang o kaya nama'y sa isang pangyayari na matatawa ka, e makakalimutan mo na yung sakit.

Minsan nga naparusahan kame ni papa nuon dahil nag-away kame ng dahil sa mga kalaro niya, ang totoo hindi ko na maalala kung bakit basta yun. Habang nakadipa kami at may nakapatong ng tigalawang libro sa magkabilang kamay at pinagagalitan kame ni papa sa harap ni mama, biglang nalaglag yung pustiso ni papa. kaya biglang tawa namin ng malakas nun habang si papa hindi mo malaman kung ano reaksyon nya, namumula kasi siya e, di ko lang alam kung dahil sa galit o sa kahihiyan. hahahaha

Kaya ng matapos nun, hanggang kinagabihan, yun pa rin ang pinagtatawanan naming dalawa. ganun kami kababaw. pero mas mababaw kaligayahan ko.

habang tumatagal, napapadalas kami magaway magkapatid kaya napapadalas din kaming pagalitan ang bigyan ng punishment. pero sabi nga ng magulang namin, natural daw yun kasi nga mga pasaway talaga kame.

6 years ago..

I was 2 yeas college nung napag desisyunan naming sumali sa choir. at first ako lang dahil sa tulong ni mama nuon. 1 week na ako nuon sa choir na yun ng pinasali ko ang kapatid ko. 3rd year high school pa lang siya nuon. we both love singing. ang sabi ni mama, bata pa lang daw kame, hilig na namin ang kumanta ng kumanta.

Kaya yun, sumali kame. Masaya naman siya kung tutuusin, until one day, may sumali na lalaki sa choir. payat siya, as in. Mas payat pa siya sa kapatid ko. Has broad shoulders, medyo mataas at hindi siya gwapo. Kilala pala siya nung dalawang ka-member namin. Kabarkada daw nila. That time, kinakaibigan namin lahat so choir para hindi kame mailang. Ganun din naman sila samin.

Bakasyon na nun at nagsa-summer class ako nun to advance 3 subject na pang 4th year. Minaor lang naman. That time, nagkaayaan na magkaroon nga outing ang choir sa Pampanga. Sabi nila, maganda daw kung sasama kami para ma-experience namin yung bnding ng choir.

kaya nagpaalam kame sa parents namin. Hindi sila pumayag kasi nga bago pa lang kami ang masyado daw mahal ang babayaran. 500 pesos per head, e dalawa kami, so 1000 kami. kaya hindi talaga pumayag.

A Sister's Love [Completed] <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon